![]() |
partylist sa 2004 |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Chit-Chat > partylist sa 2004
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
Senior Member
Join Date: Feb 2003
Posts: 639
Posts: 639
vCash: 500 |
Mga Kapwa Sabungero,
Sa tagal kong nag-aalaga ng manok ay napansin ko ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga patuka at medisina ng manok panabong. Sobra-sobra ang abuso at kasakiman ng mga tagagawa at taga-benta ng mga produktong ito. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mas mahal ang gamot sa sipon ng manok kesa tao. Bakit mas mahal Viminolak kesa Centrum. Ang presyo ng ibang patuka ay doble pa kesa bigas. Posible naman na mas mahal iba patuka kesa bigas, pero grabe talaga ang taas ng presyo nito. Walang price control sa mga produktong-pangmanok at tila walang pakialam ang gobyerno sa isyung ito. (Marami pa namang politiko nasa larong sabong.) Napansin ko rin na maraming sabungan ang hindi sumusunod sa building code. Marami sa mga ito ay giba na at delikado sa mga taong nanonood ng sabong. Ang sabong ay isang multi-milyong industriya at marami ang nabubuhay at nakikinabang dito. Ang sabong din ay para sa lahat na interesado sa larong ito at hindi ito dapat para sa maykaya lang. Sa tagal ng panahon ay wala akong napansing batas o programa ng pamahalaan na nagbibigay suporta sa industriyang-sabong. Di ba panahon na tayo ay magkaroon ng boses sa Kongreso para naman mayroong mangangalaga sa kapakanan. Milyon-milyon tayong mga sabungero at sigurado ang panalo kung tayo'y magkakaisa. Ano sey nyo? Ano dapat pangalan ng party-list natin? Neildivine * * * * * * * * * Inonominate ko si bay Emoy Gorgonia bilang isa sa mga representatives. Sa tingin ko ay isa siyang mapagkatiwalaang-tao at hindi sugarol (bisaya pod). Huwag iyong sugapa sa sugal at mga trapo at siguradong wala tayong mapapala sa kanila. |
|
|
|
|
|
#2 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
pre ang ganda ng post topic mo, ewan bakit walang nag rereact.marahil ganyan din nang yayari sa mga nakapwesto sa gobyerno hindi rin nila alintana ang masyadong mataas na
presyo ng patuka, aba e mantakin mo na mahal pa nga sa presyo ng bigas.palagay ko rin medyo tama ang sabi mo na pananamantala na yan.pakiramdam ko kaya hindi nag rereact ang mga kasama nating sabungero na nasa pwesto dahil sa pag gumawa sila ng hakbang tungkol sa may kinalaman sa panabong,e walang susuporta na nakapwesto dahil ang tingin nila sa panabong at sabungero ay sugal at larong barbaro. bakit nga ba walang price control?maganda idea mo pre igagawa natin ng artikel yan sa magazine, baka may magising!mga kaklase sa sabong na pwedeng makatulong,para satin lahat ito. sang ayon ako sa iboboto mo pre, |
|
|
|
#3 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Baka kung ano pang kalabasan niyan kapag ikaw ang nagsulat.:lol:
|
|
|
|
#4 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,221
Posts: 1,221
vCash: 500 |
mga kakmeyts.....huwag na kayong magtaka kung bakit mahal. ang market ng feeds,vitamins and medicine ay confined lang sa sabong world and poultry. ibig sabihin limited ang market hindi pang mass produce. kung mayron kang piece of land at taniman mo ng sunflower imbes na palay, eh kung hindi mabili, hindi mo pwedeng isaing . ang market ang nag didikta ng presyo ng bawat bagay.
|
|
|
|
|
|
#5 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
yang bone at fish meal na ginigiling at inihahalo sa mga patuka ay may kamahalan din.yang mga wheat at barley na yan at ibang grains na hindi munaman mapatubo sa pinas at mapagbunga ng maganda ay patuloy mong iimportahin sa ibang bansa dahil nga hindi kabi sa klima ng pinas,KAYA MAHAL!:lol: sa pinas lahat tumataas,PANTY lang ang ibinababa
![]() |
|
|
|
#6 |
|
CyberFriends
Join Date: May 2002
Posts: 2,878
Posts: 2,878
vCash: 2000 |
bwahahaha! :lol:
|
|
|
|
|
|
#7 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
correct kayong lahat mga bros!
nadali ni lieper ang sagot. dahil ang supply e limited at unlimited nman ang quantity na kailangan ng mga sabungero, e pataasan ng presyo na. alam nila na kahit mahal ang presyo bibili pa rin tayo. kung sa economics pa, inelastic tayo dahil alam na natin na may price hike e hindi pa tayo nagrereklamo. panty lang ang bumababa. |
|
|
|
#8 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2002
Posts: 1,190
Posts: 1,190
vCash: 13278471606818 |
Sir Tsam,
Lumang Panty yon kaya binababa:lol: |
|
|
|
|
|
#9 |
|
Senior Member
Join Date: Feb 2003
Posts: 639
Posts: 639
vCash: 500 |
Mga kapwa sabungero,
Maraming salamat sa inyong mga sari-saring opinyon, ito ay nagpapakita na tayong mga sabungero ay independent-minded. Medyo mahirap talagang magtayo ng isang party-list ng mga sabungero ngunit sayang ang dami natin kung wala tayong representasyon sa kongreso. Ito po ay opinyon at suhestyon ko lang at wala po akong intensyong magdulot o magsimula ng alitan. Nais ko lang pong magkaroon tayo ng magandang palitan ng opinyon tungkol sa isyung ito. Salamat, NLDVN *** Binoto ko dati Bayan Muna pero puro lang sila protesta at walang nagawang mabuti para sa ating bansa. Sayang din ang boto ko sa 2004. |
|
|
|
|
|
#10 |
|
Member
Join Date: Mar 2003
Posts: 491
Posts: 491
vCash: 500 |
:crazy: |
|
|
|
|
|
#11 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
KUNG problema lang ng patuka ang kamahalan nila ay maghintay pa tayo ng ilang taon at bababa ang presyo ng mga iyan. dahil sa laki ng industriya natin ay madaming kumpanya ang naglalabas ng ibang brand ng patuka sa manok panabong. pag maraming kakumpetensya ay syento porsyentong maaapektuhan ang presyo ng bilihin ay bababa.
|
|
|
|
#12 |
|
CyberFriends
Join Date: Sep 2001
Posts: 338
Posts: 338
vCash: 500 |
Law of Supply and Demand...
Malaki nga ang supply pero madami din ang players sa industry na ito... Nandyan ang BMEG, ThunderBird, Sagupaan, Ninja, Sun Jin, Vitarich at iba pa. Sa mga gamot naman ay ganoon din. Marami ring players. Kung paka-susuriin ang mga Ads ng patuka, iba't iba na ang gimik. Kesyo itong brand na ito ay may dagdag sangkap na ganito at ganito ang magandang epekto sa manok, etc. Isa sa mga nagpapataas ng presyo ng patuka ay ang marketing expenses. Sa pangalan na rin nagkakatalo. Kaya ang dapat sa wais na sabungero ay pumili ng mas mura ngunit epektibong pagkain at gamot ng mga alagang manok. Ito ang magdidikta ng presyo ng mga produkto sa pagmamanok. Kapag nakahalata ang mga big players na mas marami na ang tumatangkilik sa small player dahil ito ay mas mura ngunit epektibo, ang kumpetisyon para sa mas mababang presyo ay iiral. Ang masama nga lang ay kung gagayahin ng mga kompanyang ito ang the BIG 3 sa oil industry na makakakuntsaba sa pagtataas ng presyo ng produktong langis. Pag ganito ang naging takbo ng mga produkto sa cockfighting industry, para na tayong iginigisa sa sariling mantika. Ang ating sandata o panlaban? Edukasyon. Pag-aralang mabuti kung ano ang mainam na timpla ng patuka. Doon na tayo sa mas mura ngunit kapareho lang ng mas mahal ang sangkap protina, mineral at kung ano pa. Marami na akong nabasa na nagsasabi na kasing effective din ng mix na walang conditioner concentrate ang mix na may conditioner. Kaya sa aking feed mix ngayon ay sinusubukan ko nang alisin ang conditioner. |
|
|
|
|
|
#13 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
eto SOLUSYON diyan,bwe,hehehehe!sa packaging dapat nakasulat ang GENERIC name,hehehehehe!tapos sa lahat ng tindahan ng poultry feeds may listahan ng mga produkto na may katugmang generic name,tapos yuong PRESYO!yung publiko maiinform kung anong mura na kaparehas ng mahal na produkto pero PAREHO ng generic content,bwe,hehehehe!nasasa publiko na kung ano ang pipiliin nila sa LISTAHAN.:lol: :lol:
|
|
|
|
#14 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
.. unang naisip ko diyan sa patuka, dalawa lang naman ang basehan 16% at 18% crude protein. susunod na lang dyan ang carbohydrate content.. malapit ka lang sa dalawang basehang
yun gaano man ang presyo dapat ay okay na. ito ang pinilit palabuin ng mga established feed brands. kaya pag ikaw ay di nagpapakain ng thunderbird.. may magsasabi pa sa iyo.. kawawa ka naman, huwag ka na lang magmanok.. magpato ka na lang or mag-gansa.:blush: |
|
|
|
#15 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
totoo yan vulture
mentalidad kasi yan ng sabungero, na kailangan maibigay ko sa manok ko ang pinaka mainam na kailangan nya.
|
|
|
|
#16 |
|
Senior Member
Join Date: Feb 2003
Posts: 639
Posts: 639
vCash: 500 |
Sa tingin ko ay marami pang mga isyu sa pagsasabong at hindi lang ito limitado sa mga patuka at gamot. Katulad ng pag-import o pag-export ng mga manok-panabong. Ang mga big-time at small-time breeders ay siguradong may mga mahalagang concerns na di nakikita ng isang ordinaryong magmamanok. Baka pwedeng magkakaroon ng batas na mag-exempt/magbawas sa buwis ng mga imported na sangkap ng patuka.
Siguro ay pwede nating pag-uusapan ang iba pang mga importanteng isyu o ano mang mga bagay na possibleng makakatulong sa industriya ng sabong kung sakaling magkakaroon tayo ng party-list. Possible ring may mga bagong isyu o pagbabago na makakaapekto sa lahat sa darating na panahon. Mahirap din kung hindi tayo sasabay sa panahon at maging complacent lang. Ang sabong ay umabot sa ganitong popularidad dahil sa pagiging dynamic nito at sa mga makabagong sistema sa pag-aalaga ng manok. Kung sakali lang naman. Ito po ay isang opinyon lang. |
|
|
|
|
|
#17 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
.. kung susuriing mabuti ang party-list para sa sabungero
sa 2004 ay huli na. mahalagang mayroong mga isyung magbibigkis talaga para sa mananabong. presyo ng patuka? kaluwagan sa importasyon ng fowl materials? mayroon ba talagang hinaing ang mga mananabong/breeders? sapat ba ito para magkaroon ng pagbubuklod?.. kaya ba nitong pagsamahin ang UCAP at NCA? |
|
|
|
#18 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,221
Posts: 1,221
vCash: 500 |
neildivine.......maganda ang iniisip mo pero ano naman ang maitutulong nito baka katulad din ng sabi mo na bayan muna ang binoto mo pero protesta lang ang ginawang agenda. nagtatanong lang!!!!!!
siguro mas maganda pa ang magtayo ng kooperatiba ang member dito sa board at siguradong bababa ang brand name na patuka. |
|
|
|
|
|
#19 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Sang ayon ako na dapat may rep ang sabungero sa tong, este, kongreso. Yung national breeders' association ba yuon, yan sila ang dapat mag-organize ng Partido. Kahit sino sa kanila sige lang...kung piliin nila si Emoy ayos din. Sige, bakasakawaling ayos at makatulong sa sabong ng Pilipinas.
Kidd |
|
|
|
|
|
#20 |
|
Member
Join Date: Apr 2002
Posts: 317
Posts: 317
vCash: 500 |
sang ayon ako sa mga sinabi ninyo.puro halos imported ang inihahalo sa mga patuka ng manok .medecina at kung ano-ano pa...kaya sa mamimili ipinapasa ang mga ito...
sinubukan kong magtanim ng agentinian flint corn..hindi umubra..kaya sa laki ng overhead ko sa manukan kailangan ko ng kakampi o i cull ang hindi uubra...:hombre: |
|
|
|
|
|
#21 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
I Agree!
sang ayon ako na mgkaroon ng rep ang mga breeders sa congress..hindi pa naman huli ang lahat. takbo muna para may action. sport natin to at dapat ay magkaisa nman tayo. pakikinabangan talaga ng lahat kahit na ang hindi mga breeders. it'll help the circular flow of our economy. think of it bros. paki spread nman ng news sa mga high ranking officials ng mga sabong orgs like nfgb.. cockfighting in the phils is a multi million sport.
cyberfriends, waytcha say? |
|
|
|
#22 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
An dami ng cockers sa congress bakit nangangarap pa kayo ng partylist sa mga cockers, sa upper house nga(senate) nandyan na si boy agimat, sa lower house naman nandyan, si Peping C..Chiongbian,Albano,Lazatin etc. madami!
Wala lang talaga silang ginagawang tulong sa pagmamanok, dahil mas marami pang mga ibang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kesa sa mga manok lang. Si Rolly Polly nalang ang itulak natin sa congreso....i min itulak palabas (exit):lol: |
|
|
|
#23 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
hahaha.. teka teka. pag PRESIDENTE na si BOSS DANDING kailangan pa ba ng PARTY LIST?
ano masasabi mo cabaleng Ebun Texas? yeheey!:rbounce: |
|
|
|
#24 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Alam ko yang tinutukoy mong clone ni Danding!
walang iba kundi so Rolly Polly!!!!!!!!:lol: |
|
|
|
#25 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
.. he he, wala akong sinasabing ganyan.
![]() yung original ang sinasabi ko. kaya lang pag PRES na siya disqulified dapat sa derby. nagkalat sigurado snipers.. kalabang manok ang puntirya.:lol: |
|
|
|
#26 |
|
Member
Join Date: Mar 2003
Posts: 50
Posts: 50
vCash: 500 |
kontra pelo
e sayo lang naman lumalabas na mayabang si rr pero para sa amin hindi dahil totoo ang sinasabi nya, at napatunayan nya na magaling ang manok nya. yun lang pag punta nya sa san mateo isang patunay yun na lalaki sya di tulad ng kumakalaban sa kanya na mainam lang sa keyboard tulad mo. kung mainam ka sana sumipot ka hindi yung panay ka dak dak.ginugulo mo lang bawat topic na matino.
|
|
|
|
|
|
#27 |
|
Senior Member
Join Date: Sep 2002
Posts: 671
Posts: 671
vCash: 500 |
law of demand and supply yes, isa itong dahilang.
pero pwede naman nating isipan ng mga paraan para bumaba ang pant_ este presyo. party list? pwede rin. Kung meron, boto ako! another, yung mga assosasyon ay pwedeng gumawa ng sarili nilang patuka at distribute sa members. hehehe sir Wintuha and oplod. malapit nang matimpla ng UBBA ang sarili nilang patuka. fish meal, bone meal, pasta maker for pelletizing. eto ang mga nabasa ko sa concept. medyo matagal pa siguro pero kayo dyan baka gusto nyo na ring gumaya, mauna pa kayo. LC |
|
|
|
|
|
#28 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
seryoso ako.. kung magiging presidente ba si
E. Cojuangco Jr., na kilala na nating great mananabong, kakailanganin pa ba natin ang party-list representative? alalahanin natin na ang party list ay nilagay sa constitution para sa disadvantaged sectors ng society.:blush: kung mga tarrifs and importation procedures lang ang isusulong.. kayang-kaya na yan ni future PRES ECJ.:hat: LC, lamang ka kay ECJ.. PRES ka na.. namin! he he |
|
|
|
#29 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,221
Posts: 1,221
vCash: 500 |
Kung manalo si Danding...
Dapat ang maging commissioner ng cockfighting ay isag tunay na sabungero at hindi political appointee lang. Dapat ang sec of agriculture at bureau of animal industry ay may alam din tungkol sa pag sasabong. Tungkol sa pag import ng manok, simuman na individual o korporasyon na may roon ng anim na buwan na operayon ay pwedeng mag import ng manok. sinasabi ko ito dahil sa itaas ng thread ay nabanggit ito. totoo na domimante ng mga broker pagdating dito.ang punto ko ay marami rin dito sa state na member ng board at mga kamg anakan,kaibigan ng member diyan sa pinas.mag apply kayo ng permit para sa importasyon at dito naman sa inyong mga kakilala ang kukuha sa breeder at mag aayos ng paper work sa airline. sa ngayon ay halos ang broker ang may hawak. kung magawa nyo na kayo ang mag ka permit ay malaki ang mababawas na gastos sa shipping. ang presyo ng manok ay dpende rin sa mga pangalan ng breeder pero mayron na ibang breeder na mahusay ang stock. |
|
|
|
|
|
#30 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,221
Posts: 1,221
vCash: 500 |
Kontrapelo... magandang araw/gabi sa 'yo.
na create na ang position na iyan at nag karoon na rin ng batas sa pagiging legal ng sabong. si serg capistrano ay dating commissioner, kaya ang kailangan natin ay tao na may kinalaman at simpatiya sa larong ito ang malagay dyan sa puesto. sa importasyon ay mayron tayong adminitrative order no. 23 series of 2002 tungkol sa pag import ng manok. kp, i enjoy reading your post and stay on course, just hit on the belt line. |
|
|
|
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| Cyberfriends 4 Stag Derby on Sept. 17, 2004 (English Version) | joey bravo | Chit-Chat | 74 | September 22nd, 2004 12:35 PM |
| Cyberfriends 4 Stag Derby on Sept. 16 and 18, 2004 | joey bravo | Usapang Manok | 210 | September 16th, 2004 07:25 PM |
| Bakbakan 2004 National Stag Derby | darandaran | Sabong News | 0 | August 31st, 2004 05:31 PM |
| World Slasher Cup 2004 II | Sentenciador | Sabong News | 9 | June 16th, 2004 05:43 AM |
| All is set for World Slasher Cup Int'l 8-Cock Derby 2004 | Sentenciador | Sabong News | 4 | January 20th, 2004 05:02 AM |
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media