FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

high speed hacksaw blade para sa tari

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > high speed hacksaw blade para sa tari

Reply Page 1 of 2 1 2  >
 
Thread Tools Display Modes
Old July 6th, 2003, 04:42 PM   #1
BUSHIDO BLADE
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
high speed hacksaw blade para sa tari

mga kaibigan sabungero,

nasubukan ko na ang ilang high speed hacksaw at medyo hindi ako satisfied sa performance, isang beses lang akong maggamit ng tari at pinatalas ko agad pagtapos gamitin, madalas ang hacksaw ay nagrool ang talim pagkatapos gamitin, although fatal pa rin, kaya nagswithc na ako ng metal which satisfied naman ako ngayon. gusto ko ang blade ko kayang mag cut ng buto ng manok na hindi mahirapan magtanggal ang manok, yung hindi sasabit , slah lahat lahat pati buto tamaan.
  Reply With Quote
Old July 6th, 2003, 06:06 PM   #2
banderado84
Senior Member
 
banderado84's Avatar
 
Join Date: Jan 2003
Location: Sequestered
Posts: 2,313
Posts: 2,313
vCash: 900
which brand

did you used....
banderado84 is offline   Reply With Quote
Old July 6th, 2003, 06:32 PM   #3
BUSHIDO BLADE
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
bai,

sanvik at starrett.

bushido blade
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 01:43 AM   #4
Draven51501
CyberFriends
 
Draven51501's Avatar
 
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,284
Posts: 1,284
vCash: 102604400
Wink

di ba hacksaw blade na high speed din ang sanvik?
Draven51501 is offline   Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 05:24 AM   #5
ocratsira
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Gamit ko ay MIRACLE BLADE kahit Bunhok pag tinamaan wasak lahat ng buto
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 12:06 PM   #6
BUSHIDO BLADE
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
bai,

kaya ang mga high speed blades may tendency magrool, ang sanvick ay high speed blades din.

bushido blade
  Reply With Quote
Old July 7th, 2003, 01:12 PM   #7
swallow
Senior Member
 
swallow's Avatar
 
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,851
Posts: 1,851
vCash: 500
Bulok ang sandvik blade... at ang masama madami dito sa pinas nyan na fake sandvik galing china...
Kung eclipse, simond, kapman, ultramajor hindi mo masasabi yan... different blades different quality...

Pero dahil oks naman yung gamit mo ngayon, huwag ka na lumipat. The best steel type for knife i know is Super Cobalt, natural and talas, super gaan kaya pwede mo gawin medyo makapal para grabe ang shock effect...hehehe
swallow is offline   Reply With Quote
Old July 8th, 2003, 12:27 PM   #8
sabit singson
Member
 
sabit singson's Avatar
 
Join Date: Sep 2002
Location: Adelitas, Tijuana
Posts: 237
Posts: 237
vCash: 500
swallow,

meron bang nabibiling super cobalt sa pinas?

kung meron, magkano ito at saan mabibili?
sabit singson is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 09:22 AM   #9
ClipperMan
Member
 
ClipperMan's Avatar
 
Join Date: Feb 2003
Posts: 214
Posts: 214
vCash: 5500
mga pre at swallow,
alam niyo ba mamagkano presyo ng isang HS hacksaw blade, tulad ng Ultramajor brand, kahit rough estimate lang...At ilan ang magawang tari sa isang HS Hacksaw Blade...Paki post niyo naman dito...Salamat...

Clip :blush:
ClipperMan is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 11:18 AM   #10
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
ClipperMan,

Yung binibile kong Ultramajor brand na power saw blade sa Binondo ay Php 200.00 ang isa. Ang size ay 350mm x 25mm x 1.25mm (LxWxT). Apat ang minimum na pwedeng mong magawa, ibig sabihin 50 pesos lang isang talim, MUURRRA lang :lol:
earan is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 11:40 AM   #11
dj_1252000
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
cockmates! ask ko lng po, kung sino pweding gumawa ng tari na ang bakal ay super cobalt sa tamang proseso?
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 11:53 AM   #12
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
meron...

sa tamang presyo! :lol:
earan is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 12:34 PM   #13
Draven51501
CyberFriends
 
Draven51501's Avatar
 
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,284
Posts: 1,284
vCash: 102604400
Wink

dj,

tanong lang, ano ba ang tamang proseso pagawa ng tari na gamit ay super cobalt para sa iyo?

drav
Draven51501 is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:13 PM   #14
imp 31
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
maganda ang sanvik blade at may isa pang magandang blade galing germany at eclipse. at hindi ka satisfied try mo ang helicopter bearing.
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:18 PM   #15
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
may titanium din bang hacksaw or any tools?para titanium ang buong tari!maganda ba ang titanium na tari?any advantage and disadvantage?
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:23 PM   #16
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
earan,
pre,kung magpapagawa ba ako(kung pwede lang naman) ng isang set sa iyo,materials sa akin,magkano naman ang singil mo sa whole labor?i mean titanium materials.ano ang ma -irerecommend mo na tools dito sa europe(germany,sweden) na may high titanium content na maaring gamitin sa pag gawa ng tari?thanks pre.
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:26 PM   #17
BattleGear
CyberFriends
 
Join Date: Sep 2001
Posts: 338
Posts: 338
vCash: 500
What about Solingen?
BattleGear is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:39 PM   #18
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
i am not satisfied with solingen(germany),specially my solingen kitchen knives.nung una ang talim at ang gandang gamitin,nang pumurol ay eto ang aking naging problema.ang hirap hasain ng bakal nito.bumili na ako ng electric grinder na pang knives,MAPUROL pa rin!itinapon ko ang buong set.bumili ako ng SWIBO knife ng switzerland.hamak inam sa solingen,ang dali pang taliman pag pumupurol.iparaan mo lang sa kasamang hasaan na parang knife din ang itsura,MATALIM KAAGAD!
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:39 PM   #19
swallow
Senior Member
 
swallow's Avatar
 
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,851
Posts: 1,851
vCash: 500
yan ba yung Bohler-Solingen???
swallow is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:43 PM   #20
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
pwede kayang i laser cutting itong mga kitchen knives na ito sa pag gamit ng pag gawa ng tari?yung bakal ng solingen knife pag tumagal dumidilim ang kulay,pang nag mamantsa.yung swiss SWIBO knife isang taon ku nang gamit ang kintab pa rin.may kinalaman ba ang kintab sa quality at HARDNESS ng bakal?thanks.
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 04:48 PM   #21
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
walang bohler na nakasulat pre,solingen germany lang ang nakasulat tapos may maliit na symbol ng house o factory yata.kinuha pa namin direct sa factory sa solingen,germany ng dumalaw ako sa bilas ko.yun nga palang swiss swibo knife ay gawa ng WENGER company.i think mas hamak ganda ang quality ng bakal ng WENGER kaysa sa SOLINGEN,kung knife ang pag uusapan pre.thanks.
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 05:35 PM   #22
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
titanium...

tsampoy,

sa pagkakaalam ko ang titanium and its alloys in high purity state ay malambot. mataas ang strength to weight ratio at corrosion resistant din. kaya karamihan sa applications nito ay sa aircraft, jet engines, petrochemical plants at mga turbine blades base na rin sa mga katangian nito. bagaman ito'y magaan mababa lang ang kanyang hardness kaya ito'y hinde advisable na gawing tari.
yung kintab ng bakal ay dahil sa mataas na chromium content na kadalasan ay tinatawag na stainless steel. yung tigas naman ay depende unang-una sa percentage ng carbon content at iba pang alloying elements na nakakapag patigas ng bakal.
ang dapat talagang gamiting bakal para sa tari ay ang mga tinatawag na tool steel. ito ay ang mga bakal na kapag napatigas na ay ginagamit na pamutol ng kapwa bakal. ang mga halimbawa ng mga end products nito ay saw blades, drill bits, reamers, milling at gear cutters, cut-off blades at marami pang iba.
sa ilalim ng tinatawag na tool steels ay nariyan ang mga grupo ng:
- high speed steel
- stainless steel
- cold/hot work steel
ang dapat lang naman na isaalang-alang sa pagpili ng bakal ay ang mataas na hardness(tigas) at toughness (kunat) nito. tigas para sa edge at sharpness retention, kunat para sa impact resistance o tibay kontra bali.
earan is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 06:52 PM   #23
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
earan,
maraming salamat pre sa napakaganda at napaka liwanag na kasagutan mo sa aking mga tanong.saludo ako sa yo pre.
  Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 08:02 PM   #24
TabukSuba
Moderator
 
Join Date: Jun 2002
Posts: 1,502
Posts: 1,502
vCash: 2000
Ultra Record

Mga Igan,

Yung mananari ko ngayon e sumusumpa sa galing at inam ng bakal na ito. HSS at hacksaw rin cya katulad ng Ultra Major.

Yung bakal na eto ang balak kung gamitin sa mga stag derbies namin.

Meron ba sa inyo dyan na may experience sa bakal na ito?

Cheers,
TBS


Pre Earan,

Kailan ka pwede ktakits.Tnx
TabukSuba is offline   Reply With Quote
Old August 6th, 2003, 08:33 PM   #25
dolphin
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Damascus Billet

Tanong lang mga kaibigan,may nakasubok na ba sa uri ng metal na ito sa inyo?
  Reply With Quote
Old August 8th, 2003, 10:22 AM   #26
ClipperMan
Member
 
ClipperMan's Avatar
 
Join Date: Feb 2003
Posts: 214
Posts: 214
vCash: 5500
Tungkol sa HS Hacksaw Blade

tatanong ko lng kung pareho ba ang tibay ng magkabilaang gilid ng blade, yung sa banadang baba na may sharp edges at yung sa bandang ibabaw na wala...Na isip ko lang na baka mas matibay yung sa bandang baba kasi yun mismo yung ginagamit o naka diin sa pagputol ng bakal...

Clip:wink2:
ClipperMan is offline   Reply With Quote
Old August 8th, 2003, 11:32 AM   #27
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
ClipperMan,

May dalawang klase/uri nga ang mga saw blades, bi-metal at all hard. Sa bi-metal ito yung cutting area lang ang matigas at yung bandang taas ay medyo malambot lang. Sa all hard naman, ito yung buong blade ay pantay ang tigas. Makikita mo naman na naka tatak sa surface ng saw blade kung ito ay bi-metal or all hard.
earan is offline   Reply With Quote
Old August 8th, 2003, 11:28 PM   #28
ClipperMan
Member
 
ClipperMan's Avatar
 
Join Date: Feb 2003
Posts: 214
Posts: 214
vCash: 5500
Earan,
Salamat uli sa reply mo at mahalagang impormasyon...
Magpapagawa kasi ako ng tare this month para sa Stag season kaya konting research muna...

Clip
ClipperMan is offline   Reply With Quote
Old September 3rd, 2003, 05:34 AM   #29
kimora
Member
 
kimora's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 496
Posts: 496
vCash: 500
Re: Ultra Record

Bobot pre, musta na? Pareho pala tayo ng magiging tari, hehehe. Nakabili ako kanina ng mga blades. ULTRA RECORD Super H.S.S. Molybdene Vacuum Heat Treated Blade. Asul ang kulay at ang magkabilang dulo ay dilaw. Sana nga okay ang metal na ito para sa tari.
kimora is offline   Reply With Quote
Old September 3rd, 2003, 05:40 AM   #30
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
kim,
diba malapit ka sa factory ng WENGER,yung gumagawa ng swiss knives.kilala mo yung knife nila na SWIBO ang tatak.ang ganda ng material nun,yung steel na panghasa ang inam din.mukhang bagay sa longknife natin na panghasa kaysa sa arkansas stone.kaya nila kayang gumawa ng longknife natin?tamang mass production.proposal sa kumpanya nila,may branch sila sa makati.kung yung novartis swiss nga pumasok sa production ng gamot para cockfighting,siguro papasok din ang wenger company kung mainam ang ilalabas nila.
  Reply With Quote
Reply Page 1 of 2 1 2  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
asinta ng tari rollyramos Usapang Manok 811 November 21st, 2009 12:51 AM
MGA THREAD tungkol SA TARI banderado84 Usapang Manok 25 August 7th, 2008 07:18 AM
Lumaban Na Ba Kayo Ng Dalawa Ang Tari Nyo O Binigyan Kayo Ng Partida 2 Tari Kayo? Edwinski Usapang Manok 35 March 25th, 2006 01:53 AM
lagaring bakal para sa tari elmosfire Usapang Manok 8 October 27th, 2005 12:22 AM
English/Spanish Translations El Espaņol Chit-Chat 0 November 28th, 2004 10:57 AM


All times are GMT +8. The time now is 08:46 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy