FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

"Body Conformation", sa pagpili ng Breeding Materials

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > "Body Conformation", sa pagpili ng Breeding Materials

Reply Page 1 of 3 1 2 3  >
 
Thread Tools Display Modes
Old July 6th, 2003, 09:13 PM   #1
MOYZKI
Senior Member
 
MOYZKI's Avatar
 
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500
"Body Conformation", sa pagpili ng Breeding Materials

Mga Repaks,

Alam naman natin na ang body conformation ay minamana ng ating mga panlaban na manok sa kanilang mga magulang. Sa pagpili ng gagawing breeding materials iba-iba din ang opinyon pagdating sa body conformation o hipo ng katawan ng mga gagawing breeders. Ang ibang breeders, gusto nila ay maiksi ang balangkas ng katawan, dahilan nila, mabilis daw pumihit kaya mabilis makabalik kung sakaling lampas ang palo nito. Ang iba namang breeders, mas gusto nila ay medyo mahaba ang hipo dahil malakas daw ang cutting nito, o mabilis pumatay at malakas pa daw pumalo.



TANONG?
Kung ikaw ang tatanungin ko sa pagpili ng materyales na palalahiin, alin sa dalawa ang mas kursunada mo? Maikli ang katawan para mabilis pumihit o mahaba ang katawan para maganda ang cutting? Paki bangit mo na rin kung mayroon kapa ibang dahilan kung bakit iyon ang napili mo. :rbounce:
MOYZKI is offline   Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 07:18 AM   #2
ryan72_2000
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
body conformation

base sa experiensya mas mainam pumatay yung mga manok na may ganitong body conformation: katamtaman lang ang haba ng katawan na may malaking balikat na yung pitso ay halos dikit sa sipit-sipitan (malakas mamalo ang ganitong manok at di basta basta lumalabas ang bituka kapag tinamaan sa may bandang puwitan); medyo lawit ang pitso ng kaunti (mas magaling ang cutting, wala kasing sagabal sa pag-swing ung mga paa papunta sa katawan ng kalaban kumpara dun sa mga manok na bilugan ang pangangatawan); ang hita ay mas mahaba ng kaunti sa shank o binti (dahil mas accurate mag-patama); at ung dalawang pakpak ay halos nag-aabot ang magkabilang dulo.

  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 09:34 AM   #3
banderado84
Senior Member
 
banderado84's Avatar
 
Join Date: Jan 2003
Location: Sequestered
Posts: 2,313
Posts: 2,313
vCash: 900
Exclamation ok

ren ang layo sipitsipitan for gameness testing ng linyada...madali daw lumuwa bituka nila malaman mo kung may itatagal lol...fis
banderado84 is offline   Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 11:22 AM   #4
P_U_L_A
Senior Member
 
P_U_L_A's Avatar
 
Join Date: Oct 2002
Posts: 1,190
Posts: 1,190
vCash: 13278471606818
Anong breeding materials ba.? inahin o tandang? hahaha...
Pag inahin kasi dapat maluwag ang pagitan ng sipit-sipitan saka pitso :lol: Para madaling lumabas ang itlog di yong bituka:lol:
P_U_L_A is offline   Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 02:35 PM   #5
rollyramos
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
PULA

PRE MAGING SA INAHIN AY HANAPIN MO ANG DIKIT ANG SIPIT SIPITAN, pati na ang buto sa pitso ay nakaugnay papunta sa sipitsipitan , ito ay makikita mo o masasalat sa idad na 5-6 na buwan. pag nag simula na silang iitlog ay hindi mo na makikita ito dahil magbabago na ang istraktura ng katawan nila. kaya ko pinahahanap dahil mamanahin ng anak na lalaki ang istraktura ng katawan ng nanay.

mas mainam ang bilog o maigsing katawan sa bilis ng ikutan,palo na harapan pero mas mainam ang cutting ng may pitso o medyo mahabang katawan dahil walang sagabal na laman sa ilalim, at mas balansyado ang mahaba ang katawan maging sa lupa o sa ere.

ang dikit na buto sa sipit sipitan ay dapat makapal na papaloob ,indikasyon ito ng kalakasan , ngunit kung dikit nga pero matalas o matulis , indikasyon na payat ang manok.

pinipili ko ang malikot,aktibo,at laging masiglang panlahi.

una lagi ang ganda ng katawan,kalusugan dahil kahit anong galing ng linyada kapag nag kulang sa ganda ng katawan ,kalusugan. di mag tatagal magiging sakitin ang mga palahi,mahina,at mawawala ang tapang.
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 02:56 PM   #6
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
curious lang...

palagi kong naririnig na dapat ay mahaba ang hita kaysa binti. mayroon ba talagang mahaba ang binti kaysa hita? matagal ko na rin itong inoobserbahan, pero hinde pa ako nakakakita. mayroon ba talaga?
earan is offline   Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 03:26 PM   #7
rollyramos
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
wala! sa manok panlaban wala, pero sa tikling lagi mahaba ang binti.
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 04:43 PM   #8
gustokomanok
Senior Member
 
gustokomanok's Avatar
 
Join Date: Jun 2003
Posts: 797
Posts: 797
vCash: 500
korek!!
gustokomanok is online now   Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 06:15 PM   #9
rollyramos
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
yun yun e

dag dag ko lang ,piliin ang maigsing daliri ng manok, mas mabilis sa paluan ang ganito,.
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 06:19 PM   #10
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
ang gusto kong porma ng mga katawan ng mga inahen ay katulad ng mga katawan ng mga SEX BOMB GIRLS....................................itinatago tago ko pa..................na sanay manawari...........nakupo.............ang saaaaaaaaaaaaaaaaarap ng buhaaaaaaaaaaaaaaaay!:lol: :lol:
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 08:00 PM   #11
^bloody_thief^
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
ispaghetting pababa!

thanks a lot bros for ur very helpful tips and infos!!!
more power to yall!

to mr. rr:
full na ang personal message mo at hindi na ako maka rreply!!!
i want to say thank u mr. rr!!! ur a big help!! more power!!!
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 08:46 PM   #12
P_U_L_A
Senior Member
 
P_U_L_A's Avatar
 
Join Date: Oct 2002
Posts: 1,190
Posts: 1,190
vCash: 13278471606818
SIR.........

Ayaw nyo kay RUFFA MAE.?? :lol:
-----------------------------------------

Dapat bang mapula ang mata? Ano ang kaibahan nito?
P_U_L_A is offline   Reply With Quote
Old July 8th, 2003, 01:10 AM   #13
MOYZKI
Senior Member
 
MOYZKI's Avatar
 
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500
Mahabang binti kaysa hita,

Pareng earan,

Matagal ko na rin pinagmamasdan ang mga manok ko talagang wala nga na mas mahaba ang binti kaysa sa hita. Kung pantay nga ay halos wala pa rin. Mas maganda pa rin na mas mahaba ang hita kaysa sa binti, kumpara sa MARTILYO , ang hita ng manok ay katulad ng hawakan ng martilyo. kung maikli ang hawakan ng martilyo ay mahina ito pumukpok, kung baga sa manok mahina at hindi accurate ang palo nito at baka magsarili pa ito pagdating sa laban.......:rbounce:
MOYZKI is offline   Reply With Quote
Old July 8th, 2003, 04:18 AM   #14
hagodista
Banned
 
Join Date: Oct 2002
Posts: 79
Posts: 79
vCash: 500
Subukan ko nga na idescribe rito,,,,,,,,sa inahin,pag tiningnan mo sa ibabaw ,korteng plantsa pero pagdating sa baywang,malapad.Kung titingnan naman sa tagiliran ang linyada ng likod kinakailangan diretso mula sa batok hanggang sa baywang,lalong lalo na kung ididiin mo yung palad sa likod ng inahin parang inilagay mo sa lamesa ang palad mo ang pakiramdam ,lapat.Kung pagmamasdan mo naman ang hugis ng linyada ng katawan ay hugis mangga ,,,deretso ang likod,pagdating sa pitso sa harapan papuntang puwet ay magsisismula nang maghugis mangga ,,,,dyan ngayon mahalaga na manipis ang tingin sa may papuntang puwit,ala torpedo ika nga.Sa pakpak naman kinakailangan na ang tingin sa patagilid ay halos matakpan ang kanyang tagiliran lalong lalo na sa mula likod hangang pitso,,lapad ika nga .Pagdating naman sa paa kinakailangan maliit tingnan na puro deretso at malinis ang mga hilatsa :hippie:
hagodista is offline   Reply With Quote
Old July 8th, 2003, 05:12 AM   #15
Desert Dust
Senior Member
 
Join Date: Apr 2003
Location: Las Vegas
Posts: 854
Posts: 854
vCash: 500
Pula, hinde puwede yong hugis ni ruffa mae, masyadong masyadong mabigat ang dibdib, tutumba iyon, ehehehe.

DD
Desert Dust is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2003, 12:31 PM   #16
MALDEN KGGMGF
Member
 
MALDEN KGGMGF's Avatar
 
Join Date: Jun 2003
Location: East Coast USA & The Philippine Islands
Posts: 358
Posts: 358
vCash: 750
SEED FOWL body conformation

tungkol sa brood cock mas importante ang proven performance record; sa inahin naman ay mainam ang purity of bloodline at desirable conformation...N.B.... a crossed cock is not ideal as a broodcock kahit super ganda/guapo ang wankata...mas maigi ang pure broodcock...
MALDEN KGGMGF is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2003, 01:33 PM   #17
Touchdown
Senior Member
 
Touchdown's Avatar
 
Join Date: Apr 2003
Location: San Carlos City,Pangasinan;CT.USA
Posts: 1,311
Posts: 1,311
vCash: 500
body conformation

mga kakmeyts,

itatanong ko lang sa inyo kasi di pa namin na-experience.kung sakali bang isa sa mga parents ay knock knees ay magkakaroon din ba ng mga anak na knock knees?para sa kadagdagang kaala- man.Salamat sa inyong sagot.

touchdown,
Touchdown is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2003, 03:57 PM   #18
enrique25
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
meron po akong roundhead broodcock na medyo maliit at maigsi ang katawan ( korteng puso ng saging).magaling po siya sa bitaw at maayos naman ang kalusugan. tanong ko lang po maaari pa po ba itong magkaroon ng anak na malalaki kung bibigyan ko ng oversize na inahin?
  Reply With Quote
Old November 20th, 2003, 08:36 PM   #19
MOYZKI
Senior Member
 
MOYZKI's Avatar
 
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500
Pareng touchdown,

Depende kung papaano nagkaroon ng knock knees ang brood materials mo. Kung iyan ay nasa linyada ay talagang magkakaroon iyan ng anak na mayroon diperensiya. Kung ang mga kamag-anak ng materyales mo ay mayroon din kaso ng knock knees, ang ibig sabihin ay nasa bloodline iyan. Huwag mo nalang gamitin kung nasa linyada iyan......

MOYZKI
MOYZKI is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2003, 08:42 PM   #20
MOYZKI
Senior Member
 
MOYZKI's Avatar
 
Join Date: Jun 2003
Posts: 924
Posts: 924
vCash: 500
Pareng enrique25,

Medium high to high station lang na inahin ay okey na sa broodcock mong roundhead. Huwag mong gamitan ng over size na inahin dahil siguradong mayroong lalabas na oversize sa mga palabas mo. Baka mataas lang ang pagka-inbred ng roundhead mo kaya siguro lumiit. Typical na kasi sa roundhead ang high station........


MOYZKI
MOYZKI is offline   Reply With Quote
Old November 21st, 2003, 01:13 AM   #21
SIAKO
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
34-24-36...5'11"...pang MS UNIVERSE!:lol:
LARGA NA!
  Reply With Quote
Old November 21st, 2003, 06:58 AM   #22
Touchdown
Senior Member
 
Touchdown's Avatar
 
Join Date: Apr 2003
Location: San Carlos City,Pangasinan;CT.USA
Posts: 1,311
Posts: 1,311
vCash: 500
knock knees

preng moyzki,

Salamat sa reply at advise mo pre.Kasi yung YLH na broodcock namin ay di straight ang kanang paa.subukan na lang naming i- breed ngayon at pag mga tsikiting nito ay knock knees din ay di na lang namin gagamitin ulit.

touchdown,
Touchdown is offline   Reply With Quote
Old November 21st, 2003, 08:30 AM   #23
derby lord
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
bloodline

ang pagpalahi hindi naman sinasabi na kung gusto mo ganong pigura ng inahin o tandang makakapagproduce ka ng gusto mo na akala mo na ganon ang kakalabasan.tsamba lang yon hindi ka maka exfect na ganon.nadidipindi lang yon sa unang hinirasyon o sa ganong crooses.


killer smile:hombre:
  Reply With Quote
Old November 21st, 2003, 08:46 AM   #24
reynaldo pineda
Member
 
Join Date: Oct 2003
Posts: 275
Posts: 275
vCash: 500
mga pare punta kayo nang airforcce 1 sa paranaque marami kayong mapipiling mahaba ang hita ang problema lang maluluwag na ang mga sipitsipitan.
reynaldo pineda is offline   Reply With Quote
Old May 16th, 2006, 07:21 PM   #25
ligas_paka2006
Senior Member
 
ligas_paka2006's Avatar
 
Join Date: Nov 2005
Location: cuernos de negros
Posts: 6,021
Posts: 6,021
vCash: 209202248694
ligas_paka2006 is offline   Reply With Quote
Old May 22nd, 2006, 12:10 AM   #26
Jusilomeniop
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
katamtaman will do........ :lol:
  Reply With Quote
Old May 22nd, 2006, 06:13 AM   #27
SuPeR_MaNyOnG
Senior Member
 
SuPeR_MaNyOnG's Avatar
 
Join Date: Mar 2006
Posts: 1,004
Posts: 1,004
vCash: 500
SuPeR_MaNyOnG is offline   Reply With Quote
Old May 29th, 2006, 11:12 PM   #28
lybamba
Member
 
Join Date: Jun 2005
Posts: 379
Posts: 379
vCash: 500
??? bakit nagkaganon sa airforce 1, lumuluwag ang sipitsipitan!!!! hay naku iba na naman ito.
lybamba is offline   Reply With Quote
Old May 30th, 2006, 12:41 AM   #29
pitgods
Senior Member
 
pitgods's Avatar
 
Join Date: Aug 2005
Location: Philippines
Posts: 918
Posts: 918
vCash: 500
Mahirap makalaban ang maluwag ang sipitsipitan. Pag ang cock ko ay natapat sa ganyang lahi laging talo. Kahit anong kondition nagiging off. Laging tinutuka ng buo pero walang maramdaman at nanghihina!!!
pitgods is offline   Reply With Quote
Old May 30th, 2006, 07:48 AM   #30
lemon_guapito
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
PITGODS...

pre, mayroon ka sigurong pamanhiin ano? hindi TOTOO iyon! pag-aralan mong mabuti ang application sa manok? o kaya ang vitamins na ginagamit ay hindi maganda sa manok mo... maraming bagay, kaya konting tiis... sa akin naman ay hindi ko ini-intindi iyon gawa...alam ko ang ginawa ko sa aking manok.

ANG GUSTO KO SA MANOK AY HUGIS PUSO ANG KATAWAN. o PUSO NANG SAGING.
  Reply With Quote
Reply Page 1 of 3 1 2 3  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
The 64 breeding system Highnoon Chicken Talk 79 May 25th, 2008 06:19 PM
Affordable breeding materials, February-born cockerels and pullets San Roque Broodfowl 1 June 25th, 2005 05:32 AM
Presyo Ng Breeding Materials Ngayon jlbs72 Usapang Manok 21 April 1st, 2005 11:17 AM
rate of success using topcrossing breeding method. buhawi Usapang Manok 1 January 29th, 2005 04:05 PM
Affordable breeding materials San Roque Broodfowl 4 September 6th, 2004 10:12 AM


All times are GMT +8. The time now is 09:13 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy