FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

Mistezo, bakit hindi?

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > Mistezo, bakit hindi?

Reply Page 1 of 4 1 2 3 4  >
 
Thread Tools Display Modes
Old March 23rd, 2002, 11:53 AM   #1
thundercock
Member
 
thundercock's Avatar
 
Join Date: Jan 2002
Posts: 366
Posts: 366
vCash: 500
Question Mistezo, bakit hindi?

Magandang araw po sa lahat,

Itatanong ko lang po kung bakit hindi pracktikal ang mag alaga ng mistisohing pansabong? Meron napo ba talagang nag breed ng mga ganitong pansabong at ang kinalabasan na resulta ay di maganda?

Maraming salamat po sa inyong mga sagot kung meron man.

Thundercock
thundercock is offline   Reply With Quote
Old March 23rd, 2002, 01:46 PM   #2
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink

hmmmmmm...bakit nga ba hindi? Sa akin lang, ang impresyon ko sa mestiso eh napakadaling talunin ng mga modernong teksas...kaya duon na lang ako sa mga modernong teksas. Gaya ng sabi ko, sa akin lang yan.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old March 23rd, 2002, 06:49 PM   #3
Sundowner
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500
Thumbs up

Huwag naman sana nating mali-itin ang mga cross breed na Mestezong texas. Nanu-od kami ng Mrs. ko sa lumang sabungan ng Imus at nag laban iton high breed at imported daw, kalaban ay mestesohing Miner Blue (abuhin). Natural lo-tress ang pustahan..Pumago si Mrs.sa dihado ako naman ay nag bibgay ng lo-tress..Nalito ang Christo namin..kaya cancell na lang muna ang pusta ko sa llamado. Akala-in mong pag bitaw e sugod si high breed hatch, umangat naman si abuhin. Ayon dalawang pa-a bibit palabas ang hatch at bali manok pala.. masarap na pulutan ito at imported, sabi ng may ari ng abuhin. Aywan ko lang kung ilang oras ilalaga para lumambot ang carni, sa tingin ko ay over 3 yrs old yong imported. Kung minsan nasisira ang laro ng imported sa mga local breed natin..Ang advantage lang ng imported ay matibay, pero pag tinama-an din sa bayag ay pueding pang karira sa San Lazaro. May nakilala akong pinoy sa copper state, at ipinag mamalaki ang kanyang breeding k sa mga big breeder daw galing ang trio. Unang laban sa derby tumakbo ang manok niya buhay, Napahiya..pipilipitin sana ang leeg, hiningi ng Mexicano..ipinagamot, isang sugat lang sa puwit, sabi ng chicken doctor, he got hit in the balls. Sabi ko sa Pinoy ikaw man ba ang tama-an sa itlog di takbo ka rin, lalo na pag si Mrs. ang sumipa sa iyo. Pero pag ako, si Mrs. ang lumuluhod..talaga? oo naman sagot ko, kasi under the bed ang tago-an ko para makita niya ako kailangang lumuhod siya.. he he he...Naka isa na naman..have a nice weekend..

------------------
Sonny

[This message has been edited by Sundowner (edited 03-23-2002).]
Sundowner is offline   Reply With Quote
Old March 23rd, 2002, 10:06 PM   #4
Gallos Locos
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Sa aking palagay, kailangan lamang alamin kung saan nababagay ang manok na inilalaban. Naiiba ang manok na nilalaban sa tupada, hackfight, small time derbies at circuit derbies. Dapat lamang ilaban ang manok kung saan siya nababagay, maging anong lahi man siya.
  Reply With Quote
Old March 24th, 2002, 01:06 AM   #5
Maning
CyberFriends
 
Maning's Avatar
 
Join Date: Feb 2001
Location: Sharina Heights, Bacolod City, Negros Occidental
Posts: 7,106
Posts: 7,106
vCash: 500

Para sa akin kung parehas lang naman ang ipapakain ko at ibibigay na gamot bakit pa ako mag-alaga ng mestisong manok. Di sinayang ko lang ang oras ko. Opinyon ko lang.

-maning-
Maning is offline   Reply With Quote
Old March 24th, 2002, 01:54 AM   #6
Draven51501
CyberFriends
 
Draven51501's Avatar
 
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,284
Posts: 1,284
vCash: 102604400
alalahanin natin na ang mga manok ni BOB HOWARD na nanalo sa WORLD SLASHER ay mga mestiso, at hindi purong TEKSAS.. at tsaka nga pala, ayon sa aking mga nabasa, anumang manok na pea-comb ay may halong oriental blood.. gaya ng roundhead, sabihin nila na purong teksas ito dahil galing sa states, pero hindi ba ginawa ang roundhead sa pamamagitan ng paghalo ng dugong oriental... so masasabi rin natin na ang roundhead ay mestiso... so sino ang nagsasabi na sayang lamang ang panahon at pera sa pag-aalaga ng mestiso kaysa mag-alaga ng purong teksas..
Draven51501 is offline   Reply With Quote
Old March 24th, 2002, 02:04 AM   #7
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

.
Ang Teksas ay lahi ng manok na pinalahi ng madaming henerasyon sa galing magsabong. Yan ang dahilan kung bakit di masyado practical ang mga mestisong Teksas na may halong tagalog o cantonese sa dahilang di pinalahi ang tagalog at cantonese para sa sabong.

Ako din ay naniniwala sa sinabi ni Pareng Maning ng NJ tungkol sa practicalan.


  Reply With Quote
Old March 24th, 2002, 10:58 AM   #8
ACMLOT
Member
 
Join Date: Oct 2001
Posts: 138
Posts: 138
vCash: 500
Post

hindi ba kayo nag tataka sa tingin natin ay pangit at sayang lang ang ipatutuka kung tagalog lang ang manok......hindi nawawala sa lahat ng sabungan na may nilalabang tagalog...lalo na sa tupadahan...at marami rin ang nilalaban ang tagalog nila sa mga texas...
ACMLOT is offline   Reply With Quote
Old March 24th, 2002, 01:36 PM   #9
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
kung makakauna lang naman,ang sabi ni tagalog.ang mahirap ang maunahan ni tagalog sa itaas at magrabe sa unang banggaan.edi kay tagalog nga naman ang laban.pero siyempre hindi palaging ganoon ang pangyayari.nagdadasal din si tagalog kapag dragfight na ang laban.kasi sensitive si tagalog sa sakit,habang tumatagal ang laban ay nagiisip si tagalog na kumalas o umayaw.pero si tagalog sa lahat ng laban ay magulang.may pa fake na palo pa nga,mauudlot ang kalaban at mawawala sa timing.tapos pipitikin ni tagalog.ang problema ay kung hindi nya mapatay sa limang salpukan.kapag nakaramdam na ng sakit sa haba ng careo ay kakalas na at hindi tutuka.tatanawin ang nag-breed at sasabihing,"BOSS,AYAWAN NA!".
  Reply With Quote
Old March 26th, 2002, 12:52 AM   #10
poldacalos
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
nakaranas na rin ako ng ganyang pagkakataon at sa kasamaan pa ako ang nadale dalawang beses nang nanalo ang manok ko na roundhead at texas na texas ang itsura tiwala ako dahil kahit na medyo mas malaki ng konti ang kalaban na bulik at tagalog dinaan ko na lang sa hitsura at laro nya.Umangat ang pustahan sa topada hanngang P11,000 at llamadong llamado ang manok ko lotres na ang sinisigawBinitawan ng erpat ko ang manok unang lipad di sumabay ang bulik pagbaba sinipa lang ayun sapul sa tagiliran. Nakayuko na akong umalis sa topadahan. kaya ako ayoko ko nang lumaban uli sa tagalog mas may pag-asa pa ang mga manok ko kung sa kaparehong texas ko na lang siya ilalaban at makakasabay pa sya sa paluan.
  Reply With Quote
Old March 28th, 2002, 01:32 PM   #11
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink

Are the Asil or spanish fowls considered mestizo? If a fowl's blood came from an asil (oriental) and a sweater, will this be considered mestizo?

In tagalog, mestiso ba yung mga binanggit ko? hehehe,

Kidd

[This message has been edited by Kidd Sentencia (edited 03-27-2002).]
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old March 28th, 2002, 08:30 PM   #12
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Dapat ay may mas specific na depinisyon ang "mestizo".

Kung ang depinisyon nito ay "mestizong teksas", ang 1/2 Asil 1/2 Sweater ay meztiso na. Pero parehas naman silang pinalahi para sa sabong.

Kung ang depinisyon nito ay "mestizong panabong", and 1/2 Teksas 1/2 Cantonese ang mestizo sa dahilang ang manok na ito ay 1/2 Panabong at 1/2 pang-ulam.
  Reply With Quote
Old March 29th, 2002, 01:28 PM   #13
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink

...eto isang pinanggagalingan ng mestiso.

May teksas, nakatali sa bakuran, merong mga inahing native ang kapitbahay na gala...tumabi kay poging teksas...ang mga anak siempre tisoy...hehehe.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old March 29th, 2002, 03:01 PM   #14
rodel aguilar
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
parang tao 1/2purong kano 1/2 pinay, e ang anak bansot pero maputi nong tawag dito.

isang pinoy napunta ng US, naging citizen at
nagpalit na ng passport natutong uminglesss,
nakapagtrabaho sa us--f...he he he

  Reply With Quote
Old March 29th, 2002, 06:03 PM   #15
CD
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Mistiso (Pangit/Medium size), yan ang tawag sa mga manok ko noong station ako sa Cubi, Point near (Subic Bay) nakapag-uwi ako ng mga breeding ko from Guam (3/4 Lemon Hatch YL/1/4 Saipan Fowl), twice kong nilaban sa 4 cock derby. Lahat halos ng laban ay deyado kami, pero all five brothers nanalo, isa lang ang nasugatan at lumabas ang bituka pero hindi ito tumakbo sa laban, walang gustong pumusta dahil nangungupete ang mga manok sa timbangan at kapag dumadaan ang mga kasador nagtatago na yong manok, kaya puros pang harang ang mga ito. Natalo lang ang mga ito sa mga magnanakaw after ng manalo ng second derby. Pati narin yong broodcock from Guam nininakaw pero umuwi sa amin after a few days, maraming sugat sa mukha siguro ini-spar nila (parang pusa marunong umuwi). Basta magaling ang mga manok mo, kayang tumanggap ng sugat at confident ka na mananalo, LARGA! Pero, when it comes to breeding doon parin ako sa pure from State side, iba na talaga ang stock ng tate (balingbing din) he!he!
Kaibigan,
CD
Quote:
Originally posted by Kidd Sentencia:
Are the Asil or spanish fowls considered mestizo? If a fowl's blood came from an asil (oriental) and a sweater, will this be considered mestizo?

In tagalog, mestiso ba yung mga binanggit ko? hehehe,

Kidd

[This message has been edited by Kidd Sentencia (edited 03-27-2002).]

  Reply With Quote
Old March 30th, 2002, 01:25 AM   #16
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Quote:
Originally posted by Kidd Sentencia:
...eto isang pinanggagalingan ng mestiso.
May teksas, nakatali sa bakuran, merong mga inahing native ang kapitbahay na gala...tumabi kay poging teksas...ang mga anak siempre tisoy...hehehe.
Kidd

Kung ganyan ang depinisyon ng "mestizo" ay siguradong di sulit sa sabong ang ganyang manok laban sa purong teksas. Dahil sa ang mga native na inahen ay di pinalahi bilang sasabungin kungdi pang ulam o pang pets lang. Ang labas siyempre, tisoy, or sasabungin na may takbo. Ganito ang madalas makikita mo sa hackfight sa Balanga, hayop sa porma ang mga manok, teksas ang itsura, siguradong may dugong teksas na, nung binitaw na sa rueda at nakatikim ng sugat sa tari, biglang umalpas ng takbo!!!

[This message has been edited by TonyDel (edited 03-29-2002).]
  Reply With Quote
Old March 30th, 2002, 06:06 AM   #17
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Cool

kaibigan edi ilaban ang ganitong uri ng manok sa kanyang kauri.syempre ka level din dapat ang kalaban.ang mga maliliit na sabungero hobbyist natin sa pinas ay gusto rin magsaya at ma-enjoy ang sabong.syempre limited ang budget kaya ganoon din ang uri ng inilalaban.at least nagta-try sila na mapaganda ang lahi out of this scrap breeding material.talagang ganyan sa umpisa,lahat tayo sa pagkatalo natuto.pasasaan ba`t pupunta rin yan sa totong klase ng panabong na manok,pag nakaluwagluwag na at may budget para sa 35,000 pesos trio.
  Reply With Quote
Old April 10th, 2002, 02:10 AM   #18
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Quote:
Originally posted by TonyDel:
Kung ganyan ang depinisyon ng "mestizo" ay siguradong di sulit sa sabong ang ganyang manok laban sa purong teksas. Dahil sa ang mga native na inahen ay di pinalahi bilang sasabungin kungdi pang ulam o pang pets lang. Ang labas siyempre, tisoy, or sasabungin na may takbo. Ganito ang madalas makikita mo sa hackfight sa Balanga, hayop sa porma ang mga manok, teksas ang itsura, siguradong may dugong teksas na, nung binitaw na sa rueda at nakatikim ng sugat sa tari, biglang umalpas ng takbo!!!

[This message has been edited by TonyDel (edited 03-29-2002).]

Yung mga laban ng manok na iyan eh "para inuman" lang kung minsan...ibig kong sabihin eh ambag-ambag tayo kasi nanalo na ito at nakita ninyo. Or, tiwala ako at tapwe lang ang pusta ko kaya sige...hehehe.

Tonydel, test mo na ang mga manok mo sa derby ng CF...plis? or, if-is...hehehe.

cheers!

Kidd

Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old April 10th, 2002, 02:15 AM   #19
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Post

sa wala

[This message has been edited by Kidd Sentencia (edited 04-09-2002).]
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 12:40 AM   #20
mrpayperview
Member
 
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500
Thumbs up

Mga kaibigan

Ilagay na lang natin na ito ay lumang thread galing nung isang taon. Pero ilang daan na magong members o kayat ilang libong bagong members ang nag register dito sa sabong.net.ph mula nung huling posting sa thread na ito.

Napag isipan ko lang mag search at okay pala itong topic. Mestiso bakit naman hindi.

Kung sa totoo lang ang mga magugulang sa sabungan e ayaw itapat ang kanilang Teksas sa mga mestiso sa bandang hapon.

Sa mga bagong members at mga veteran members baka naman pwede natin bigyan pansin itong topi na ito at mag share tayo ng comments or experience tungkol sa mga mestisong manok.

Pwede nating pag usapan kung nakapaglaban kayo ng mestiso o kaya naman ay tinapatan nyo ang mestiso. Mga laban na nakita nyo sa sabungan na tumakbo ang mestiso. Ilagay na rin natin ang laban sa sabungan na napabelib kayo sa sobrang dehadon mestiso at nanalo pa.

Pwede rin kayong mag share kung gumagamit kayo ng mestiso para pang sparring partner lamang at kung bakit.

Salamat mga kaibigan.

Richard
mrpayperview is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 12:58 AM   #21
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
mistiso,

sa panahon ngayon. yung wala lang mainam na source ang nag aalaga ng mistiso. timbangin mo ito. ang mistiso di kayang makipag drag fight, madaling mangayaw, ang imported hanggang may malay tumutuka, mas malakas pumalo.mas mahaba buhay.minsan tinatalo ng mistiso sa diskarte o kung makauna sya. pero malaki parin pag asa ng mistiso kung makakakapit,o makadikit, kung parehasan lang ng sugat di tatagal ang mistiso sa laban.
  Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 03:18 AM   #22
EbunTexas
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Talking Hindi rin!

Kaw Polly mistisong kulot ka no?
gusto mo ipaglaban natin ang imported vs.imported na mistizo? anong say mo?


=QUENG ASU EKU TATAKUT KEKA PA =
  Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 09:56 AM   #23
roundhead
Senior Member
 
Join Date: May 2002
Posts: 797
Posts: 797
vCash: 500
tulad ng sabi ng iba dito, depende sa iyong "level" ng gamit.

mayroon din mga chambalero.

sa akin naglalaban din ako ng mga pangkatay totoo ang sabi ninyo na madaling mamatay at tinitawanan, pero ako ginagawa ko ay sinasalpakan ko ng droga! Nux Vomica ang aking gamit at nakatutuwa naman at may mga nanalo rin. sinuswerte naman ako na wala pang tumatakbo sa mga pangkatay na nilalaban ko. oo nga pala pang tupada lang ang mga ito. nakakatuwa kasi yung mga ibat ibang kulay nila.

tama din ang sabi ng mga igan natin dito, na kung magaalaga ka lang ng panglaban ay yung sigurado na yung may siguradong siyapol at tapang na makukuha lang sa teksas dahil ang mga mestiso minsan may siyapol na kaunti, may pitik at may isang palo--walang 'consistency'. ang teksas henerasyon na pinerpekto sa kanilang pang indibidwal ang mga kasariang pang laban, ubod ng tapang at ang kasamang mabilis na tuloy tuloy na palo. gagasta ka rin e doon ka na sa full automatic assault rifle, unless ang kalaban mo si FPJ, talo ka doon dahil siya bida! :lol:
roundhead is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 03:15 PM   #24
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
ebon nakakasawa ka na

ebon texas nakakasawa ka na, lagi ka lang nangugulo, dami nag txt sa kin wag naraw patulan ebon texas , kasi mistisong retarded ka raw.palagay ko nga .kaya huli ko ng pagpatol sayo ngayon tutal marami pala may alam na abnoy na itlog ka.
  Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 03:37 AM   #25
EbunTexas
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Talking Paging! calling! moderators here!!!!!!!

ANONG SAY NIYO , TINAWAG AKONG "MISTISONG RETARDED" AT "ABNOY" DAW AKO.

ROLLY POLLY, AKO MAN ANG TINIRA MO PERO INDIRECTLY MAY TINAMAAN SA INSULTO MO, PATI RETARDED AT MGA ABNOY TINIRA MO PA DITO, BAKIT LIABILITY BA ANG MAGING ABNOY AT RETARDED? IPINANGANAK SILANG GANON DI BA, KASALANAN BA NILA? DI MO BA ALAM KAPAG SA KABILANG BUHAY AY SA LANGIT ANG DIRETSO NILA? KAYA BA LAHAT NG NORMAL NA TAO MAGPUNTA DOON?

MISTIZO KA NAMAN TALAGA DI BA? MISTIZO ANG BUHOK MO DAHIL KALAHATI NALANG:lol:


NOTE: THIS REPLY IS DEDICATED TO ALL SPECIAL CHILD AND MENTALLY INCAPACITATED HUMANS WORLD WIDE!



=queng asu eku tatakut keka pa=
  Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 08:51 AM   #26
mrpayperview
Member
 
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500
Hello mga kaibigan.

Magandang usapan nga naman talaga po ito. Ang pinagusapan na tungkol sa mestisong manok. Masarap rin pagusapan ang mestisang pullet, pero sa ibang thread na lang ko po ilalagay ang usapan tungkol sa mga mestisang pullet at baka ma off topic po tayo.

Ang ma-i-share ko sa inyo tungkol sa mestiso sa personal lamang ay para pang catch cock mainam po iyan. Nag kakaruon ng ibang fighting style experience ang mga alaga nating Teksas. Pero kung lalabanan ang mestiso, siguraduhin lang ng pang hackfight lang at 'di pa masyadong matagal sa ulutan ang Teksas na itatapat dun.

Sa magandang bahagi tungkol sa mestiso meron din akong istorya dyan. Sa bandang hapon habang nasa sabungan at talagang ma llamado yung araw. Biglang nagpapanalo ang dalwang sunod na sultada ang dehado. Nagsisimulang maghiyawan ang sabungan. Nabuhayan ang mga dehadista, kalahati sa kanila ay nawala na at umuwi't talo.

Pasok sa ruweda ang sunod na laban. "Anak ng tupada!" Magandang laban po ito. Pasok muna sa lugar ng meron, panalo ng tatlong laban sa araw na iyon...si "Customs". 3 panalo at wala pang talo. Pumasok naman ang kalaban, isang matandang naka kalo at ang dala ay halatang mestiso na madumi pa ang paa. Nung ikahig yung Teksas at mesitiso halos magkasinglaki lang, mejo lamang pa yata ang mestiso sa laki. Tawagan ang mga tagapusta...Lo Diyez kaagad!!! Once!!! Tres!!! Ayaw pa rin sumahod ang mga tao. Ngayon mga kaibigan ang dapat na logro lamang ay Diyezan lang ito. Pero nag sampu anim at nagkagulo ang sabungan. Sahod lahat. pati yung mga among nasa ringside sahod din sa sampu anim. Bibitawan na ang mga manok. Si "Customs" namismo nag bitaw. Pang apat na panalo hayan na!! Dumampot ng lupa yung matanda at ihinimas sa likod ng mestiso. Binitawan parehas. Unitng unting lumapit yung Teksas...yellow legged hatch yata. Unang salpok ng Teksas iwas sa kaliwa yung mestiso. Ratsada na naman ng machine gun ang Teksas, iwas na naman yung mestiso. tinginan ang dalawang manok. Lumipas ang dalawang segundo...nagsalpukan parehas. HIYAWAN ANG BUONG SABUNGAN!!! Palakpakan dito...palakpakan doon. Dapa ang Teksas at tinitingnan lang ng mestiso. Unting unting lualapit ang Teksas gustong kumapit at magpawala ng syapol. Talon talon lang ang mestiso. HIYAWAN ANG MGA TAO...HULI!!! HULI!!! HULI!!!. Biglang naglabasan ang mga kantsaw..."Buhay pa ba yan!!" uka nga ng mga nangangantsaw. Yung mga sumahod ay kumantsaw din, sumenyas sila sa daliri "ISA!! DALAWA!!!" Sinentensiyahan na nila yung Teksas. Okay talo tayo mga kaibigan, lumagay kasi ako sa Llamado. Tumitingin lang ang mestiso ayaw pumalo. Kareo sigaw ng mga llamadista...pero tumutulo na ang mga pawis sa nuo nila. Pumalo yung Mestiso ulit. Hiyawan na naman ang mga dehadista at halos magiba ang buong sabungan sa pagpipiyesta at sayaw ng mga dehadista. Kareo na naman. pumalo na naman ang mestiso. Tapos na ang laban...teka muna mga kaibigan lumapit yung mestiso...nakakapit ang Teksas...RRRAAATATATATATATATATATATAT!!!!!! sa tagiliran ng mestiso. KAREO ...break. tag isang tuka. Kareo...break. Kareo...break. Kareo Isa!!! Dalawa!!! Sigawan ang mga tao!!! Kamot naman ng ulo ang mga tao din!! Ako naman ang sumigaw... Buhay pa ba iyan!!! Ang panalo po ay sa Meron ang Llamado sa tawagan. Apat na panalo sa isang araw si "Customs".

