![]() |
tamang pagsukat ng haba ng tari (longknife) |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > tamang pagsukat ng haba ng tari (longknife)
![]() |
Page 1 of 3 1 2 3 > |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
tamang pagsukat ng haba ng tari (longknife)
gaano nga ba kahaba ang tamang tari na ikakabit at itatali.hindi naman pare-parehas ang haba ng paa ng mga manok,papaano nga ba ang taman pagsukat?still on rule applies to all,it is better to tie a little bit shorter knife than to tie a little bit longer knife.hayaan nating magbigay ng feedback ang ating mga kapwa cockfighters.
|
|
|
|
#2 |
|
CyberFriends
Join Date: Feb 2001
Location: Sharina Heights, Bacolod City, Negros Occidental
Posts: 7,106
Posts: 7,106
vCash: 500 |
Kung ako ang tatanungin mo, gusto kong magkabit ng tari ng mas mahaba ng konti kesa magkabit ng tari na maiksi ng konti. Ang pagsukat ko ng (pilipinong)tari sa manok na mula 1.8-2.4 Kgs. ay mula sa prop toe hanggang (shank/thigh)joints. Ito ay opinyon ko lang sa 26 anyos kong pagtatari. |
|
|
|
|
|
#3 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2001
Posts: 3,598
Posts: 3,598
vCash: 500 |
I agree with Maning. I've talked with many manug-takod(Hiligaynon) or mananari(Tagalog)
and as far as I could remember, the rationale was to create the most damage if not kill at the first buckle. You can be Slightly at a disadvantage on the ground fight After the first buckle, but then your opponent's cock has a more severe damage (if not dead or dying) than yours. I hope this helps. ------------------ 4got10cocker |
|
|
|
|
|
#4 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
maning
ano nga ba ang dahilan sa manok na nagsasarili ??meron akong nakitang laban tatlong beses yata nagsarili yong isa ...ayun talo..thanks |
|
|
|
#5 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Ako naman ay dependi sa fighting style ng manok. Kung flyer siya ay kakabitan ko ng mdyo mahaba, at kung ground or shuffler ay med yo maiksi. Erluntz, ang experienced ko sa nag sasariling manok ay maaaring may kahaba-an ang tari at masyadong pasok. Kung ang sukat ay hanggang joint o lampas sa tuhod from prop toe tapos ang sapin ay ubod ng kapal at pasok ang puntarya, e susubra sa reaching point. At iyan ang results , pero may manok din na kapag maka bill hold at multiple ang shuffle ay may posibilidad din na mag sarili. My opinion.
CXheers, ------------------ Sonny |
|
|
|
|
|
#6 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2001
Posts: 3,598
Posts: 3,598
vCash: 500 |
Ang tawag sa amin noong nagsasarili ay nagsuicide. Most of the time ang alignment ay pasok than what is allowable at meron namang mga manok na ang paa ay sometimes bow-legged nang kaunti o di kaya ang gait, stride or paglakad nang manok ay diffferent than normal, kaya kailangan ang expertong mananari ay mag lagay nang kaunting adjustment. Kaya noong nagsasabong pa ako ang aking mananari ay ang aking tagapag-alaga
alam niya ang manok na kanyang tina-tarian. I hope this helps.Nauubos ang tagalog ko!!!! ------------------ 4got10cocker |
|
|
|
|
|
#7 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
thanks to you all kumpanyeros for sharing your knowledge and expertise.surely a lot of us benefit from it.
|
|
|
|
#8 |
|
CyberFriends
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,852
Posts: 8,852
vCash: 500 |
Sundowner at Maning,
Papaano ba yung pasok ang puntirya? may naririnig din akong lihis ang tari, papaano ba ito malalaman? sa mga gustong matututo ng pagtatari, ano ba ang advise ninyong dapat munang aralin, at ano bang tari ang unang dapat pag-aralan ng mga bagito, ang filipino fork knife ba o yung socket knife ? may nabasa kasi akong mas madaling ikabit ang socket knife, mas bagay ba ito sa mga bagito? Maraming salamat, Mga Guro. pagpalain kayo ng Diyos. |
|
|
|
|
|
#9 |
|
Moderator
Join Date: Sep 2001
Posts: 134
Posts: 134
vCash: 500 |
erluntz,
As far as i know ang mga manok na nagsasarili ay may "WEAK NECK". Imagine this...(basta tama ang sukat ng tari) Whenever a cock bill holds and makes a shuffle, the tendency is to pull the other cock near and gives the lethal blows on a spot where he wanted it to land. But, if the other cock's neck was stronger and pulled the shuffling cock instead, the intended blows will most probably hit its own neck or head. Pero, kung kaya niyang bitbitin kahit mabigat ang kalaban dahilan na malakas ang leeg niya, malabo mangyari na magsarili siya, right? Depende sa manok ang sukat ng tari na gusto ko ~ but i like a bit shorter in length than the usual or traditional basis of measurement (prop toe to joint). For speed cock (shorter) - "Madaling bunutin at isaksak uli" For power cock (traditional) - "One blow can make the difference" - madaling bunutin kasi may power. The choice is yours. Kharmic. |
|
|
|
|
|
#10 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
JLBS72,
Mas mabuti pa ang pasok ng kaunti kaysa lihis. Walang posibilidad na maka sugat ang lihis o maaring kung sumugat man ay pikiti lang. Ang pasok ay malaki ang chances na pumatay o maka pilay sa kalaban, huwag lang siyang mag sarili (suicide). Labas ang tari pag na pansin mong ang point ay naka pontarya sa labas ng elbow bone (yong naka usli) o kaya ang position ng tari ay straight up na parang flag pole. Pasok naman ito pag ang point ng tari ay lumampas sa center ng puwit (ass hole) ng manok at medyo balagbag. Ma papansin mo agat ito kahit may bayna pa. Pero ang labas o lihis na tari ay ma papansin mo na lang pag tinanggalan na ng bayna. Kung ikaw mismo ang may hawak ng manok habang tinatari-an ay ma notice mo ito once naka plastada na ang kabit ng tari at walang adjustment na dapat gawin. Tungkol sa pag aaral sa pananari, mas madaling pag-aralan ang socket kaysa filipino fork knife. Ang sakit ay mas less time and less material at moleskin cloth tape at kahit dental floss lang na pang tali ay ayos na, ang adjustment ay nag kakatalo sa pudding (both side of spur. It's a matter of preference pero para sa akin mas gusto ko ang fork kahit medyo matagal ikabit dahil madaling e adjust sa gusto mong angle. Hope I have answer all your question. Cheers, ------------------ Sonny |
|
|
|
|
|
#11 |
|
CyberFriends
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,852
Posts: 8,852
vCash: 500 |
Maraming salamat sundowner, kita na lang tayo sa january.
Pagpalain ka ng DIYOS. |
|
|
|
|
|
#12 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Kharmic
that is an interesting point..ngayon ko lang narinig .something to ponder.. Sundowner maraming salamat sa input mo..more power to you guys. one more thing pag hinihitting ang manok at pinapatakbo napapansin ko minsan na ang ibang manok ay sayad na sayad ang bayna sa lupa.any explanation to this??? |
|
|
|
#13 |
|
CyberFriends
Join Date: Feb 2001
Location: Sharina Heights, Bacolod City, Negros Occidental
Posts: 7,106
Posts: 7,106
vCash: 500 |
Baka flatfooted ang manok,malapad masyado ang bayena o low point ang tari. |
|
|
|
|
|
#14 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2000
Location: Metro Manila
Posts: 1,638
Posts: 1,638
vCash: 500 |
Sundowner,
Salamat sa impormasyon mo tungkol sa puntirya ng tare. Pwede mo bang sagutin ang tanong ko? Paano ipuntirya ang tare pag ang pagkagawa ay duling o libat (sa bisaya)? Sa puwet ka rin ba tumitingin sa asinta o sa siko ng manok? Salamat po |
|
|
|
|
|
#15 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Rebel, ang adjustment ay nagagawa sa pamamagitan ng cloth pudding (sapin). Kasi kung minsan ay tumatari ako ng right leg o sad-ang o kaya bawbaw. Kung wala akong pang right leg na tari ay dina dagdagan ko na lang ang pudding sa loob para ma compensate at ma e plasta ko ang tari sa gusto kung angle at sipat. Basta Filipino Fork knife, nag kakatalo sa sapin para maka pag adjust. Gusto ko yong point ng tari ay naka aim sa center ng puwit ng manok. Pero ang iba namang gaffer ay line up sa siko ng tuhod (a matter of preference). Kung duling man o libat (visaya term) sana ay sa papasok ang pagka libat. e kung palabas magagamit mo yan pang right leg at hindi puedi sa left. Be aware na maraming gumagawa ngayon ng tari sa pang fix fight at isa na ang libat (aiming left) at mga gawang bakal na hindi sumusugat.. Just brotherly advice.. Hope I have explained everything.
------------------ Sonny |
|
|
|
|
|
#16 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2000
Location: sydney, auckland, angeles city
Posts: 933
Posts: 933
vCash: 500 |
Mga kaibigan, ano ba ang kaibahan ng regular at duling na tare? Pasensiya na kayo, matagal na kasi akong wala sa Pilipinas at hindi pa ako nakakita ng duling o libat na tare.
Rigolleto |
|
|
|
|
|
#17 |
|
CyberFriends
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,852
Posts: 8,852
vCash: 500 |
Sundowner,
Hindi ba mahirap mag-aral magtari ng Pilipino fork knife? Mga ilang oras ba o araw bago matuto ng basic na pagtatari? mga ilan pirasong tari ba ang recommended mo sa mga beginner para mapag-praktisan? Ssamat ulit. God Bless. |
|
|
|
|
|
#18 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Rigolleto, ang duling yata eh yung naka-point na sa iyong right hand ang point ng tari kung hahawakan mo itong nakatutok sa iyo ang tari. Nakatingin sa mala-gitna kaya naturingang duling...ito ang nakita kong mga tari na galing ng Bacolod nuon. Ewan ko lang kung tama ako.
Kidd |
|
|
|
|
|
#19 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
jlbs72, dependi sa mode mo, mayrong madaling matutu at isang araw lang e puedi na. Mabuti pa niyan bumili ka ng used knife (two pair)at mag practice ka sa manok palenki na pang adobo para polutan. Tari-an mo ang manok na gusto mong alaga-an, o kaya kung gusto mong dalawang pang polutan e bumili ka ng dalawa at tari-an mo pareho. Ako bata pa (13 yrs old) gumawa ako ng tari pako (nails), siempre pok-pok at temper, ginamit ko ay coconut oil(langis)na may halong suka pang temper. Practice sa pag tari at dala-dala ko si manok at dahil hindi mailap ang manok ko ay sabay itsa sa mga manok ng kapit bahay. Naku pag nasugatan takbo si visaya sa hapdi, pero siempre walang nakakita. Nasa hilig yan pero sa tingin ko madali kang matutu. Baya-an mo pag kita natin ay tuturo-an kita. Puedi bang paki canbas mo naman ako kung mag kaano ang one dozen na quality knife? Kasi hindi na ako gumagawa at pinagbili ko na rin ang mga tari ko dahil mahirap ng mahulihan. Mayron akong pattern na sarili ko at ito ay subok na rin. Medyo maluwang lang ang fork para kung malaki man ang tahid ng manok ay hindi bulki ang pudding (sapin). Kung ako sa iyo mag pagawa ka kahit one dozen lang pang sariling gamit. Please let me know..
Cheers, ------------------ Sonny |
|
|
|
|
|
#20 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2001
Posts: 3,598
Posts: 3,598
vCash: 500 |
Kidd naman, tutubu-an nang balabiho galing sa pakpak nang teksas ang tagiliran mo sa sinabi mong ang mga duling na tari ay galing sa Bacolod, he!he!.
Marami rin akong mangagawa nang tari na honest na rin at high carbon steel pa ang ginagamit. Hindi nayuyupi ang tip kahit tumama sa bakal sa ruweda o sa salamin. Iyong mga libat o duling na tari ay sa mga dishonest lang yon pero most of the Bacolodnons are proud of their ancestry and honest in their dealings. I was born in the heart of Iloilo City but I got many of my cocks which I bred from Bacolod too. Cheers!!!!! ------------------ 4got10cocker |
|
|
|
|
|
#21 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2001
Posts: 3,598
Posts: 3,598
vCash: 500 |
Sundowner, I used kabugao thorns, tie them with rubber bands in the past and look around for cocky bisaya and throw my chicken armed with kabugao thorns both legs and the poor bisaya would squawk and scream after 3 buckles. One time my chicken committed suicide by hitting it's left eye!!!
------------------ 4got10cocker |
|
|
|
|
|
#22 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Pinolim, I am a pure visaya too from Baybay Makato Aklan. I happened to met Mr. Tito Tenchay (correct my speeling) here in San Diego. I heard he is one of the promoter in Candellara, you know him? I never been in Iloilo, but I have quite a few friends who are also an avid Sabungero, retired from the Navy now residing in Iloilo. To mention a few, one of them is Penny Morino and Pudoy Javelosa. Do you know this guys? Maybe you can help me. I know Villadulidul is very popular in making quality Filipino Fork Knife. I used to order my Fork (garol) from Villadulid when I was still active making knife. Can you please give me an estimate how much it will cost to order a dozen high carbon steel knives? I am assuming that you still have some contact there. I might need it by January. Lihog lang kag kung mahimo ay email mo sa akon. Ang email ko dire sa address book. O bisan sa thread na lang. Thanks in advance.
------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 10-05-2001).] |
|
|
|
|
|
#23 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Pinolim, 'kaw naman...hinulaan ko lang naman eh...bakit di mo sabihin sa amin kung ano yung duling na tari talaga...hehehe.
Pakpak sa tagiliran? aba, maganda yan...pwede na akong isabong sa tupada...hehehe. Kidd |
|
|
|
|
|
#24 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2000
Location: sydney, auckland, angeles city
Posts: 933
Posts: 933
vCash: 500 |
Oo nga naman Pinolim, sabihin mo na kung ano ang kaibahan ng libat na tare. Parang may may gusto kang palabasing hindi maganda tungkol sa tareng ito. Sige na pare, para naman may matutuhan kami ni Kidd, salamat.
Rigolleto |
|
|
|
|
|
#25 |
|
CyberFriends
Join Date: Feb 2001
Location: Sharina Heights, Bacolod City, Negros Occidental
Posts: 7,106
Posts: 7,106
vCash: 500 |
ang duling na tare ay patent ng original na tare ng malaysiano.ang point ng duling na tare imbis papuntang kanan papuntang kaliwa.ang malaysian ay walang garol ito pareho ng adjustable socket. noong sumikat ang pawarat entry na halos siguro lahat ng visaya alam ang combine na yan ilang beses nagchampion sa candelaria derby.ang pawarat entry na to na ang nagtatari si late "papeng" ay halos lahat na tare na ginagamit sa entry na yan ay ang (malaysian) duling o libat sa visaya na tare.sinubukan ko yang tare na yan 1987 dahil sa uso lang noon pero hindi hindi makapasa sa taste ko. noong sumikat yan sa bacolod, nagumpisa 1985. yong sikat na manggawa ng tare sa valladolid neg. occ. na si carlos "palo" na pinapagawan ko ng mga tare ko noon ,sinabi sa akin na gumagawa lang ako nito dahil binabayaran nila ako, pero tingnan mo ang gamit kong tare sinauna pa rin.tingnan mo sabi niya, babalik at babalik sila sa sinaunang style na tare.tama ang sabi sinauna pa rin ngayon "pinanipis" lang ang blade, ang puntirya parehas. sundowner,, nong, daw budlay na magpadala sang bulang subong strikto sa airport. ang presyo sa valladolid subong 1 dozen= 8,000 pesos.huwag kang magalala maraming supply ng tare dito. kung gusto mo orderan na lang kita tapos padala ko na lang sa pampanga o manila sa january.may pinadala na akong bakal last week ipagawa naman yon. magustuhan mo super cobalt na parting blade ang size 3/32 x 5/8 x 5 inches tama sa isang tare. diretso na wala na pokpok o baga amo na ang gusto mo di ba? acythelene na lang sa garol. 3/32 tama lang ang nipis sa tare. ang presyo ng labor 400 pesos isa, sa bacolod city mismo. |
|
|
|
|
|
#26 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Thanks pareng Maning, ayun naman pala ang duling na tari...baligtad ng akala ko...hehehe. Aba eh mahirap nga yang taring yan...nakalabas ang point...hmmmm, di pa ko nakakita niyan...ang hirap sigurong ikabit niyan at kung akong tatanungin, it das nat meyk sens at ol anles sa kanan mo tatarian ang manok...hehehe.
Kidd |
|
|
|
|
|
#27 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2000
Location: sydney, auckland, angeles city
Posts: 933
Posts: 933
vCash: 500 |
Maraming salamat Maning. Tama pala ang nasa isip ko, siniguro ko lang kasi hindi pa nga ako nakakita ng tinatawag na duling na tare.
|
|
|
|
|
|
#28 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2001
Posts: 3,598
Posts: 3,598
vCash: 500 |
Sundowner, Maning has superbly answered your question. Palo' from 'Dolid(Valladolid) in the province of Negros is the most famous tari maker. His taris are expensive yet they are a class of their own. Any manugtakod will attest to that.
Contact Maning as he had offered. ------------------ 4got10cocker |
|
|
|
|
|
#29 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Maning,
puwede bang malaman kung bakit hindi nakapasa sa 'yo ang duling na tari? tsaka bakit po ba sumikat ang duling noong mga panahon na iyon? ano po ba ang kaibahan sa damage ng duling sa karaniwang sight na tari? Glad |
|
|
|
#30 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2001
Posts: 3,598
Posts: 3,598
vCash: 500 |
Rigolleto, Maning has adequately answered your questions. I am not a manugtakod or mananari but I have been together with some of the best and just keep my ears open. But for sure, if I will be given the opportunity, my kabugao experience will help, ha! ha!!
Sundowner, Chito Tinsay, is the number one, numero uno promoter in the whole island of Panay. His charisma is unmatched inside the cockpit. You are very lucky to have meet him in person or shook his hand. I think he will be about 80 now. Kidd, the teksas balahibo pakpak is attached to a 6 inch, 4mm diameter barbed missile catapulted thru a slingshot. When it is released it buries very nicely and softly thru the flesh. You still want the pakpak from Bacolod??. ha! ha! ------------------ 4got10cocker |
|
|
|
![]() |
Page 1 of 3 1 2 3 > |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| MGA THREAD tungkol SA TARI | banderado84 | Usapang Manok | 25 | August 7th, 2008 07:18 AM |
| tamang pagsukat ng tari | Jun Corpuz | Usapang Manok | 26 | August 1st, 2006 06:43 PM |
| Tamang pagkabit ng tari sa bawat fighting style | TeePee | Usapang Manok | 2 | April 27th, 2006 02:37 AM |
| Tamang paglagay at asinta ng tari... | bymbo_68 | Usapang Manok | 5 | October 29th, 2005 04:59 PM |
| meron bang tamang asinta ng tari talaga? | Black Jap | Usapang Manok | 24 | June 15th, 2005 04:34 AM |
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media