![]() |
Mga Kuwentong Sabong |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > Mga Kuwentong Sabong
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Eto mga kuwentuhan lang. Mga hindi pwede sa tupada experience, mga nakakatuwa sa sabong, or bilib ka ba threads...hehehe.
May pinsan ang bayaw kong Col sa Phil Army. Naging probinsiyal kumander ng IloIlo. Aba siempre maraming nakilalang magigiting na tao duon. Naala-ala nitong si kolonel ang bayaw ko nuong nakita niyang maraming breeders duon. Sa madaling salita, "niregaluhan siya ng mga manok." Porke hindi sabungero, hindi marunong kumilatis ng manok. Aba eh nakita ko pa yung iba eh redyeks nga...hehehe. Pinaglalaban...nangagsitalo. Hindi kami kasama ng bayaw ko sa mga talong ito...buti na lang...hehehe. Eniwey, nuong bumalik siya sa IloIlo, nakow...keso ganito, at ganire raw...pinalitan daw ng mga tauhan yung binigay ni magaling na breeder. Kaya nuong sumunod, si breeder na mismo ang naghatid ng limang manok. Aba, nanalong lahat ito...kasama yung bayaw ko sa ilan...ako wala, nasa Okinawa, kumakain ng soba...hehehe. Yon lang...bumalik na sa Manila ulit si kolonel, dyeneral na yata ngayon. Hindi pa rin sabungero...wanabe lang for a while...hehehe. Kidd |
|
|
|
|
|
#2 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
Kidd Sentencia okay yang istorya mo. Sa akin naman e pangkariniwan lang. Nung nakaraang buwan, naglaban kami ng dalawang manok sa Laloma Cockpit. Yung unang ilinaban namin e isa sa magkapatid na apat. Ibinitaw namin yung apat 1 week bago maglaban. Yung pinakamagandang maglaro yung pinili namin pero lahat sila maganda ang laro. Mas malaki yung linabanan namin. Maiitim yung kalaban. Sa ngayon bihirang bihira kang makakita na itim na manok sa Laloma Cockpit dahil nga e malas daw. Nung laban e nagsalpukan. Tagas na nang dugo yung kalaban. Nag salpukan pa ng dalawang beses. Laglag yung kalaban sa ikatatlong salpukan. Pero tumutuka pa yung kalaban. Yung manok namin may pamatay. Bira pa rin ng bira kahit dapa na yung kalaban. Isa Dalawa!!! Panalo na. Siya nga pala bago kami naglaban e nagtimbangan muna. Ang kalaban ay 2.1 kilos ang amin ay 1.8 kilos. Di niya alam ang laro ng manok namin ay pang derby. pero magaling rin ang manok. Ang hackfights sa Laloma Cockpit ay mabibigat na kalaban, dahil magaling ang laro diyan ng mga manok. Di pwedeng maglaro ng pipitsugin at matatalo lang. Balik sa istorya...baba ako ng V.I.P. para tingnan yung manok namin. Ang daming tama pala. Pero habang naglalaban e akala mong walang tama. May tama sa kilili sa ilalim ng pakpak, sa hita, sa likod, at tagos sa kaliwang hita. 'Di na pwedeng ilaban ulit ito. Pero kung makarecover after one year pwede pa ulit. Meron pang tatlong kapatid. Balak kong ilaban sa January o February. Pero baka November pag makauwi ako ng Pilipinas ilalaban ko ng end ng November yung tatlo.
- MrPayPerView |
|
|
|
|
|
#3 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Heto naman ang kuwento ko, ito totoo ito hindi kathang isip lang at hindi namin akalain na mangyayari ito.
Taong kung hindi ako nagkakamali ay 1987 0 1988 naimbitahan itong isang kilalang jueteng lord sa Pampanga sa isang 3 Cock Derby sa Malvar Batangas ang kapatid ko ang nag kondisyon at nag feed ng mga manok so sa madaling salita Derby day umalis kami ng Pampanga ng alas tres ng madaling araw para maiwasan namin ang traffic sa Balintawak at sa Edsa, so nalagpasan namin ang traffic, bandang alas singko nasa may Batangas na kami at hinahanap namin ang sabungan, ang sabi ng driver namin alam niya ang sabungan pero nakalimutan na dahil matagal na siyang hindi nakakapunta sa lugar na iyon, so ang nangyari naligaw kami at lumagpas kami hanggang sa makarating kami sa boundary ng Lipa at Malvar sa balik kami at sabi ng utol ko patay na ito siguradong itlog ang iskor natin ngayon, dahil may pamahiin ang utol ko ayaw niya na bumabalik apg may laban pero walang magawa kompormiso ito so itinuloy namin at nakarating kami sa sabungan, heto ngayon ang problema, ang mga cockhouse napakaliit na tapos ang bubungan ang baba maabot mo ng kamay at ang init, ang ginawa ng utol ko nagpabili na lang ng isang blokeng yelo at inilagay sa harapan ng cockhouse at sinabi niya sa assistant niya na siya na ang bahala dahil siguradong hindi papalo ang mga manok dahil nga sa mga nangyari at niyaya nalang ako na magpahinga na lang kami sa mg biyenan ko sa Talisay, Alas 6:00 ng gabi ng magbalik kami ng sabungan at mag uumpisa na ang derby tiningnan ni utol ang mga manok at nakita niya na ok naman, so first fight nakalaban namin San Mateo Cockpit panalo kami logro sampu anim, hindi nakasugat ang kalaban, second fight Metro Manila cocker nakalimutan ko na ang pangalan pusta ng 110,000 ang kalaban so doblado na naman ang logro dahil hindi nga kami kilala dahil galing kami ng Pampanga panalo ulit, then last fight namin para champion kami nakatapat namin Ramon Revilla-Edward Henry Combine logro dobaldo na dahil nakita ng mga tao parang nagngangayaw ang manok dahil ayaw kumahig e alam ng utol ang ugali ng manok tinanong kami kung gusto naming ituloy sabi ng utol tuloy, nakupo e di lalong nagkagulo ang mga tao, so ibinitaw ang mga manok pag kabitaw ng manok sumugod ang manok ng kalaban, ewan ko ba sa pagkabigla yata ng manok namin biglang tumalikod at tumakbo habol ang isa, e nahuli sa buntot siyapol ang kalaban tinamaan ang manok namin, gumanti ngayon ang sa amin tumama sa may kilikili, unang namatay ang kalaban at nakatuka ang manok namin bago namatay, ang daming sumabit pagkatapos ng sultada, umuwi kaming tawa tawa dahil hindi namin akalain na mag champion noong araw na iyon. Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa aming ito sa Malvar Batangas. |
|
|
|
#4 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
ito yung kwento ng limang manok na nabili namin ng kapatid ko noong 1992 sa presyong 600 piso. boy nung kapitbahay namin sa victoria, laguna ang may-ari. walang pera yung bata kaya sabi kung pwede raw bilhin na namin yung mga manok. magkakapatid yung mga manok, pero 2 lang ang tunay na magkahawig at isa sa dalawang iyo ang tunay na maganda. bata pa yung mga manok, mga 7 months pa lang. sabi ng kapatid ko kunin na namin. sabi ko sige, pero paalam muna dun sa pinsan namin na amo nung bata.
matapos ang ilang buwang pagpalaki tatlo lang talaga ang nakarating sa ruweda. yung hirao, inilaban ng tatay ko ng walang paalam sa amin sa tupada. ayun talo. di ko man lang nakita kung pumalo o hindi. yung dalawang talisayin na magkamukha na lang ang panlaban. Una naming inilaban yung malapad - later tinawag namin Left-Right. Sa Pila Coliseum sa Laguna, malapit sa sementeryo. Nakalaban eh batang stadium, si buboy na ngayon eh bigtime sentenciador ang referee. maliit lang ang pusta namin, 2,200 pesos, kaya sa dehado na pwesto. kilala ang kalaban kaya ng magtawagan na, sampu anim. sahod kami. ng binitiwan ang mga manok, sugod agad. nag-panalpok sa gitna ang bumagsak, bisaklat yung kanan ni Left-Right. Ang loko talagang sobra ang tapang at medyo malakas ang katawan, sumabay ulit sa kalaban. Nang muling bumagsak, kilawa naman ang bumisaklat. Wala na bayad na! Umiiling na ang kapatid ko, ako dumudukot na. Ang manok namin lang yata ang di nawalan ng loob. Parang me isip pumuwesto pa sa gitna, akala moy pinaupo sa asin. Palibhasa lamang gustong tapusin na nung kalaban ang manok namin, nais kumapit at magpawala ng syapol. Pero ang manok namin wais, dahil di naman pala tinamaan ang buto at buo pa ang masel, nakaiwas ito paruurong hanggang makasandala sa salamin, sa may pwesto ng meron. Pagpasok ng ulo ng kalaban, nahagip ng manok namin ang pulok at bigla, nagpawala ng mahabang syapol. pati si buboy nabigla, kareo. isa, dalawa. patay ang kalaban. pagkaraan na ilang buwan nabukas yung sabungan sa bae, malapit sa hiway papuntang calauan. bago pa mangrape si mayor sanchez, kaya andoon ang corcolon brothers. nakalaban namin eh alimbuyugin mula sa alaminos. halos parehas ang tawag. nag binitiwan naunahan ang manok namin pilay. dahil sobra nga ang tapang, nakapalo pa at nakabulang ng kaliwang mata. tuloy ang laban, tuka na lang ng tuka yung manok namin di na makapalo dahil sa dami ng tama. yun sampung minuto parang sampung taon bago natapos. pero talagang ayaw umayaw ng manok namin. tabla. pagdating sa pagamutan, ang manggagamot ang umayaw. di na raw kaya, pasalamat na lang daw kami di kami inawan sa ibabaw ng ruweda. crispulo |
|
|
|
#5 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Ito naman ang nangyari sa amin sa Tijuana, Mexico. Sinubukan naming lumaban ng short knife (1") sa La Gloria TJ. Baga mat hindi maibalik ang manok sa San Diego dahil sa higpit ng batas, kung minsan ay naipupuslit din over the border fence. Binabayaran na lang namin ang Mexicano ng $20.00 bawat lusot. Pero hindi namam problima dahil yong kasama ko ay may Autobody Repair Shop malapit sa Downtown TJ. Kaya puedi ring iwan doon o puedi ring e binta ang manok. Nawili kaming lumaban doon dahil maganda ang winning record namin sa hack fight. To make the story short, parami ng parami ang sumasama sa akin para pumusta sa manok ko at parati kaming dihado dahil malakas pumusta ang mga Mexicano, lalo na yong mga may Pharmacy, alam mo na. Anyway, medyo minalas kami noong huling fight. Hindi dahil sa laro ng manok kundi sa Rules ng sabong nila. Ito ang nangyari mga kaibigan. Yong rules nila ay para ring US at may count din at ang referee ay nag do draw ng short line rin, at pagka tumutuka kahit na bulag ay counted din yon. Ang problima lang ay pag bumaksak ang TUKA (beak) ng manok mo sa lupa habang nag bibilang ang referee sa short line ay talo ka. Ang kalaban namin ay patay after two minutes of fighting, at dahil sa marami ring mortal wound ang tinamo ng manok namin, kaya minyo groggy at ina-antok. Pag dating sa short line nag count ang sentenciador, uno, dos, tres, cuatro, cingco, sies, siete..pagsak ang tuka ng manok namin, talo.. Ang kalaban patay.Pinaupo ng handler na naka tingala at matigas ang liig. Napansin ko hindi na ngumunguya ng shewing gum ang handler ng kalaban ko. Yon pala naka dikit na sa back hackle (pulok) ng manok niya. Ang comment ng casama kong taga Batangas... Ala e.. sa buong buhay ko at akoy matagal na ring nag sasabong, ngayon ko lang nakita na nanalo ang patay na manok at pinag bayad pa ako... Sabi rin ng isang kasama namin bakit tayo mag babayad e patay ang manok nila at ang atin ay buhay, e lokohan yata ito. Sagot ko na lang, gusto mo bang ma bogbog dito..Ang kasabihan na, if you are in Rome, do what the Romans do. Kaya hindi na tayo babalik dito kahit na maganda ang record natin sa TJ. Maganda na rin sana ang arrangement ng mga long legger chicks lalo na pag panalo ka at malaki-laki ang tip, tapos bamos undali ariba na. Kaya be aware pag nag sabong sa TJ iwasan labanan yong mga nag shew shew ng Bubble gum at baka mabiktima. Gitla si Mrs. Bakit maaga akong umowi..
------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 07-25-2001).] |
|
|
|
|
|
#6 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
sundowner,
kamusta ka na to? nakalilibang ang mga kuentong manok mo-isa pa. -Oplod- |
|
|
|
#7 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Ako naman eh nalibang sa lahat ng nag-post ng kuwento...pwera lang iyong sa akin...siempre, ako nagsulat eh, zrabatayo...hehehe.
Kidd |
|
|
|
|
|
#8 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Eto tungkol sa bayaw ko ulit...bayaw ko sa esmi ko naman, yung contractor na hindi pa binabayaran ng Philippine Government ng pagkalaki-laki sa contract niya sa PMA.
Si bayaw merong mga distant relatives sa Macabebe, Pamp. May mga manok ito at talagang kwalidad nuong araw...siguro ngayon ganoon pa rin kung haybu pa yung datan na nagmamanok or merong nakasalo. Sa madaling salita, na-bigyan ng manok si bayaw...porke hindi naman talaga marunong magmanok, ang binigay sa kanya eh isang pulang parang ang bagal-bagal baga, pero purong texas, yung lumang hatch. Ang isa naman eh under-size na grey--stag. Etong grey ang unang nagpakita ng gilas nuong tumanda-tanda ng konti...nanalo, 4X...isang tupada, isang hackfight, dalawang derby...2 cock lang naman. Yung pula na very slow-maturing, nanalo din, walang derby, panay hackfight pero naka-limang panalo...tatlo sa akin pa mismo. Eto ang main ng kuwento. Yung grey, sa sobrang galing, aba eh naging broodcock...naging breeder-wanabe na rin ang bayaw ko...hehehe. Makalipas mahigit ng konting isang taon, eto na holiwik--usong tupada. May na-produce itong walong grey na mukhang pwede talagang ilaban. So, sa tupada, buo ang kumpiyansa, nilaban isa-isa ang grey...aba eh, isa-isa ring nangagsitalo. Apat ang sunod-sunod na talo...balik sa bahay, kuha yung isa pagkatalo ng isa. Aba eh 0000 sa tupada, kungdi ka ba naman pawisan ng ga-halowblaks eh...hehehe. Yung natirang 4, hindi ko na maalalang eksakto ang nangyari. Pero hanggang ngayon, meron pang grey na manok si bayaw. Ang mensahe siguro ng pangyayari eh ang ilang panalo ay hindi ka pa magiging inbinsibol...hehehe. Tuwing mahal na araw (holiwik) meron akong trabaho lagi nuon sa Clark...wala kasing mga sibilyan. Nalibre ako sa talo sa tupada tuloy...hehehe. Matagal ng nangyari ito, luma na ika nga, pero kuwentong sabong pa rin. Yung pula, saka na muna. Ikaw naman, o, ano pang hinihintay mo...magkuwento ka naman oy! hehehe, Kidd |
|
|
|
|
|
#9 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Noy Oplod, maayo man ako sa kalo-oy sang Dios. Ti ikaw kamusta ka man dira sa Canada? Hope everything is OK with you and the family. Are you aware na Pilipino doctor from Canada ang nag introduce ng Pilipino knife sa Oklahoma? I forgot his name (deceased) na, and because of his unprecedented accomplishment, Judy Hamilton (Texoma Pit) decided to give a Tribute Derby in his honor. I am not sure if they are still celebrating this event annually. The late Duke Halsey never missed to field an entry on his tribute. Nagustuhan ng mga puti ang slasher derby dahil not too much drag fight kono and not boring. Beside it attract too many participant. Kaya pasalamat tayo sa late doctor na ito at pati na rin sa anak niya at ipinatuloy niya ang layonin ng kanyang Ama na pasikatin ang Pilipino knife derby sa America. By the way Noy, are you planning to go home for the Cyberfriend's derby in both Roligon and Pampanga? Hope to met you there January 02. Here's one true story for you when I was station in Guam. I completed my tour there for almost four years. Ang Sabong ay gabi-gabi at kung minsan may tupada pa. Maraming Visaya doon. In fact doon ako na tuto'ng gumawa ng tari, kay Turi na taga Iloilo. Anyway, naging regular akong mananari sa Sport O'Dome. Ito ang storya ko. Noong bago ako, na victimized ako ng mga brown bagger at dahil sa medyo excited akong maka bitaw ng manok nag take advantage ang mga baggers sa akin. Binigyan ako ng manok para e-olot. 3 times winner at magaling kono imported pa. Wala pa akong 2 minutes na naka upo inolutan na ako ng medyo mistizo at may kaliitan pa. Guamenio ang kalaban ko. So sabi sa akin ng Pinoy na nag bigay (constraction worker)sigi tari na pero kako mali-itan lang ang pusta. Nagtaka na lang ako, sa ganda ng manok na bibitawan ko at malaki pa e bakit na dihado at lugrohan pa. Siempre, sahod ako, sahod din ang trupa ko, pati kasama ng Mrs ko sa trabaho sahod din. Sigi larga, tangal ang bayna, punas ng referee ang tari. Pag bitaw ko lipad si manok ko, sama sa ita-as si kalaban. Pag bagsak kisay kisay si kalaban at na kilikili pala. Pero napansin ko, bakit pilay ang left leg (tari-an) ng manok na binitiwan ko samantalang hindi naman nagtagal ang laban at isang liparan lang. Tapos pagbaba ko hanap-hanap ko ang Pinoy na nag bigay sa akin ng manok ay wala na. Mabuti pa yong Guamenio nilapitan ako habang binabadbaran ko ng tari ang manok at kinamayan ako. Napansin ko naliligo ng pagka lalaking pawis.. Kung sa bagay mainit ang weather sa Guam. Tapos sabi sa akin ay.. lana gatsong.. monkey fall down.. What you mean, sagot ko. Your rooster suppose to lost the fight, because they kiskis the left leg so when he fly or kick, the left leg will be disabled. I lost all my pay check on that fight. Sagot ko na lang no wonder the guy who give me the rooster disappeared so quickly. That serve me a lesson. From there on, me and my friends started purchashing bird, condition them and fight them with no hassle. No monkey fall down. Later, I found out that this baggers are very active in this sort of ominous activity, but eventually wala ring nang yari sa kanila at pa hingi-hingi na lang sa trupa hanggang sa na heart attack ang ring leader nila sa loob mismo ng sabungan. Now.. maririnig mo ang comment ng ibang ta-o na it is no longer a monkey fall down, but Mr. Gambino's fall down.. Na kilala ng kapit bahay (may-ari ng manok) at 3-times winner nga pala at binili ng $500.00 sa may-ari. Yan pala ang style ng mga brown baggers (mafia). Bumibili ng mga winners at gagawing pang elalim. Siempre yong mga ibang sabungero matanda-in pag dating sa mga winners or good performance. Yong mayari na binilhan ng manok ay hindi alam na e pi fix fight ang manok niya. Kaya sumahod din siya dahil nadihado nga. Si Guamenio, ayon nag hahanap ng mautangan na 5-6. Ma to trouble daw siya kay Mrs at walang pang bayad ng bills. Ang masamang hangarin ay walang kinabukasang mararating.