Pambihira talaga ang sabong. Delikado ang mestiso dahil pag nakauna ay titingin tingin lang kung minsan. Pero minsan naman nakakapitan sa bandang huli ng kalaban at RRAAATATATATATAT!!!! Tapos ang laban mga kaibigan.

- Richard
mrpayperview is offline   Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 10:54 AM   #27
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
mrpayperview

galing ng post mo,sakay na sakay ko kahit ang haba,TINGIN-TINGIN NA LANG AKO.tutal nakauna na, mahirap lumapit sa lugmok na texas , baka MA RRRAAAATATATTATTTT, nabilangan na yan ng sentensyador,isang tuka na lang ,deklarado na yan, :hippie: salamat sa post mo mrpayperview. bilib ako sa malalim mong talinghaga,.
  Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 11:10 AM   #28
h-manokis
Member
 
h-manokis's Avatar
 
Join Date: Apr 2002
Posts: 317
Posts: 317
vCash: 500
akoy may bangkas itim ang paa.kahit saan ko ibutaw.larong teksas,pag nakita mo hindi mo pag-aaksayahan ng panahon.nag-bibilang ng panalo kahit mga anak na lang sila.....depende yan.parang tubig yan pag-tahimik malalim yan,pag-maingay walang sinabi yan....:rbounce:
h-manokis is offline   Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 08:54 PM   #29
patuzai
Member
 
Join Date: Jan 2003
Posts: 68
Posts: 68
vCash: 500
grabe ang ingay ng sapa d2 . ano kaya kung subukan kung ilaban sa ratatatatata nyo yugn mga mestizo ko , kasi hindi pa ako nagkakaroon ng teksas e at sa tuwing naglalaban ako lagi na lang minamaliit kaso nga lang tulo pawis ang kumakantyaw sa manok ko ayan talo tuloy sila :rbounce:



patz:crazy:
patuzai is offline   Reply With Quote
Old April 24th, 2003, 10:20 AM   #30
mrpayperview
Member
 
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500
Kaibigan Patuzai.

Hindi naman palaging Teksas. Kung sa trabesya, sa bandang hapon Pu-Anim ang tawagan Teksas vs Mestiso dun na ako sa Mestiso. Bakit, kasi babad na sa ulutan yung teksas, samantalang maka isang pitik yan e di meron ng pang inom at pang pulutan. Minsan meron pang.....
mrpayperview is offline   Reply With Quote
Reply Page 1 of 4 1 2 3 4  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Bakit Po Ba Suma-sabit Ang Tari O Hindi Maka-bunot SAWSAW Usapang Manok 47 May 5th, 2008 09:42 PM
Pekeng wing bands sa S-auction quickkill Usapang Manok 695 February 22nd, 2007 07:47 PM
Bakit Hindi Nating E Bulgar Ang Mga Manlolokong Taong Nagbebenta Ng Manok? jakusa Usapang Manok 120 August 29th, 2006 06:57 AM
Bakit hindi ako makapag post reply,comment and rate ng picture? jl_brother Chit-Chat 2 April 10th, 2006 09:50 PM
bakit hindi ako maka connect sa CHAT roland_kent Comments and Suggestions 2 April 28th, 2005 11:16 AM


All times are GMT +8. The time now is 11:12 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy