FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

Mga Tao sa Sabungan (Faces at the Cockpit)

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > Mga Tao sa Sabungan (Faces at the Cockpit)

Reply Page 1 of 3 1 2 3  >
 
Thread Tools Display Modes
Old December 14th, 2000, 07:23 PM   #1
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink Mga Tao sa Sabungan (Faces at the Cockpit)

Eto patawanan uli...isa-isa lang...sentenciador, tagapusta, etc. pili kayo ng isang i-de-describe ang characteristics, nature of the job, role, etc. ng isang klase or trabaho ng tao sa sabungan. Etong akin, ako na rin ang nagbinyag dito eh...hehehe.

Chicken Doctor - Etong taong ito malaki ang tulong sa mga sabungero. Bukod siguro sa binanggit ni GD na Doc eh karamihan sa kanila ni hindi nakapagtapos ng veterinary med, or any formal education sa animals or surgery...yung iba nga row 4 nuong grade 5...hehehe. Pero lintik, walang anesthesia, merthiolate lang, anti-biotic, etc., yung nagpasaya sa iyo at nag-save ng pambayad mo ng bahay eh nagagamot, lots of times to fight again. Meron ding ala-kadena kung magtahi ng sugat...hehehe.

overall rating - walang talo, sigurado ang kita sa sabungan.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old December 14th, 2000, 07:42 PM   #2
bastaikaw
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
cristo:kukuha-ng kukuha ng pusta saka ibubwelta.kapag hindi nai-bwelta ,bibitawan na lang ang manok tatablahin ka pa!iginigisa ang among walang alam sa sariling mantika!nuebe pa lang ang tawaran kumukuha na,nag-nenegosyo sa pamamagitan ng pera ng iba.bata pa lang magulang na,este tahiran na.lalo na kapag gumulang pa ito.hindi lang magulang ,parents pa!
  Reply With Quote
Old December 14th, 2000, 09:14 PM   #3
francis conde
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Exclamation

kristo: Or Taga-pusta as they are or should be called these days. Monching Mitra once privately said to me and my brother that they dont really do anything for the SPORT, only for the gamblers. How true, sad but true. Ironically, they are usually a perennial source of the distractions and GULO in the cockpit. Breeders and cockers, especially those level-headed ones dont really need a lot of kristos. Just my opinion
  Reply With Quote
Old December 14th, 2000, 09:17 PM   #4
edwin
Senior Member
 
edwin's Avatar
 
Join Date: Jul 2000
Posts: 2,118
Posts: 2,118
vCash: 500
Kasador,
Walang mananalo sa style nito.Parada mo for example eh p11,000,siyempre ikakasa.Pag
napansin niya na lamang ka sa pagkamanok
or sure win ka dito,pupusta siya sa iyo.Kasador so ipapago iyong ibang pusta sa iba para malarga na,heto na siya ngayon.Papago siya ng more than p11,000
tapos lahat ng sobra sa kanya na iyon.Kaya
kung minsan magtataka ka,p11,000 lang ang pusta ko pero p22,000 ang pinapago niya.
Smart ha!!!
tambak1
edwin is offline   Reply With Quote
Old December 15th, 2000, 01:28 AM   #5
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink

dagdag sa Tagapusta: talsik laway, tuwing sultada tingin agad sa amo parang batang naghihintay ng kendi...nasisira tuloy ang diskarte ng isang nag-eenjoy lang sa sabungan. Pag pasok mo pa lang "boss, saan tayo?" anong tayo? ako lang, dito ako sa upuan ko...hehehe. Nungka, merong mga tagapusta na yon lang ang hanepbuhay nila...unless hostess si mama at smuggler si papa. May (mga) asawa (live-in) rin ito at anak...mga future taga-pusta...or bigtimer, hehehe. Bakit kaya walang babaeng kr, este, tagapusta, at least ako wala pang nakita. Hindi bagay siguro, hindi bagay mang-gulang ang babae, ay yon naman pala.

overall rating: hindi sigurado, parang sultada, minsan Meron at minsan Wala...

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old December 15th, 2000, 01:45 PM   #6
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink

Eto pa...tindera sa kainan:

Eto ang naiiba...malamang sexy at nakatawa, yan ang isang teknik ng may-ari ng kainan para nga naman malakas ang benta. Siempre, meron ding hindi sexy, datan at ngetpa...pero huwag na nating pag-usapan yon. Kung merong pag-pipilian eh bakit duon pa. "Kakain kayo?" (medyo malambing) ang tanong niyan...ikaw naman, sabay ngiti, uupo na, beer nga! (pa-macho) at oorder ng kahit anong meron (ayokong aso, kain ano kasi...hehehe). Sa probinsiya, kumukulo sa kawa ang mga ulam...dinuguang baka--yan ang ino-order ko. Isang kanin at dalawang ulam (bitin ang isa); beer, mga dalawa, tatlo, or lasingan na pag ayos na.
Pagbayad, mabibigla ka, halagang 5-star ang ulam, kakapiranggot naman...parang panalo ka na lagi eh. Iba na rin ang meron kang bakuna sa hepa...para ligtas sa hehehe-hepa.

overall rating: sigurado kita, pagod pero merong kita.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old December 15th, 2000, 02:15 PM   #7
aIr4s1
Member
 
Join Date: Sep 2000
Posts: 32
Posts: 32
vCash: 500
Quote:
Originally posted by Kidd Sentencia:
Eto pa...tindera sa kainan:

Eto ang naiiba...malamang sexy at nakatawa, yan ang isang teknik ng may-ari ng kainan para nga naman malakas ang benta. Siempre, meron ding hindi sexy, datan at ngetpa...pero huwag na nating pag-usapan yon. Kung merong pag-pipilian eh bakit duon pa. "Kakain kayo?" (medyo malambing) ang tanong niyan...ikaw naman, sabay ngiti, uupo na, beer nga! (pa-macho) at oorder ng kahit anong meron (ayokong aso, kain ano kasi...hehehe). Sa probinsiya, kumukulo sa kawa ang mga ulam...dinuguang baka--yan ang ino-order ko. Isang kanin at dalawang ulam (bitin ang isa); beer, mga dalawa, tatlo, or lasingan na pag ayos na.
Pagbayad, mabibigla ka, halagang 5-star ang ulam, kakapiranggot naman...parang panalo ka na lagi eh. Iba na rin ang meron kang bakuna sa hepa...para ligtas sa hehehe-hepa.

overall rating: sigurado kita, pagod pero merong kita.

Kidd

Napansin mo yung smilies ko! lol. pero tutuo yan. you just made my day sarge.

aIr4s1

aIr4s1 is offline   Reply With Quote
Old December 16th, 2000, 04:38 AM   #8
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink

yehey, may napatawa ako...hehehe, thanks Ashner...kumustang mga F117 mo riyan...wala ka bang TDY papunta dito? Volunteer ka pag meron...bisita natin si queen, hingi tayong pangsabong.

Mga ibang tindero, tindera sa loob mismo ng sabungan. Eto yung mga daan ng daan sa harap mo't muntik mo ng hindi makita tuloy ang magandang palo ng manok mo...buti lang kung yung manok mo ang pinalo...hehehe. Tubig, soda, kendi, yosi, atbp. Ang binibili ko lagi tuwalya, face towel baga...hehehe, siempre para sa pawis, sa init eh pinapawisan ako lagi, lalo na't tatlong beses ka ng tinamaan sa trabesiya, sunod-sunod. Pero para laging malinis ang kutis buwaya, tuwalya. Ang nakaka-enganyo eh yung fruit vendor...babalatan ng pagkaganda-ganda yung mansanas or peras. Talaga namang matatakam ka. Balut! paborito ko ito pero alanganin ako, sa pamahiin na huwag kakain ng manok sa sabungan...pato ito pero consider bang manok or itlog?

May kaklase ako sa hayskul na nagtitinda nuon sa sabungan...ngayon eh siga na...umasenso, tagapusta na...hehehe.

overall rating: hmmmm, kailangan sipag...konti kita pero libre sa sabungan at libreng manuod. Pag pinusta ang pinagbentahan at puhunan, tuwa pag panalo,
mangungutang pag talo.

kayo naman...para may mabasa lang na hindi kayabangan...hehehe.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old December 16th, 2000, 06:38 AM   #9
Rigolleto
CyberFriends
 
Rigolleto's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: sydney, auckland, angeles city
Posts: 933
Posts: 933
vCash: 500
Post

Heto pa ang iba, yung ibang bantay sa gate ng sabungan, mahigpit kuno, ayaw magpapasok kahit alam na regular ka at palaging naglalaban ng manok, solusyon, bigyan mo ng magandang balato pag nanalo ka, siguradog libre ka sa susunod na pagbalik mo. Pag dumayo ka naman, yung ibang nasa gate, tumitingin sa porma. Kahit parepareho kayong dayo, yung kasabay mo pag may clutch bag, maraming alahas at ginto sa katawan, at naka Rolex, pasok agad, walang tanong pero ikaw na simple lang, haharangin ka, sabihin mo ng may entry o imbitado ka, gusto pang makita ang resibo o imbitasiyon.
Rigolleto is offline   Reply With Quote
Old December 16th, 2000, 06:53 AM   #10
jrtras
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2000
Posts: 101
Posts: 101
vCash: 500
He, he, he...maganda itong topic mo Kidd. Ako meron nang nakitang babaeng kristo (tagapusta) doon sa Pasay Cockpit...pero hindi pa rin full pledge na babae dahil Tomboy eh. Meron din akong nakikita dati sa Pasay cockpit na nagki-kristo (but not really a kristo by profession) na putol ang isang kamay...kapag nagmamasyada pa eh may hawak na yosi!


Eto ang nakikita ko palagi sa Roligon, Araneta at minsan sa Pasay Cockpit...NURSE:

Complete in her (madalas eh female nurse) white uniform at may dala-dalang stethoscope, at nang instrument na pangkuha ng blood pressure reading, eh mag-iikot-ikot ito sa sabungan. Madalas na mag-umpisang maglibot itong mga nurse kapag malapit nang matapos ang sabong o derby. Sa ganitong oras kasi maraming mga sabungero ang matataas na ang blood pressure...’yung mga natatalo ay pati na rin ‘yung mga nanalo. Ako tumataas ang blood pressure ko kahit hindi talo o panalo, basta’t ang dumaan sa harap ko eh seksing nurse! LOL! Siyempre ‘yung maganda at seksing nurse ang maraming nagiging customer...karamihan din sa mga customer ay DOM.


Isa pang character...Masahista:

Eto madalas din mag-ikot kapag patapos o nasa kalagitnaan ng derby. Bitbit-bitbit naman nito eh alcohol at towel (wala pa akong nakita na may dalang lotion o powder), madalas na magpamasahe eh ‘yung mga sabungero na ina-antok na at patang-pata na ang katawan. Ako minsan ay nagpapa-masahe rin kapag minamalas sa travesia at nahihrapang mamili ng manok na pupustahan. Kapag namasahe kasi eh preskong-presko ang pakiramdam at ang sigla ng kawatan, kaya parang madaling pumili ng manok na pupustahan. Paalala lang sa mga sabungero na bago lang nakakita nang mga character na ito sa sabungan: Don’t confuse the nurse in the white uniform as a Masahista...nasa sabungan ka, wala sa sauna. He, he, he...


Cheers!

jrtras


[This message has been edited by jrtras (edited 12-15-2000).]
jrtras is offline   Reply With Quote
Old December 16th, 2000, 07:27 AM   #11
bastaikaw
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
is maalikaya in quezon boulevard still operating?ang ganda ng dating sa first floor.dalawa pa ang masahista mo,sabay kayong tatlong lulusong sa whirlpool bad.hay buhay,magiging salawahan ka dito.kung si emma o si fe!magdala ka na rin ng viagra,para may itagal ka sa dalawang ito.dragfight ito,kaya kailangang nakahanda ka!
  Reply With Quote
Old December 16th, 2000, 08:16 AM   #12
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Wink

Absolutely right ka diyan, kasamang Rigolleto...ako eh bayad na lang agad kung walang resibo at ng hindi na makipag-argue sa gate...mamalasin ka pa.

Jrtras, meron ding ganyan na ngayon sa Pangasinan...gaya-gaya...yung sabungan sa Calasiao, walking distance lang yung massage parlor. Maraming kuwento diyan sa massage parlors na mga yan...reserba na lang natin sa inuman...hehehe. gano'n din sa yo bastaikaw.

Sentenciador (hindi ikaw Administrator):-) Etong trabahong ito ang hindi madali at kailangan ang integrity...buong madla sa sabungan ang sisigaw dito pag pumalpak ito. Meron ding mga kiling ito...papaboran ang merong pagkakakitaan, usually llamado...hindi naman lahat. Meron na akong nakitang binatukan ng isang tigasin yung sentenciador kasi hindi nagustuhan yung pag-kakaryo niya, eh malaking angkan din itong sentenciador, mga siga-wannabe din, kaya ayon, suntukan, parang yung kuwento ni El Umbre...merong nagbunutan din ng bakal, pero wala namang pumutok at naawat agad. Tuloy ang sabong...derby pa naman. Delikado rin ang trabahong ito...sugat sa tari at batok ng siga, pero ito siguro ay isa sa pinaka-exciting job sa sabungan. Sana lahat sila ay fair lang.

overall rating: madalas panalo...madaling makabalato.

pero bago ka raw maging sentenciador, kailangan pumasa ka sa bar...maraming painom.

hehehe,
Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old December 16th, 2000, 11:11 AM   #13
GoldenDragon
CyberFriends
 
Join Date: Mar 2000
Posts: 1,397
Posts: 1,397
vCash: 500
bastaikaw... talaga naman bantay bantay kita eh... segurado pag napost ka eh may kasamang tungkol sa keps...

ang hilig mo naman magone cock derby, hilahod na kikig ka parin ng kikig ... pareho kayo ni rosaluz , darating ang araw hindi uubra ang viagra sa iyo... blower ng kailangan mo... lol !!! ikaw din baka maging
inflatable iyan dahil sa sobrang gamit.lol!!!

sus dapat sa iyo ipadala ka kay armida sigueon reyna ng maputolan ka.....censorship

siya ingat cheers and mabuhay (pa sana).

------------------
GoldenDragon is offline   Reply With Quote
Old December 16th, 2000, 11:03 PM   #14
el umbre
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

mga kasama ang mga taong ito kung tawagin ko po ay the racketers,dahil maganda ang racket nila simple pero rock,pinapayuhan ko kayong ,mga kasamang sabongero ng mag-iingat sa kanila dahil ang inyong lingkod ay nabiktima ng mga lokong ito,ito po ang kanilang modus operandi,tuwing intermission aakyat ang kasador at iaannounce na meron pong magnanakaw ay este manghihingi ng abuloy kesyo maysakit si nanay,naospital si tatay kuno, sabay kanta ng bawal na gamot,talagang maantig ang puso mo pati ang 5,500 ng pasama ng mga barkada sa bulsa naihagis dahil sa awa sa kanila,(buti ng lang nanalo ang manok namin,...lol.)kalagitnaan ng derby,malalim narin ang gabi,marami na rin ang lasing ,pati mga talunan (..LOL..)habang naghihintay ng last fight namin,nagpasya akong mag trabesya ,napalaban ang manok ni gov. magsaysay,lyamado ang manok ni gov. ,lumagay ako sa lyamado,sumahod ang katabi ko ng 5,000 sa tres,kinilala ko ang mukha ng kapustahan ko at natatandaan ko siya yun kumakanta ng bawal ng gamot nagiba lang ng kasuotan,ngayon malakas pang sumahod sa akin,,buti na lang at nanalo ako sa kanya(kinarma si kolokoy..lol..).Ng mga sumunod na Derby ay nandoon na naman sila kinakanta ang paborito ninyong awitin, ang walang kamatayang "Bawal na Gamot" na pinasikat ng yumaong Willie Garte. Makikita mo na naman sila na pag pumusta ay nakaturo sa baba ang mga daliri. Opo, libo na naman po ang pinapago.Pati na rin ang mga Hackfight ay di rin pinatawad ng mga tinamaan ng lintek. Kulang na lang pati tupadahan ay dayuhin nila. Kaya sa susunod na makita ninyo sila sa inyong mga sabungan ay Huwag ang inyong pera ang ibabato kundi bote...
  Reply With Quote
Old December 17th, 2000, 07:23 AM   #15
llahas
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Cool

Meron ding nagpapataya ng "jueteng" or"masiao" at "jai-alai sa loob ng sabungan.nag-iikot-ikot yan at madalas na custumer eh, yong' mga natalo at sampu hanggang biente na lang ang natirang pera itataya pa!kaya hayun' naglakad na lang pauwi.Pagbigyan na,Baka makabawi nga naman![img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/lol.gif[/img]

Mabuhay!

Ilahas
  Reply With Quote
Old December 17th, 2000, 09:33 AM   #16
edwin
Senior Member
 
edwin's Avatar
 
Join Date: Jul 2000
Posts: 2,118
Posts: 2,118
vCash: 500
G.D.iyong inflatable eh bumagsak ang rating because of viagra and also maraming balik ospital iyon.Tip lang sa mga gustong gumamit nito,first maghanap ng batang g.f.pag ayaw pa rin.Then try viagra,kapag ayaw pa rin
eh mag-alaga ka na lang ng manok lol!!!
tambak1
edwin is offline   Reply With Quote
Old December 17th, 2000, 11:51 AM   #17
RARAVEZ
Member
 
Join Date: Oct 2000
Posts: 245
Posts: 245
vCash: 500
MAGANDANG ARAW, SA INYO. VIAGRA, mas magaling daw ang diatabs dito ang sabi ng isang PILIPINO sa amerikano. dahil yung malambot na kuwan ay pinatitigas nito, e yung pa kayang kay Dolphy.he-he-he. MABUHAY.
RARAVEZ is offline   Reply With Quote
Old December 18th, 2000, 06:16 PM   #18
mang amboy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

the one face in the cockpits in iloilo before that really fascinated me was that of a kristo with a "cleft lip" or bungi ba sa tagalog yon. you could't understand him when he speaks but inspite of that he was able to do what the normal bet-takers can do. haven't seen him though this last five years that i have attended the candelaria derby in jaro. hope nothing bad happened to him.

mang amboy
  Reply With Quote
Old April 20th, 2004, 11:23 PM   #19
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488
Rather than bangayan, fun na lang...hehehe. Share your story or your share here...:lol:

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 12:49 AM   #20
english dom
Member
 
Join Date: Feb 2003
Posts: 436
Posts: 436
vCash: 500
sanglaan , patubuang 5-6 sa loob ng sabungan yung mga taong nag aabang sa mga talunang kilalang malakas mamusta pwede mong isangla kotse,jeep,alahas sa kanila, tawag dito mga walking pawnshop sa sabungan.
english dom is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 01:48 AM   #21
senerez
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
si abu abu yung largador ?

tol ang buhay ng sabongan e asa largador,kailangan komedi ka na me halong seryoso like abu abu,malakas ang karisma sa mga bigtime tahor,kahit malaki ang diprensya e napakadali para sa katulad niya na nung una e kala ko 77 ,pero ang galing,bilib ako sa katulad nilang pinagtitiwalaan ng tao,nong una si roming vergara sa araneta sinabi nya na ang alam lang niyang ingles na salita e "thank you" pasasalamat dun sa participants na kano? lakas sumabit alam na salita e thank you? hehehe,ewan ko ngayon kung asan na yun?sila butsoy at eric ng pasay,mahusay din kaya malakas ang sabong jan e gawa nila, kahit na maraming bodabil jan sa loob ng pasay e malakas pa rin,kasama na yung mga magugulang na tigapusta?sa probinsya makikita mo rin kung malakas ang sabong e asa largador,kailangan naman e matapang ka para ka makakuha ng pago na kailngan marami kang jokes na dala?
  Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 07:03 AM   #22
Sundowner
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500
Gusto ko pa rin ay yong duling na chicken doctor. Kasi pag binayaran mo ng 200 pesos ay happy na siya at pasalamat pa lalo pag naka ladlad ang pera, siguradong dublado (400 pesos) ang tingin niya. Kaya lang baka ang tahi ng sugat ng manok mo e salit-salit din, at pag dating ng bahay e biglang bumuka, patay kang manok ka. Mas attractive daw sa mga chicks ang viagra pag ang gumagamit nito e mga kalbo na. Kasi akala nila sa ulong kalbo e malaking bayag na naka bra (viagbra) , ha ha.
Sundowner is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 07:11 AM   #23
king_ed
Senior Member
 
king_ed's Avatar
 
Join Date: Dec 2002
Posts: 753
Posts: 753
vCash: 500
sonny,
kaya pala nagamit nyan eh mga kakilala kung mga kalbo ..

:lol:
king_ed is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 08:20 AM   #24
reymal
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Mayroon pa, yung mga Nagpapalimos o Humihingi ng tulong.
Mayroon namatayan, me sakit, o kung minsan donation sa pinapagawang simbahan o kaya project ng kabataan. Lagi akong nagbibigay sa mga ito. Mayroon kasi kasabihan na "Give and you shall Receive" Noong nakaraan linggo, walang nagpalimos, kaya siguro ako umuwi ng walang laman ang pitaka, ubos:lol:
  Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 10:27 AM   #25
waldas123
Senior Member
 
waldas123's Avatar
 
Join Date: Jan 2003
Location: CAVITE
Posts: 1,491
Posts: 1,491
vCash: 500
" Chicken Cleaner"

Yung nag lilinis ng manok sa sabungan sa amin , lakas kumita at madiskarte , bukod sa bayad sa paglilinis sa manok, iipunin niya yung paa , bituka , atay , balunan at sometimes yung ulo , at ititinda niya ito , gagawing BBQ, bukod pa sa mga balahibo na naipon , gagawin niyang itong pang alis ng alikabok at ibebenta rin sa sabungan .
waldas123 is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 11:56 AM   #26
Soseng
CyberFriends
 
Soseng's Avatar
 
Join Date: May 2002
Posts: 2,878
Posts: 2,878
vCash: 2000
"Pusa"

Kung kayo eh nagta trabesya sa upper box ng araneta coliseum eh malamang kilala ninyo itong si "pusa". Isa itong kristo na kapag sumisigaw eh boses pusa na talagang kapansin pansin at nangingibabaw kumpara sa ibang kristo! Kaya kung sasahod ako eh sa kanya na lang...sigurado walang takbo kasi kilala na sya at sikat pa doon hehehehe

Soseng
Soseng is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 06:05 PM   #27
doc leng
Member
 
Join Date: May 2002
Location: in my clinic
Posts: 93
Posts: 93
vCash: 500
May ari ng sabungan. May mabait, suplado, tahimik, maingay, maporma or simple lang.

Ito yung big boss ng mga tauhan niya. Marami rin itong alipores at meron ding mga sipsip na umaaligid aligid.
doc leng is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 08:01 PM   #28
urateur
Member
 
urateur's Avatar
 
Join Date: Aug 2003
Location: Obando-Bulacan / San Dionisio-Parañaque City
Posts: 462
Posts: 462
vCash: 500
TAGA-PUNIT NG TICKET SA GATE

Kadalasan ay marami syang pinapapasok na walang bayad kaya't kapag nanalo ang mga ito... daming nag-aabot sa kanya ng balato. walang talo di ba!
urateur is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2004, 10:58 PM   #29
John Taddem
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
MGA MANGGAGANTSO , MANANAKBO NG PUSTA.... MAMUMUSTA NG AIR(SABIT).....MAMBABALI......... MGA MANTSO-TSOPE...MGA PALOS(NAG-IIBA NG DAMIT).... MANLALASON(NAMIMITIK) AT ANG MGA USISERONG NASA GRADA KAHIT DI KANILA ANG MANOK.MGA BAGUHANG MANANAYA.



TALO KA NA NGA!

NATAKBUHAN KA PA KAMALAS NAMAN........ANIAMETTEN!!!!





KAYA IBAYONG INGAT.........MGA COCKMATES!!!!!

AGBIAG TI MANNADI !!!
  Reply With Quote
Old April 22nd, 2004, 03:06 AM   #30
Sundowner
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500
That's the reason why Sabong is called "Sport Of Kings". So many KINGS but not enough SPORTMANSHIP. May Kingkoy, Kingpin, King-kering-king and etc. ha ha
Sundowner is offline   Reply With Quote
Reply Page 1 of 3 1 2 3  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
rekomendadong mga sabungan sa maynila at kalapit lungsod tsampoy Usapang Manok 116 January 29th, 2007 02:53 AM
tips sa pagbiyahe sa sabungan na di kalayuan Rookie007 Usapang Manok 5 June 11th, 2006 12:57 AM
Shooting in Pateros cockpit dannyboy Chicken Talk 26 July 21st, 2004 01:16 PM
NOV. 2, 2003 - SUNDAY, OPENING DAY, DICTADO MEGA COCKPIT, Sta. Rosa, Laguna BattleGear Chit-Chat 17 November 2nd, 2003 10:00 AM
Nov. 2, 2003, SUNDAY, OPENING DAY, DICTADO MEGA COCKPIT BattleGear Usapang Manok 12 October 23rd, 2003 08:40 PM


All times are GMT +8. The time now is 01:53 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy