![]() |
rekomendadong mga sabungan sa maynila at kalapit lungsod |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > rekomendadong mga sabungan sa maynila at kalapit lungsod
![]() |
Page 1 of 4 1 2 3 4 > |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
rekomendadong mga sabungan sa maynila at kalapit lungsod
mga pare,alin bang mga sabungan ang maiirekomenda nyong maayo at mahusay ang management at malinis ang facilities?aling mga sabungan ang may mahusay at FAIR kahit sa mga dayo na referee o sentensyador?aling sabungan ang mababa o halos walang insidente ng mga SABITAN ng pusta at bayaran?aling sabungan ang malinis ang facilities at malinis ang mga comfort room?aling mga sabungan ang mainam ang matching at hindi masyadong malalim ang logrohan ng mga dehadong manok?feeling ko kasi may mafia kapag palaging sampu anim ang tawagan tapos palaging panalo ang llamado,LUTONG MACAO ang laban ikanga,hehehe!:lol: :lol:
|
|
|
|
#2 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
meron ba?
preng tsampoy meron ba? hehehe ikaw naman ,hindi ko mabanggit mga anomalya kasi lantad pangalan ko, opssssss tago muna ako sa alyas na FOR THE BOYS AT PAMBIGAS, :lol:
|
|
|
|
#3 |
|
Senior Member
Join Date: May 2002
Location: PASSI, ILOILO , TORONTO,CANADA
Posts: 2,113
Posts: 2,113
vCash: 400 |
San Mateo Cock pit of Chili_SM is one of the best.
|
|
|
|
|
|
#4 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
okey yon a preng rolly,hehehe.lahat tayo gustong manalo.pero hindi masamang matalo kung ang laban ay DIKIT!dito mo talaga makikita ang husay ng match maker.hindi masamang mag negosyo ng laban paminsan misan,gaano kadalas ang paminsan minsan,hehehe.ika nga ay for the boys and maintenance of the house.pero huwag namang majority ng laban ay lutong macao.halata mo kung ang laman ng sabungan ay puro LAON,sobrang GULANG,at TAHIRAN.madalang ang sultada dahil sila nag gugulangan.kung hindi malaki ang manok ng isa maliit naman ang kalaban o vice versa.minsan nakakawalang ganang mamusta sa ganitong uri ng sabungan.natalo kana ay asar na asar ka pa.:angry:
|
|
|
|
#5 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
hehehe
pusang ina, pre ang galing mong tumunog ,alyas palang huli mo na,ganito kasi yan pag kumita sabungan maglalaban ng for the boys , alam na kung alin ang kakatayin, at pusta na lahat ng taga loob, at pag hindi kumita ,diskarte naman pambigas man lang ,last fight lutong macao. opssssss, hindi naman araw araw ,maraming diskarte sa loob ng sabungan, gaya ng kindatan ng mag kumpareng mananari, isang kindat lang alam na pupustahan. karyuhan sa sentensya patay na tumutuka pa, delaying taktik, at pasok dalire sa sugat,pang ilalim o pamato na manok sabungan, kailangan matalas pang amoy mo para makasabay ka ng pusta, pero pag humugong di itutuloy ,hugas kamay. pag lumusot patok.meron pa nga cash bayad mo pag natalo ka pero pag nanalo , ang tagal ng pag kubra, minsaan tseke ,minsan antay ka kasi sumabit, sungkitin mo sa kisame hehehe:hippie:
|
|
|
|
#6 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
sungkitin sa kisame,hehehe.parang post dated check yan preng rolly,nakasabit sa poste ng meralco,hehehe.o kaya namay promisory note,promising to pay the amount on year 2010!uso pa kaya ang sabong noon!o kaya namay parang bombay ang bayaran,piso isang araw,hehehe.sinong maunang mamatay sa asar edi talo!naaaaaaaaaaaman!saan ba yaang mga sabungan na yan na uso ang mga SABITAN?saan ba yaang mga sabungan na yan na mahilig magbayad ng checke.isipin mo na lang na lumalaban ka ng cash to cash basis tapos minsan kang manalo checke pa!abay para kang IGINIGISA SA SARILING MANTIKA nyan!hehehe.:rbounce:
|
|
|
|
#7 |
|
Member
Join Date: Nov 2002
Posts: 65
Posts: 65
vCash: 500 |
Kung hackfight lang, para sa akin, magandang magsabong sa LALOMA. Ang daming fighter,,hehehhe..Lalo na dala mo medyo Asil Looking,,ayhhhh ang sarap pumusta,,,hehehhehe
Tyaka kung malaki pusta mo at medyo balikat ang pagkamanok, maikakasa ka. Kaya lang sabi nga nila, di naman perfekto ang mga sabungan. |
|
|
|
|
|
#8 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
last time i was in laloma was way back 1999,luma na yuong sabungan.pina remodel na ba?
|
|
|
|
#9 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
subukan nyo sa taguig ok don pati ang mananari kc experience ko na yan minsan nakalaban pa namin tagaloob talaga ng sabungan ok ang sentensyador parehas kung magsentensya. basta try nyo lang malinis talaga don. kaya lang sobrang dami ng manok lalo na pag araw ng lingo pag alas dyes ka pumunta sigurado nasa pang 60 laban ka na...
|
|
|
|
#10 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Maganda rin ang mga pasilidad at at pamamalakad sa Roligon.
|
|
|
|
#11 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Malanday ang pinakamalinis na sabungan sa buong metro manila at protektado pa ang mga tahor sa mga mananabit. Kung malakasan naman na pusta, ang marerekomenda ko ay Mandaluyong Coliseum (UCAP) at Pasay Cockpit. Pero ako sa laloma nag hahackfight, libre kasi ako doon at kilala ko pa ang mga manghaharang!
|
|
|
|
#12 |
|
Member
Join Date: Nov 2002
Posts: 65
Posts: 65
vCash: 500 |
TSAMPOY........ganun pa rin ang Laloma, nadagdagan lang ng cockhouse
ULYSSES.... baka nagkikita pa tayo sa Laloma o di kaya magkakilala.Kaalis ko lang ulit nitong April. Alam mo na,balik trabaho para may pang-hobby,,hehehhe. Parati akong nagbibitaw dun. Etong nakaraang Mar, 30 na manok yung nilaban ko dun. Naka-hat akong Blue parati Pasensya na mga Sir at medyo naiba... CHEERS |
|
|
|
|
|
#13 |
|
Senior Member
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,851
Posts: 1,851
vCash: 500 |
sabungan...
If ayaw mo madaya ka, iwasan mo ang Laloma. walang matinong sentenciador dyan, pero totoo naman na maganda kasahan dyan, at malaki gradas. Kpag bigtime ng Laloma kalaban mo kalimutan mo na mananalo ka, papatay na kalaban mo at konti lang tama manok mo, magugulat ka sisigaw manok mo sabay suka ng dugo... kakaiba dyan... payroll management yan eh. Yung mga Sentenciador dyan usually have experienced being beaten by cockers na matibay ang dibdib...
Malanday (Valenzuela Cockpit and Sports Arena), napakaganda at malinis. The design of this pit was copied from Roligon kaya presko talaga, masarap ang food sa canteen kasi ang owner owns a classy restaurant. Sentencia is quite ok, pero not really that fair... if umabot sa photo finish asahan mo taga-malanday ang mananalo. Mandaluyong Cockpit, yung maliit na sabungan sa Shaw Boulevard is one of the most fair pits i have seen. Sentensya can never be more fair. Once birds are released the owner are placed inside a cage, and only the sentenciador will be allowed to be in the fight scene. Even the grooming ng mga sentenciador eh angat parang nagtatrabaho sa casino ang uniform nila. Never have you heard na meron pinaboran sa laban. The downside, medyo mahina ang kasahan... |
|
|
|
|
|
#14 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
maraming salamat kaibigang swallow sa mga great tips mo.ayan mga kaibigang sabungero,malinaw na malinaw ang mga tip ni swallow.being FAIR sa sentensiya starts with proper clean facilities.na pag responsable ang management sa kalinisan ng sabungan ay malamang na responsable rin sa fair na sintensiya.malamang din na ang maruruming sabungan ay may maruruming pamamalakad at bulok na sistema,PERO HINDI LAHAT!kaya nga tayo nag tatanong dito para magkaroon ng malinaw na survey para ang mga balikbayan sabungeros at mga dayo sa ibang lugar o probinsiya ay makaiwas sa mga katiwaliang ito.so i`ll vote for mandaluyong pag ganyan ang feedback,hehehe!:hippie:
|
|
|
|
#15 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
yuong mandaluyong ba sa shaw ay yuong mga nakatayo ang manonood,walang upuan?at yung mga capitalista at pinapaguhan para sa dehado ang nasa bleacher nakaupo?hindi ko na maalala sa tagal ng panahon,hehehe!:lol:
|
|
|
|
#16 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Ang problema lang sa Mandaluyong (shaw) ay masikip at hindi ganon kalinis ang sabungan. Ang gusto ko lang sa pasabong nila ay kapag lumagpas ang bitaw ng manok sa guhit, magsalpukan o hindi ay tabla na ang laban. Kaya hindi puwede ang bitaw na subo...miki bihon nga pala nila gusto ko rin hehehe...
BHOK, malamang magkakilala nga tayo, regular ako sa laloma doon ako lumaki |
|
|
|
#17 |
|
Senior Member
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,851
Posts: 1,851
vCash: 500 |
hindi naman...
totoong maliit lang yang Mandaluyong...at medyo masikip yan...hahaha
one thing worth mentioning, mahaba lagi ang pila dyan sa sabungan na yan kasi nga known yan sa fair play kaya dinadayo ng marami.... |
|
|
|
|
|
#18 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
naglaban na utol ko dyan sa mandaluyong. ok naman yung kasahan dahil sa ulutan pa lang ay malalaman mo na kung may pusta o wala yung kalaban. iba yung pila ng P11,000 pataas kaysa sa pila ng P11,000 pababa. parang international daw ang dating kasi pag binitawan mo yung manok ay papasok ka na sa isang pinto dun at hindi ka na makakalapit dun sa manok hanggat hindi pa nasisintensyahan. nanalo naman yung manok na nilaban ng kapatid kahit dayo kami galing bataan. nagulat nga yung kasador sa layo nung pinanggalingan ng manok. kaya masasabi kong parehas ang sentensya kasi nanalo kami. he!he!he! pero in fairness parang nakikisabay sila sa level ng mandaluyong coliseum.
|
|
|
|
#19 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
para sa kin maraming matitinong sabungan
ang prblema ang mananaring may pinapaburan, nako sa marikina kapag nagpatari ka sa mananari ng makakalaban mo , buti pa ikaw na mag tinola ng manok mo. sa isang banda yang sabungan na yan ang naging dahilan kaya natuto akong magtari.yang mga sentensyador dito sa laguna , aba marami na nababaril. pilit kasing ipinapanalo pag manok ng amo .o napustahan nila.santa quiteria ang daming mananabit dyan ,ako pag sinabitan pinababayaan ko na katwiran ko baka mas malaki gastusin ko . wag lang yung ako panalo tapos ako ang sisingilin, san mateo a ok yan , saludo tayo kay chito.lagi nasa ibabaw ng gradas yan ,bantay para parehas,
|
|
|
|
#20 |
|
3BCA
Join Date: Aug 2001
Posts: 555
Posts: 555
vCash: 500 |
Sa Cavite Coliseum walang manunuba dyan takot lang sila ki Revilla maganda rin ang facilities at mga cockhouses at presko sa Malanday dalawa ang Radas doon may maliitan at sa mga mapusta doon sa malaking rueda at may camera na-televised ka kahit yong tao sa labas hindi nakapasok dahil may bayad pa aside sa gate entrance at ang mga manunuba may mga photos sa wall ng sabungan naka-display yong mandaraya paglabas mo kung panalo ka sa h-way mismo sa sabungan may pampaswerte roon alam ninyo na kaya lang butas bulsa ninyo palaging talo hehehe.:hombre:
|
|
|
|
|
|
#21 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
ayos,dumadami ang feedback both negative and positive,hehehe.maraming maraming salamat sa inyo mga pare!saan naman ang pugad este sabungan na may pusakal na MANLALASON?
|
|
|
|
#22 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
manlalason
PITIK PALAY,,,,PRE di mawawala yan kahit saan , kakambal yan ng maniniyope.:hippie: .
|
|
|
|
#23 |
|
CyberFriends
Join Date: Mar 2002
Posts: 1,109
Posts: 1,109
vCash: 500 |
TAMA ANG COMMENT NG IBA SA MALANDAY. MALINIS TALAGA DIYAN AT MASARAP ANG PAGKAIN. KAYA LANG MAHINA NAMAN ANG PUSTAHAN DYAN PAG NAGPARADA KA DYAN 22-33K AY DI NA MAKAKASA.SI SARO ANG KASADOR DYAN MEDYO TAMAD AT MAY PINOPROTEKTAHANG AMO KAYA MEDYO DI KA MAKAKASA DYAN PAG MALAKI NA PUSTA MO. SA SABUNGAN NG DAMPALIT SA MALABON AY INA-ANYAYAHAN KO KAYO DYAN MAG SABONG WETHER HACK OR DERBY TIYAK MAKAKASA KAYO DYAN. MABIGAT ANG MGA MANOK DYAN. SINA PEPITO NGO (FATMAN), DADAY SIOCHI , OMENG TUNSOYA AY DYAN NAGLALABAN; KAHIT MAGKANO PARADA MO KAKASA DYAN.
DONG1967 |
|
|
|
|
|
#24 |
|
Senior Member
Join Date: Dec 2002
Location: LINANG
Posts: 717
Posts: 717
vCash: 500 |
ok na ok ang san mateo, may libre kape at pandesal pa. totoo ba iyon , chito
cesario |
|
|
|
|
|
#25 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
mga kaibigan,sa aking opinyon ang pinakamagandang at pinakamalinis na sabungan na napuntahan ko ay yung Pasay Cockpit.Maski magkano parada mo basta't nakita nila Butchoy at Eric na balikat ka sa laban ay ikakasa ka nila at kapag nakita ka nila na hold-up ang laban ay pupwera nila at pabababain yung manok mo.
|
|
|
|
#26 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
Kaibigan Bhok at Kaibigan Ulysses
Nag hackfight pala kayo sa Laloma. Naglalaban pa rin ba dun si "Cha Cha". Alam kong bihira na maglaban dun yun. Pero okay pag nananalo, chumachacha kada kikig ng manok. Mga kaibigan kung mabilisan ng laban sa Laloma pwede. Meron silang express ruweda. Hindi na kailangan mag antay sa linya. |
|
|
|
|
|
#27 |
|
Senior Member
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,851
Posts: 1,851
vCash: 500 |
additional...
sa mga manlalason well pinakamatindi dyan eh yung mga bigtime pits like Araneta and Roligon, kasi ang mga manlalason na yan me mga amo iyan na binibigyan ng tip, and usually ang pusta ng amo one bet lang tapos di mo na sila makikita sa sabungan... mga high tech pa yan, once nakain na yung lason tawag agad sa cell phone sa mga financier, kaya sugod na agad.
with regards sa kasahan sa Malanday, agree ako mahina kasahan dyan but if you match your bird against an equally competitive opponent kahit 66K makakasa ka dyan... my friend once fought against the bird of Viceo (Golden Disc entry), parada 165K, kasado nakantyawan pa ng baka meron pa...hehehe, it actually depends on the match... but true usually yung 33K hindi nakakasa lalo na if 5.5K lang parada ng kalaban... Malabon Pits: Dampalit( All Star Cockpit), madami ang pera dyan usually magugulat ka na yung katabi mo nakasando at sunog na sunog ang balat eh kung mamusta eh 55K... AnaRose, owned by the Siochi... maganda din kasahan actually tawid tulay lang ang Dampalit and Anarose. Maganda din ang sabungan at malinis... downside is most likely hindi ka babalik kasi mahaharang ka nila Siochi sa laban, kc majority ng manok sa ulutan kanila Patrick Siochi na...hehehe Matadero, Malakas din ang pustahan... at masarap ang pagkain na mura pa... esp yung morcon . maliit ang sabungan at medyo masikip. Pandayan, Meycauyan, no problem if center bet mo is around 22K-33K kasado yan... madalas me 2 cock ulutan 1100 pot, at 10K premyo during sunday, hindi masyado matindi ang labanan dito... additional plus factor is malapit lang siya sa Meycauayan exit ng North Luzon Tollway. Downside... napakainit na sabungan at medyo paloob ang location kaya magdududa ka sa safety mo. |
|
|
|
|
|
#28 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2003
Location: Silang, Cavite
Posts: 600
Posts: 600
vCash: 100 |
maayos at maganda s san mateo malawak ang parking....
s laloma mabilis ang laban k c meron silang express ruweda barya barya lang katalo n dun.... |
|
|
|
|
|
#29 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
mrpayperview
bihira na maglaban si chacha sa laloma. tsampoy sarado na ang san juan coliseum ito ang pugad ng mga manlalason at mambabali. swallow Hindi nawawalan talaga sa Roligon, minsan nag derby ako dalawa ang nakalusot, hindi bistado dahil dehado pa ang pang ibabaw. Lason at pitas kaliwa ang ginagawa nila. Usually 10K daw ang bayad sa gumagawa nito. Natutunugan namin kung sultada ang laban kasi kilala ng kaibigan naming kristo yung mga gumagawa sa roligon. |
|
|
|
#30 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
salamat ng marami mga pare sa mga malilinaw na balita at tips sa sitwasyon ng mga pangkasalukuyang mga sabungan sa maynila at kalapit lungsod.meron pa po tayong tanong.saan po bang sabungan nangyayari na nahoholdap o pinapaholdap sa daan pauwi ang mga derby winners?hindi po dito tinutukoy ang mga pit operators kundi ang mga klase ng taong naglalagi sa nasabing sabungan.madalas medyo babangain ng kaunti ang sasakyan mo sa gabi .natural hihinto ka ,e holdap na pala!hehehe!:rbounce:
|
|
![]() |
Page 1 of 4 1 2 3 4 > |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| pwedi kayang ipagbawal sa sabungan..? | 311newroad | Chit-Chat | 45 | August 20th, 2007 10:14 PM |
| panawagan para sa mga Sabungan... | etwin | Sabong News | 15 | March 31st, 2006 10:16 PM |
| Bayong na Manok sa Sabungan ano masasabi nyo? | stringfellow | Usapang Manok | 5 | April 17th, 2004 02:21 AM |
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media