![]() |
Worthwhile TTP (Tidbits,Tips & Pieces) |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > User-Group Forums > Cyberfriends Forum > Worthwhile TTP (Tidbits,Tips & Pieces)
![]() |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
Senior Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 1,018
Posts: 1,018
vCash: 500 |
Worthwhile TTP (Tidbits,Tips & Pieces)
As posted by Rolly Ramos:
Ang Kaalaman sa pag pili ng manok pansabong: Kaalaman sa pagpile at mga aspeto ng pag pile ng MANOK panlaban kahit hindi ibitaw o makitang pumalo ,mga kriterya na makikita sa panlabas na kabuuan ng panabong na may ugnay sa kanyang galing at ikakapanalo. kapag humawak ako ng panlaban kahit hindi ko ibitaw ay alam kong lalaro ng maganda at alam kong may kakayahan na manalo pag nakita ko ang mga katangian ito;;; **kapag binuklat ang pak pak ay hinihila ng manok pabalik malakas ang manok na ganito, pag hinila at nag paubaya o nakalaylay ang pak pak o mabagal ibalik ng manok sa pag kakakip kip , malamang may diprensya o mahina ang manok. **kapag iniangat ang manok dapat na mamisekleta ang mga paa, o itikom ang mga dalire na idinidikit sa dibdib. tiyak mamamalo ito at mabilis . kapag iniangat ngunit nakaunat ang paa o tila nalulula na tuwid ang mga binti , mabagal mag itsa ng palo ito.at konti mag tapon ng paa, **kapag ikinakahig at malakas humila ,may intensyon na manakit talaga ang manok sa kalaban, at lamang sa paunahan,ngunit kung tamad kumahig o lumilihis/malamang malamig sa laban at wala sa focus wala sa loob ang laban. ** mas palaban ang bukang buka ang pulok kesa sa babahagya ang pagkakabuka, sa obserbasyon ko ang pulok ng manok ay ginagamit nila na panakot sa kalaban para mag mukha silang mas malaki. ** hanapin ang kapag pinag dikit o tiniklop ang proptoe ay eksaktong tatama sa gitnang dalire ,tiyak na asintado ang patama ng palo nito, laging tukoy ang patama, kapag itinikom ang mga dalire at lihis o di nag tama ang proptoe sa gitnang dalire ,ang manok na ito ay maraming aksayang palo,sabog ang palo maganda sa bitaw mahina sumugat sa tari . **ang manok na mabilis umubos ng pag kain at maigsing matinis tumilaok ay mabilis pumatay. ** ang dikit na sipit sipitan , maingay pumagaspas o nag tatama ang pak pak pag tumilaok ay malakas na manok, ** kapag inihiga ang panabong at mabilis bumangon/bumalikwas.indikasyon na malakas ang manok. ** hawakan ang tuhod at iunat ang hita/binti at itwist dahan dahan ang binti, pakiramdaman ang pagkakasugpong ng hita sa tuhod kapag sa pakiramdam ay matigas at buo ang ikot ,indikasyon na madiin pumalo lalo sa stag, kapag naiiwan ang ikot ng hita sa binti magaan ang parating ng palo mababaw sumugat **hilahin ang binti ng hawak na manok papunta sa harapan o uluhan ng manok kung mas malayo ang naaabot mas mainam , mahaba umabot ng palo ito . kung hinila at maigse ang naabot short cutter ang manok. at para sa inyong lahat ang senyales at kaliskis ay maaring umiral sa mag kauring manok o sa mag sing husay na manok,mas nakalalamang ang may taglay o may karga.gayon pa man may pangyayari na ang isang bulok na panabong ay nanalo sa alas na panlaban dahil sa senyales. higit na dapat bigyan ng atensyon ang kalusugan,kundisyon,at uri ng manok para sa akin gayon paman minsan ay umiiral ang senyales tulad ng mga sumusunod.;;; *****GITNANG DALIRI NG MANOK----kapag ibinaluktot mo sa ilalim ay may makikita kang apat na gatla o guhit.(karaniwan ay talo lang),ito raw ay mananalong manok at mabilis pumalo. ******PUTOK NA KALISKIS SA UNAHAN SA LIKOD NA DALIRE(proptoe)tukoy ang palo ,laging shoot kada palo. ****paningit sa kanan paa tapat ng tahid-----kung tawagin ay katig,mahirap daw talunin dahil balanse ang paningit sa tari, anumang bagay na pantay ay mahirap itumba. ****pakuan----- ito ay diretsong dalire kasama ang kuko sa likuran dalire ng manok,tuwid na tuwid at di maibabaluktot, kapag itinama ng manok ang palo nya ay para daw ipinako ang kalaban ,bagsak at lupasay. ***** may bato sa tahid---- ito yung ang tahid ay may matigas na bukol o parang bato sa ilalim o ibabaw ng tahid.mabigat mamalo ang manok na ganito madiin ,masakit, wag mo lang ibabagsak sa pag bitaw at hindi kikilos ito. dapat daw medyo pagulong o patulak ang bitaw. pangontra sa may bato---- dapat daw na mag ligis ng bato na makukuha sa loob ng sabungan at pulbusin saka ipahid sa manok mo, pag nagawa mo ito para ding pinulbos ang kalaban mo. ***buong kaliskis---- marahil nakakapansin tayo ng taong bago mag bitaw ay paikot ikot sa gradas at pilit kang iniikutan, ito kasi ang pag gamit ng senyal na buong kaliskis. at dapat mong ilaban ang ganitong senyal kung bilog ang buwan, ,,,,,,,, pangontra--kung napansin mong inikutan ka ay wag mong awayin bayaan mo lang ibitaw mo ng malayo manok mo at muli damputin mo balasa ang tawag dito na syang pangontra. kung mapuna mo na iikot uli sandal ka lang sa salamin para di ka maikutan. ***siyam na bilang ng kaliskis sa likod na dalire(proptoe) bibihira ito dahil kadalasan ay pito .paraan ng pag gamit ibitaw ng tuwid ang manok linya sa kalaban, wag itabinge o ilihis,kapag nagawa mo ito hindi daw susugat ang kalaban sa loob ng siyam na paluan. **** 34 pataas na bilang ng kaliskis mula tapat ng tahid hanggang dulo ng gitnang dalire magaling daw na pandayo sa malayong lugar. **** manok na may kaliskis sa ilalim ng dalire----kailangan daw na ang mag bibitaw ay mag huhubad ng sinelas o sapatos sa gradas bago ibitaw ang manok,,,,, nakokontra naman sa pamamagitan ng pag gaya. ****matang pusa----- ang itim sa mata ay hindi bilog kundi pahaba ,kapag nag katitigan ay tumatakbo ang kalaban.lalo at nasaktan na. ****BINABAE----ANG ISANG NAPAGTATALONG SABUNGERO AY DAPAT DAW MAG BITAW NG BINABAE,upang mapatid ang malas.matalo manalo ay parehas lang. *** ipinalalagay na hindi daw lulusot ang binabae sa talisain dahil walang bakla na nakakaakyat sa puno ng talisay.(e bat ako nakakaakyat nyeee!! buking) ****hindi raw mananalo ang binabae kung mapalaban ng first fight o unang sultada ang dahilan wala raw babaeng nag bukas ng sabungan. ****ang binabae ay lusot daw sa hapon o padilim dahil tiyak daw na ang babae ay naghihintay na lang ng pera sa pag uwi ng lalaki sa hapon o gabi. ****balat ---- balat o tila mantsa sa sa binti ng manok----sinasabing ito ay senyales na hindi takot pumatay ang manok dahil antimano ay may mantsa na daw parang bahid ng dugo sabi ng matatanda. *****pamahiin sa mga manok na puti ang binti------ ang mga puti ang binti ay dapat na ilaban sa ikatlong araw ng pagsibol ng buwan,dahil ang buwan ay nasa itaas na sa mga araw na ito,tiyak ang manok panabong na may puting paa ay lagi ng nasa itaas sa laban,. ******las las o tas tas---- ito ang kaliskis na diretso ang biyak mula tuhod hanggang pababa, espada kung tawagin ,mainam sa laban wag lang matapat sa "yano" ang yano ay kaliskis na walang putok walang paningit walang buo, talo naman ng may paningit may buo may putok ang "yano" -------------------- BORN TO KILL |
|
|
|
|
|
#2 |
|
Senior Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 1,018
Posts: 1,018
vCash: 500 |
Contrapelo or Contra Fellow? in Sabong
Hello to All,
I always listen to the Oldman's or Lolo's story about Sabong and many of them will teach you/us how to win in Sabong. One is to bet on contrapelo, nakakabalahibo ika nga. They are as follows: 1) Sinibalang VS. Grey, Talisayin or Talisayon Whenever I encountered this type of pairing in the pit, I always bet for the Sinibalang and most of the time I won. The reason behind by our Lolos is that the balang will eat easily the talisay leaves. hehehe looks funny but on many occasion it is true. 2) Mayahin VS. Sinibalang This time I will bet on Mayahin against the sinibalang. The reason by our Lolos is that the maya will just eat the balang. hehehehe, you will note that most of the time the mayahin will win in the battle. 3) Bulik VS. Grey, Talisayin or Talisayon When I was in grade school, during our Town Fiesta the Sabungan was built just beside our house. In there,I witnessed how the sabong has been done/operated. One of the Sultada was between a Bulik against a Talisayin. I was with my Lolo in the pit and my Lolo asked which one from the bird I like to bet. I told my Lolo that I want the Bulik because it is very nice and beautiful bird. My Lolo said to me. Apo, you are throwing away the money I will be giving to you with some smiles at me.. My Lolo bet on the Talisayin. Llamado ang Bulik. In short the birds was released and the Talisayin won easily. I asked my Lolo what is his secret about it. Apo, alam mo talo ang Bulik ng Talisayin kung hapon na kasi ang talisay leaves ay ginagamit para balutin ang balaw pag uwi-an na ng mga tao sa sabungan.hehehe .. Bulik= Balawon in our dialect and balaw=hipon na bagoong. hehehe I got a Hirao Cock ( Dirty Grey) after I finished my College and I always wants to fight it with a Bulik in the pit. Really, I easily won to a Bulik.... to be continued....... |
|
|
|
|
|
#3 |
|
Senior Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 1,018
Posts: 1,018
vCash: 500 |
Worthwhile TTP
Hello to All,
Anyone can share his own experiences/tips here to win in Sabong the odd or in modern way. Some people will believe it, some will not and will take it for granted and just laugh at it. The essence here is sharing such an experiences that may give some thoughts and/or benefit/learn our fellow CFs and enjoy Sabong at thier own way. However, such experience of others may not happen to him or might not be true to his experience. That is where another story(ies) will begin. Enjoy your Sabong your way..... Astro |
|
|
|
|
|
#4 |
|
Senior Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 1,018
Posts: 1,018
vCash: 500 |
Hello,
There is no guarantee that the Tips printed above will make you win all the time but your chances will be more to win most of the time. Astro |
|
|
|
![]() |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media