![]() |
live or killed vaccine? |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > live or killed vaccine?
![]() |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
CyberFriends
Join Date: Jun 2000
Location: Daly city
Posts: 776
Posts: 776
vCash: 500 |
tanong lang po.bakit mas mura ang live vaccine kesa sa killed vaccine. pwede po bang itago pagkagamit ng killed vaccine sa ref. pagkatapos gamitin? maraming salamat po.
|
|
|
|
|
|
#2 |
|
Member
Join Date: Jan 2004
Location: PANGASINAN/BC CANADA
Posts: 93
Posts: 93
vCash: 500 |
vaccines
ang alam ko bro walang killed vaccine kasi ang vaccine ay microorganisms na pinahina na ibibigay sa tao o hayop para palakasin ang resistansya nito bago pa makaencounter ng ganong microorganism na papasok sa katawan may panlaban na sya sa sakit na yon.......
|
|
|
|
|
|
#3 |
|
Senior Member
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500 |
Ang killed vaccine ay umaabot ng 1 year ang protection pero ang attenuated live vaccine ay 3 months lang ang kayang ibigay na protection. Pero bago nagbibigay ng killed vaccine ay kailangan mo muna bigyan ng preparatory na live vaccine. Kalimitan ay ginagamit ang killed vaccine bilang booster shots para sa live vaccine.
Marami ang nagsasabi na pwede ilagay sa ref. ang natirang killed vaccine, pero marami ding vet. ang nagsasabi na bumababa ang effectiveness ng killed vaccine kapag nabuksan na ito at medyo matagal nang naka store (bukas na ang seal). MOYZKI |
|
|
|
|
|
#4 |
|
Senior Member
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500 |
Ang live/attenuated vaccine ay kalimitan na ibinibigay sa manok in a small dose. Usually ito ang ipinapatak natin sa mata ng manok, one drop lang ay okey na. Ang action ng immune system ng manok ay patayin ang mahina pero buhay pang virus na ito. Sa sistemang ito ay napapalakas nya ang kanyang immune system dahil na expose na siya sa virus na iyon.
Ang killed vaccine naman ay ibinibigay natin sa manok in a large dose, usually 0.3ml to 0.5ml per dose. Kalimitan ay pa injection ang method ng administration nito. Ang action ng immune system ng manok ay i absorb nalang ang naturang killed virus para mapalakas ang kanyang immune system. Hindi na nya kailangan ito patayin kasi tepok na ito. THIS POST IS OPEN FOR CORRECTIONS. Hope this helps... MOYZKI |
|
|
|
|
|
#5 |
|
Member
Join Date: Sep 2002
Location: Adelitas, Tijuana
Posts: 237
Posts: 237
vCash: 500 |
moyski,
Kailangan bang i bakuna ang mga manok kada taon? Ang pagkakalam ko, ang NCD daw ay kailangan every year bigyan ng bakuna. Sa chicken pox at mareks ba, kailangan ding every year ang bakuna o one time lang? |
|
|
|
|
|
#6 |
|
Senior Member
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500 |
Pareng ss,
Sabi nga ng mga vet ay mali daw ang kaalaman ng iba nating mga nagbabakuna, na kapag nagbakuna sila sa virus na iyon ay immune na for life ang manokis nya. Mali po ang concept na ito. Dyan na pumapasok ang killed vaccine na umaabot ang protection for 1 year. Usually kapag fowlpox ay sa 28 days and then after 2 mos ang bigay ko. Hindi ko na ito binibigyan ng booster shots after that, unless kung ito ay gagamitin ko as breeder (hens and broodcocks). Before breeding season ay binibigyan ko ng booster shots ang mga breeder para maisalin nila ang proteksiyon sa kanilang magiging pasisiw. Pero walang problema o mas mainam kung mabibigyan mo pa sila ng booster shots ng fowlpox kung mayroon kang natirang bakuna sa pagbabakuna mo ng ibang mga sisiw mo. Isabay mo nalang ang malalaking manokis mo kung gusto mo. MOYZKI |
|
|
|
|
|
#7 |
|
Senior Member
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500 |
Tungkol naman sa mareks ay hindi ko pa na experience na magbakuna ng ganyang vaccine.
Pare hindi naman lahat ng bakuna ay kailangan mo ibigay sa manokis mo kung hindi naman sila tinatamaan nito. Ang pinaka importanteng bakuna na kailangan mo ibigay ay NCD, fowlpox, IBD. Kung malaki ang budget mo ay pwede ka magbigay ng Infectious coryza at infectious bronchitis. Alamin mo lang ang virus na palagiang tumatama sa manokis mo at ito ay kailangan na hindi mawala sa vaccination program mo. MOYZKI |
|
|
|
|
|
#8 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
spruce,
sabi ng mga kompanya pwede itago ng matagal ang live vaccine. pero sabi rin ng mga vet, pwede mo ilagay sandali sa refang sobrang bakuna, pero hindi pang matagalan. ang live naman, ubos o hindi, kailangan idispose ng maayos kaagad. hindi lang yan basta tinatapon sa basurahan kasi kakalat ang mikrobyo. ang maganda dyan, bilhin lang ang tamang dosage na kailangan para wala ka ng paghihinayangan itago. |
|
|
|
#9 |
|
CyberFriends
Join Date: Jun 2000
Location: Daly city
Posts: 776
Posts: 776
vCash: 500 |
Thanks you sa lahat!
matagal-tagal na rin itong tanong ko anyway maraming salamat sa lahat ng nag-response. MABUHAY KAYO!!!! spruce |
|
|
|
|
|
#10 |
|
Senior Member
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500 |
pareng moyzki,
nice posts. payong beterenaryo na ata yan he he . keep up the goodwork. ganun din sa iyo solraya.jsiglerjr, kabayan, di ko pa natatanggap yung gamot. kakahiya yatang ipakuha kay manying. yung PM box mo puno na. i-delete mo na yung iba. |
|
|
|
![]() |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| Common Diseases Of Gamefowls | tigershark | Chicken Talk | 12 | September 9th, 2009 07:51 PM |
| Breeding & Healthcare | SCORGEPIST | Chit-Chat | 1 | March 7th, 2007 10:11 AM |
| Live Vaccine Announced!!!! | El Espaņol | Chit-Chat | 1 | December 27th, 2005 02:36 PM |
| H5N1 strain of bird flu hits Asia | sweater02 | Chicken Talk | 6 | October 4th, 2005 12:35 PM |
| Pagtinamaan ng Mareks ang mga alaga ano ang pwede pang gawin? | thundercock | Usapang Manok | 12 | February 8th, 2005 04:09 AM |
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media