------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 07-28-2001).] |
|
|
|
|
|
#10 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
sundowner,
to?-may sabong din ba sa Boracay? baka pupunta ako roon pag uwi ko. mga kalaban namin ni pareng Leo dito sa hackfight mga kasimanwa rin nating taga kalibo. magagaling din tumari. -Oplod- |
|
|
|
#11 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2000
Location: Metro Manila
Posts: 1,638
Posts: 1,638
vCash: 500 |
Oplod,
Gud day! I was in Boracay two years ago and made a tour of the place. Siyempre may nakitang mga manok na pansabong near the front beach. Lumapit ako at nakipag kwento sa may ari. Sabi niya may derby mamayang hapon. So, punta ako at nagsabong. Nanalo ako ng konti at nabawi ang ginastos ko sa Boracay. In short, pwede kang mag beach at magsabong at the same time sa Boracay. |
|
|
|
|
|
#12 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Noy oplod,
Every Wenesday ang regular Sabong at may derby din pag maraming entry. Pero mag pasyal ka sa beach around 8 AM. Napagkaraming long leggers na nag sa sun bathing imported pa. Kaya lang Noy, hindi pueding tari-an ng socket, gusto nila Pilipino fork Knife. he he ------------------ Sonny |
|
|
|
|
|
#13 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Taon 1981 yata iyon at summer nakaka tamad ng mag viaje sa Arizona, at ubod ng init kaya dito na lang kami nag lalaban sa bondok. Invitation at maraming dayo at lintik ang pustahan. Tuwang-tuwa naman si Mr C. yong may ari dahil malaki ang plasada. So almost every weekend may laban at medyo secure cono dahil malayo sa main road at malayo din ang kapitbahay . Maraming malalaking punong kahoy. Halos puro Noypi at kaunting Chicano at Kano ang dumadayo. Pang apat na punta namin bandang alas 11 ng umaga at talagang walang patid ang sultada. Nag labas ng malaking manok itong si Tanda at naghahamon kung sino ang may malaking manok diyan kahit mabigat ng 8 oz ay lalabanan ko basta malitan lang ang pustahan. Pagod na ako sa kadadala ng manok ko at parating walang maka timbang. Nag tanong ang isang mama. Ano ho ang timbang ng manok ninyo. 6 pound and 5 ounces. Ako ho may problima rin sa manok ko at hindi rin maka hanap ng match at ubod ng liit. 4 pound and 4 ounces lang . Gusto ninyo laban tayo pero dalwa tari ako. Maraming sulsul.. sigi tatay labanan mo na at mahigit 2 pound ang lamang mo. Isang sipa lang ng manok mo e baka doon pulotin yang kalaban mo sa kabila ng freeway. Solsol din itong tropa ng liit. Siguradong bawat palo ng manok mo e dalawa ang sugat at malamang mapilay pa ang kalaban. To make the story short, nag laban si David and Goliath.. Unang tinarian si liit dahil siempre dalawang tari at ayaw pumayag si Tanda at baka raw mamilay ang manok niya. Balikatan ang pustahan. Ang siste nito, hindi ko alam ang Mrs ko ay kay Goliath napa pusta, ako naman ay kay David. Pinapanood ko ang pag tari kay liit David. Nang matapos ang left leg, inumpisahan si right leg. Papansin kung mas mahabang tari ang ikinakabit sa right leg at pariho ang level. Nag tanong ako kay Tanda kung puedi akong sumama ng kahit one hundred lang. Sagot sa akin basta ikaw Sonnyboy ok. Puedi po bang makialam sa pananari dito sa right leg, no offense sa mananari mo pero gusto rin nating manalo, di ba. Kasi ho tumatari din ako ng right leg, sad-ang o kaya taas tahid. Itong right leg ay dapat medyo maiksi ang tari at medyo esad-ang natin para pag pumalo ang manok ay hindi mag hung o kaya hindi mag bobongo-an ang tari at hindi mabigat sa manok. Pumayag naman at iyon pala first time niyang tumari at may naka pagsabi raw sa kanya na dapat mas mahaba ang tari ng right leg. Anyway, nakinig naman sa suggestion ko, kaya tuloy na ang laban, Noong bibitawan na ay na llamado si liit David. Ako akyat sa itaas ng kahoy para makita ang action ni David and Goliath. Sa laki ni big “G” hindi maka abot ang palo ni David at puro ilag ang ginawa ni big G. Inabot yata ng almost 35 minutes at walang time limit American style ang laban. Natural nag ka count at nag do draw ng line si referee. Pero ayaw talagang pumalo si big G, laban Gansa ang alam, sugod lang ng sugot at gustong kumapit. Sigawan ang mga spectator. Pumalo ka naman kahit isa lang. Pero talagang ayaw pumalo si big “G”. Tawanan kami doon sa ita-as, ng may sumigaw na… okinana.. pumalo ka naman at napa pusta ako ng tatlong libo sa yo. Sigi pa rin ang sugod ni big G pero wa-ay palo pa rin hangang sa napad-pad ang dalawang manok doon sa ilalim ng punong kahoy. Na epit si liit David, naku patay, hindi na maka iwas si liit at baka makapitan at ma shuffle ni big "G" sabi ng katabi ko. Ang siste nito si liit ang naka kapit at naka kikig pero hindi na kalakasan dahil pagod na rin.. Tinama-an yata si big “G” at bigla na lang omopo.. Huminto ng kaunti ang action.. Referee’s call..handle bring the cock to the center..Kano ang sentenciador, Ompisa ang count ni referee one, two, three, four hanggang pagdating sa ten . pit..sabi ni referee. Naka shuffle na naman si liit "D".. Sigawan ang mga ta-o. Sigaw yong mama, awanin… nabilangan hangang ten at ayaw ng mag break ng count ni big “G” at hingal,ayaw ng tumoka at groggy na. Dampot ni referee si mighty liit David itina-as, at nag salitang winner. Kanya-kanyang dukot sa bulsa ang mga talonan at bayad sa kapustahan. Sama loob ng isa. Okinana.. salitang pa mora... natapos ang laban ni hindi man lang pumalo yong manok… Sinugod si Tanda (may-ari ng manok) at tinanong, anong lahi yang manok mo? pato o gansa.. Pag baba ko tinanong ko si Mrs talo ka ano?.. Sino ba naman ang mananalo doon ni hindi man lang pumalo yong malaking manok ng matanda.. Pauwi na kami ng malaman ko na isa lang pala ang may ari ng dalawang manok na pinag laban
at pati ang may ari ng Van na sinakyan nila ay wala ring alam. Kaya pati siya ay na bictima din at napa pusta kay big “G”.. Pero alam ninyo mga kaibigan, maraming humanga doon sa palabas nila at paano raw nagawa iyon.. Na hindi pumapalo ang manok. Sumagot ang isang kasabwat, ibinitin ng overnight ni Tanda yong manok at hindi pinaka-in ng dalawang araw.. Ang masakit nito, gina ba-an sila. Biro mo hindi lang isang taon nilang binayaran ng kamalasan. Parating zero sa derby, parating talo sa hack fights. Yong huling laban nila. Papatay na ang kalaban, bigla namang kumaripas ng takbo ang manok nila at natalo pa dahil naka tuka ang kalaban bago namatay. Pinilipit si liig, hinimol-molan at hindi sila maka paniwala na tatakbo ang manok nila at man fighter cono.. Dinala sa mangagamot. Yon sa bayag pala ang tama. Sabi tuloy ng mangagamot… Kayo man ba ang masipa ni Mrs, sa bayag di kakaripas din kayo ng takbo. he.. hee That's all folks. Nex time naman at marami pa.. Ang mga Kuentong Manok ko ay puro toto-o at na experienced ko.. ------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 07-27-2001).] |
|
|
|
|
|
#14 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Sonny, no doubt tutuo lahat ang kuwento mo...nakakalibang pa. Ang kuwento lang na hindi nakakalibang eh yung bola...at wala namang pwedeng bolahin sa board na ito kasi karamihan ay may balahibo na...sa atay pa nga yung iba eh...hehehe.
Keep on going...thanks, this thread's for you...hehehe. Kidd |
|
|
|
|
|
#15 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
linggo noon mga pare hackfight sa paniqui coliseum..bitaw ko ang manok ko lipad silang
dalawa taas mga pare..nakabitan ng manok ko ang kalaban sa kili-kili...sa 'kin naman naputol ang ulo..bagsak silang pareho patay ang kalaban pero dehins pa rin ako payag sabi ko sa sentinciador tamputin mo ang'ulo' ng manok ko siguradong tutuka yan yon ginawa ng a niya ..tumuka pa ng dalawang'yon panalo pa..hehhheheehh.okay ba mga 'tol |
|
|
|
#16 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
mikee, ang galing naman ng manok mo! sana gayin mong brood cock!
|
|
|
|
#17 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
meron akong nilaban sa laloma, pagbitaw pinalo ang kalaban mula ulo hanggang buntot. nahati ang kawawang kalaban. kaya lang tumakbo ang aking manok, akala dalawa ang kalaban! hu hu hu!
|
|
|
|
#18 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
dumayo ako sa batangas, ang aking nakalaban isang tagalog[mistiso]. pero pag-tanggal ng bahina, balisong ang tare! ay ako'y natalo eh!
|
|
|
|
#19 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
pards romy matindi ka rin ..hehehehehh
ok ka pard':> ) |
|
|
|
#20 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
Itinaas yung tungkol sa mestiso at maraming sumagot at nagdagdag ng kwento.
Eto namang sinulid na 'to ay beterano na. Baka madagdagan ng mga ibang kwentong sabong na magandang basahin...kwentong sabong na nakakatawa, seryoso, o kahit anuman. Itataas lang po natin ito okay. |
|
|
|
|
|
#21 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
Kwentong sabong? Itaas natin ito.
|
|
|
|
|
|
#22 |
|
Junior Member
Join Date: Feb 2003
Posts: 13
Posts: 13
vCash: 500 |
This happened more than ten years ago. We were playing maj-jong when one of our friends sparred his cock malapit lang sa mesa namin. After four buckles, takbo yung manok nita. Tawanan kami lahat. Iluto na lang daw, kantiyaw ng iba. After a week, tambay lang kami at the same spot. Nag spar na naman ang friend namin with the same cock. Takbo na naman after a few paluan. Lalong dumami ang kantiyaw or jokes/ridicules. May isang nag-suggest na ilaban na lang bukas at sa kabila ang pusta. That was Saturday. Next day Sunday, my brother and I went to the cockpit. At about 4:00 p.m., our friend was able to match his cock. Our other friends who knew the cock bet heavily on the other cock so lo-tres agad ang tawagan. Nagpatawag ako. Sampu-anim na ay 90 pesos lang ang nakuha ng kristo ko. Sabi ko ay ipasa na lang sa iba ang pusta ko dahil 10,000 ang ipinakukuha ko dahil nga almost tiyope na yung manok ng kaibigan namin. I was just curious now if the fight will still go on. The cocks were pitted and our friend's cock lipad agad while the other one just stayed in the ground. Nabagsakan sa likod yung kalaban at baun yung tari sa likod. hindi mabunot-bunot. When the referee pulled out the tari, patay na ang kalaban. Sigawan sa sabungan. We were stunned. Tawa ako ng tawa later dahil pawisan lahat ang kaibigan namin dahil sa talo at sa yamot. Kastigo daw. Pinainom ko na lang ng SMB yung kapatid ko at ang ibang kaibigan namin dahil wala ngang natalo sa akin sa sultadang iyon. Hindi matapos-tapos ang kantiyawan at asaran. Hindi naman masisi yung may-ari ng manok. Later, my sister-in-law talked to me and she was so mad at my brother because she had to pay the check that my brother issued in the cockpit because of that sultada. My brother had a flight to USA the day after the cock fight for a tour. Sumakit ang tiyan ko sa katatawa.
|
|
|
|
|
|
#23 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,221
Posts: 1,221
vCash: 500 |
Rey....sa kwento mong yan ay talagang masasabi natin na ang sabong ay puno ng hiwaga,unpredictable,exciting, thrilling at kung anu-ano pa. Dalawa na lang ang pagpipilian at takbuhin pa ang isa pero hindi pa rin nakasisiguro kung ano ang kalalabasan.
|
|
|
|
|
|
#24 |
|
Senior Member
Join Date: May 2003
Location: Caloocan City
Posts: 691
Posts: 691
vCash: 2752251 |
Matahin na manok
Share ko lang itong true story na ito.
Meron akong barkada na mahilig mag-alaga ng mga pangit na manok pero yung magagaling mamalo. Mga matahin ika nga. Kasi dehadista siyang sarado ayaw na ayaw niyang siya ay llamado. Isang araw ng Linggo. May dala siyang manok at pupunta kami sa sabungan.Siyempre pa pangit talaga.Hitsurang di mo kagigiliwan.Pero dahil sa alam ko na di naman niya yun ilalaban nang walang palo eh di sige laban! Bulong pa niya sa akin " 'liong may senyales ito, tignan mo magkaiba ang kulay ng mga mata ". Nakita ko nga isang orange at isang dark red ang kulay. " Pwede! ", sa loob-loob ko lang. Heto na. Ang bilis na-ulot. Ang kalaban pangit din pero lamang pa siguro mga dalawang paligo yung kalaban.hehehe Dehado kami.Logrohan ng lo-be.Nakita ko yung barkada ko humahanap pa ng diyes para sumahod. Nakakita, sahod ng 1,200 sa diyes.Binitiwan na! Liparan.Unang taga pa yung sa amin lampas yumuko lang yung kalaban. Pangalawang lipad, ilalim yung amin.Si matahin. Nako poh.Inabot parang leeg pa yata.Pagbagsak sa lupa nakakabit yung tari.Tagusan dun sa dalawang mata nung manok namin at nagkikikisay na. Lulugo-lugo kami siyempre.Naisip ko lang.Yung manok eh matahin dahil pangit.Magkaiba kulay ng mga mata. Yun pala sa mata tatamaan.Patay! |
|
|
|
|
|
#25 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
:lol:
Lucky Streak pambihirang istorya nyan talagang nakakatawa pare. Bwahahahaha. Baka naman magkaiba yung kulay ng mata ng manok e dahil halimaw yan o nagpapanggap na manok pero aswang talaga. Tapos yung tari ng kalaban ay yung "Espada" ng Panday in disguise. :lol: |
|
|
|
|
|
#26 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
MPPV, update duon sa kuwento ko...heheheh, si Colonel dalwa na ngayon ang istar, at kailan lang pinalitan niya si Victor Corpuz, ISAFP Chief baby!
Just letting u guys know I don't bull , heheheh,Kidd |
|
|
|
|
|
#27 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
Kidd Sentencia
Salamat sa update sa original na istorya mo. Kidd mag share ka dito ng panibagong istorya sa sabong. After all pare thread mo ito. At ayos naman ang mga istorya mo. Guys feel free rin na mag add kayo ng mga istorya. Ayos nga basahin dito. |
|
|
|
|
|
#28 |
|
Member
Join Date: Jan 2003
Posts: 68
Posts: 68
vCash: 500 |
ako naman ang mag share sa inyongng aking sariling karanasan at nangyayari pa ito , ngayung hapon lang kibali nanalo ako ng dalawang manok . yung huling kong laban na manok ay talagang pangit at lugon na lugon pa maliit sa laban kahit sa pusta maliit lang din , at ang tawagan pa nga ay sampu anim . sarap pa ngang sumahod kung marami lang akong pero . ang pogi pa naman ng kalaban ng mank ko kaya yung isa sa ating kaibigan d2 ay natalo sa laban dahil sa kalaban pumusta sa sampu anim .noong binitawan na ay lipad lang ng lipad ang kalaban pangatlong lipad ng kalaban palapag pinalo ng manok ko yung kalaban sigawan agad yung mga tao na huli!!!!! hanggang sa matapos ang kalaban sa awa naman ng diyos yung manok ko may sugat pero maliit lang .
patz:rbounce: |
|
|
|
|
|
#29 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Sorry duon sa isang kasama dito...heheheh. Lesson: huwag katalunin ang kapwa ka-sabong.net...hehehe.
Kidd p.s. baka naman nakabawi sya sa ibang sultada, paldo pa'ng umuwi at nakangisi. |
|
|
|
|
|
#30 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2002
Posts: 148
Posts: 148
vCash: 500 |
ako naman ang mag kukuwento taong 1997 nang dumayo kami nang hack sa pateros bale tatlo ang dala ko dalawang pula na oscar aikins at isang 2 times winner na white claret bale napalaban na ang dalawang pula na dala ko first fight ay panalo second fight ay talo ,bandang alas tres na nag hapon nang mapalaban ang dala ko ng white claret at ang kalaban namin ay manok ni demy flores vice mayor siya noon nang taguig unang lipad sapol ang kalaban pangalawa nagbanatan sa ere laking gulat namin dahil nakatusok ang tari nang kalaban namin sa ulo sa may bumbunan nang manok ko sabi malas naman di binunot nang sentensiyador ang tari kinaryo tumuka ang manok ko nahilo lang pala pag karyo hindi na tinigilan nang manok ko ang kalaban sa dami nang tama nang kalaban hindi na tumuka pagkatapos nang laban ay tinignan namin ang ulo nang manok wala namang sugat.at ang kalaban ay naiuwi ko pa nang buhay nai pang regalo ko pa sa tiyuhin ko baldado nga lang ang kanang paa at na ipanalo nya pa nang isang beses sa tupada,balik sa white claret ko naka anim na panalo pa siya,kaya lang nung huli ko siyang binalak na ikondisyon ay hindi natunawan at natigok.
![]() |
|
|
|
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| Balidasyon! | yenbehold | Chit-Chat | 9 | April 11th, 2007 08:29 PM |
| Re: Sabong CD/DVD Sabong Video | LOBAQ | Chit-Chat | 1 | March 5th, 2007 09:18 AM |
| PBonjoc - Time out from sabong video coverage. | pbonjoc | Chit-Chat | 10 | November 19th, 2006 10:33 PM |
| Hari ng Sabong | arneld | Usapang Manok | 80 | October 20th, 2006 10:38 AM |
| arnis at sabong | leila | Usapang Manok | 10 | February 24th, 2005 03:23 PM |
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media