![]() |
Llamado o Dehado |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > Llamado o Dehado
| View Poll Results: GK & GD in Visays for year 2005! | |||
| YES |
|
23 | 71.88% |
| NO |
|
1 | 3.13% |
| NO COMMENT |
|
0 | 0% |
| ANYWHERE IS OKAY WITH ME |
|
8 | 25.00% |
| Voters: 32. You may not vote on this poll | |||
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2003
Location: Las Vegas
Posts: 854
Posts: 854
vCash: 500 |
Llamado o Dehado
Alin ang mainam llamadista o dehadista? sino ang nagtatagal sa dalawa pagdating sa pera, say sa loob ng isang taon o mas higit. meron bang nagtatally dito.
cesario sir bigay mo ang e-mail mo at bigay ko ang PH # ko, pandesal at siopao lang ang binibili ko sa valerio may issue ako ng GC. malapit na ang b-day ko at manonood tayo ng sabong, sa TV nga lang. DD of Las Vegas |
|
|
|
|
|
#2 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Desert Dust
sorry pre, di ayos ang pagkaporma ng poll kaya di pwedeng botohan. llamadista ako pag nag-trabesiya pero pupusta ako sa dehado pag kursunada. |
|
|
|
#3 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2003
Location: Las Vegas
Posts: 854
Posts: 854
vCash: 500 |
Sorry
Vulture pre nagkamali nga ako, ang gusto ko lang malaman kung alin ang mainam sa dalawa, ignore na lang ang botohan. usapan na lang at magbigay ng opinyon. dehadista ako, doon kasi ako nakakalamang sa pusta at gusto kong naririnig ang Huli ka!!!!!!
|
|
|
|
|
|
#4 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
hackfights lang ang kaya ko ngayon so yun lang attend ko sa sabungan. karaniwan kasi yung malaking parada or meron ang llamado sa pustahan.. usually between 11,000 to 22,000 ang parada ng meron. sa wala naman usually minimum, 2,200 pataas. kung ang pusta ng wala ay kulang sa 5,500 ibig sabihin sariling palahi ang manok. bigay ng kaibigan or binili sa batangas o saan man ng di lalampas sa 1,500 or kahalintulad na halaga.. yung sa meron di marahil bababa sa 5,000 ang presyo na makikita mo sa parada. lamang sa breeding syempre ang sa llamado at may wingband. so yun, praktikal na sa llamado pumusta. yun ay kung di mahaharang. hehe..
|
|
|
|
#5 |
|
Senior Member
Join Date: May 2002
Posts: 2,655
Posts: 2,655
vCash: 500 |
Desert Dust;
May taong sarado-llamadista, merong sarado-dehadista, di na sila halos kumikilatis sa manok o sunod pa sa regla. Ako ay tingin sa manok at sa may-ari ng manok. Pusta ako sa llamado, pusta rin sa dehado. Pag malas ay nagpapalampas, minsan ay nakikinig sa regla. Pag mabigat na ang tawagan ay tiis ako sa hindi pagpusta pero sahod din konti para kung lumusot ang dehado may kabig pa rin. Mas madali akong makabawi pag sa dehado napapalagay. Konti lang ako matalo pero malaki pag nanalo. Mas lamang ako sa panalo mula ng matuto ako sa sabong. Kailangan ismarte at may kontrol sa pamumusta, hindi yung sagasa. I-enjoy dapat ang sport. Payo lang po! sawala |
|
|
|
|
|
#6 |
|
Senior Member
Join Date: Jan 2003
Location: CAVITE
Posts: 1,491
Posts: 1,491
vCash: 500 |
Mas lamang ang pusta ko sa liyamado maliban na lang kung kakilala ko yong manok na nasa dehado, sa akin kasing opinyon ( akin lang ha) di sila pupusta ng malaki kung yung manok na ilalaban nila ay di magaling , mataas ang uri at may presyo din , di ko sinasabing walang klase ang dehado at di magaling , pero kalilimitan sa mga hackfights pag batang stadium ( kilalang tao or may ari ng sabungan)na ang naglalaban sigurado na itong maliliyamado at bihira lang na masilat ang laban nila, pero pag nasilat ang llamado don mo maririnig ang palakpak at malakas na sigawan ng tao .
|
|
|
|
|
|
#7 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
diskarte lang yan sa dehado walang talo
to all cockmeyt, sa dehado walang talo. never akong umuwi sa pamumusta na natalo.(YABANG). pero totoo, heto ang sekreto:::::::::kung kaya ninyong gayahin 100% walang talo. pag nanamumusta ako unang pusta sahod,200 sa dehado, pag tumama ,malungkot ako kasi kung sa lo dyis tawagan 250 lang tama ko, pusta uli sa dehado uli 200 nag llamado natural talo ako, pero nakangiti ako, sultada uli ,sa dehado uli sahod doble ang pusta400 , nag llamado, mas nakangiti ako,tawagan uli sa dehado doble pusta sahod 800 nag llamado at natatalo ako mas natutuwa ako, tawagan uli sa dehado parin, doble pusta 1,600 , e nag dehado tiyak mas lamang ang panalo ko sa natalo dahil may logro. lagi lang sa dehado ang pusta pag tumama balik sa 200 pusta , pag natalo doble pusta. pero kailangan ang timming tignan mo rin kung maraming laban at kung medyo malaki na panalo sabay uwi, mas mainam sa bigtime derby ilaro tiyak may dehado lagi. kung sa malaking pera ka nag simula tiyak malaki din iuuwi mo, imposible kasing di mag karon ng dehado sa buong laban.
|
|
|
|
#8 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
parang mahirap ata yun ka rolly, ah! pero maganda yung philosophy mo. kailangan dyan mahaba ang pisi mo kasi panu kung nagregla ang llamado? nung nakaraan kasing nagsabong ako ay sumabay ako sa regla ng llamado, 8 dikit na llamado tinamaan ko pero steady betting lang ako P500 bawat sultada, yung sumabay sa akin nanalo ng P13,000 pero ayos lang sa akin kahit mas malaki tinamaan nya. di naman sugal ang hanap ko kundi libang lang.
|
|
|
|
#9 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
sabi ko nga kung kaya nyo
dapat talaga mahaba ang pisi, kahit reglahin pa yan imposible naman di matapos ang regla. kung buong laban ay di natapos ang regla ng llamado, malamang buntis yan at naagasan, hehehe.mas mainam nga na mag kabit kabit ang llamado , tapos one time lang mag dehado sabay ayaw,:hippie:
|
|
|
|
#10 |
|
Senior Member
Join Date: Nov 2002
Location: Kuala Lumpur
Posts: 1,562
Posts: 1,562
vCash: 500 |
:hat: ako dehadista rin pero hindi lahat ng sultada ay pinupustahan ko... pumipili lang ako ng talagang kursunada ko. kasi mas madaling kumuwenta ng pusta kapag sumasahod ka lang at wala ka pang kristong babalatuhan. kapag may kristo ka sa entrance fee pa lang talo ka na... kapag nakitang nananalo ka hihingi ng pambili ng kung anu-ano... yosi, tubig, pagkain, beer... plus pa iyong 10% niya... saka mas masarap ang pakiramdam kapag dehado ang nananalo hehehe...:rbounce: ako nga kahit sariling manok ang inilalaban ko ay hindi ko rin pinupustahan ng malaki lalo na't alam kong mapusta ang kalaban ko... isinasahod ko na lang ang ibang pera ko...
|
|
|
|
|
|
#11 |
|
Member
Join Date: Oct 2001
Posts: 138
Posts: 138
vCash: 500 |
tama ka rolly_rolly, ganyan din ang ginagawa ko ...sa akin pag lumalalim ang logrohan ay ina adjust ko ang sahod tutal ganon din ang tama at nakkatipid pa ako ng puhunan .....ang publema ay kailangan mo ng mahabang pisi at pag naka sahod kana at malapit ng bitawan ay nabaligtad ang tawagan......ikaw binabaliktad mo ba o hinahayaan mo nalang.........acmlot
|
|
|
|
|
|
#12 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
ACMLOT
basta walang alisan sa dehado , kung mag kontra barata, babaliktad ako sa dehado doon sa may logro. napagaan pang laruin, sahod lang ng sahod ,di kana mamamalat kasisigaw, di kapa mangangawit kasesenyas,di mo kailangan pati kristo.este tagapusta na nga pala tawag.higit sa lahat napakadali ipusta pera kahit lumaki pusta tiyak mapapalaban sasahod ka lang. ang nakikita kong talo ko sa sistemang ito ako lang lagi natatalsikan ng laway,gawa ng mga llamadista.
|
|
|
|
#13 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2003
Location: Las Vegas
Posts: 854
Posts: 854
vCash: 500 |
Tama dapat mahaba ang pisi, rolly pareho tayo ng formula, ganyan ang ginagawa ko nung nasa P.I ako at guam. lumilitaw na parang mas maganda ang dehadista kaysa llamadista kasi mas maraming umuuwing panalo. di ba mas maganda ang manalo palagi kahit konti kaysa naman manalo ng malaki na madalang pa sa patak ng ulan sa las vegas. sangayon din ako na kailangan puro dehado ka. kung kontra barata naman pwera ko ang pusta ko, ibig sabihin madehado. at isa pa pag mallamado mahirap makakuha ng pusta. karamihan sa mga nakikita ko na nagtatagal sa sabong ay yong mga dehadista, pero pag manok ko naman mahirap madehado lalo akong bibitaw at puti ang hawak ko, yun kasi ang signature ko hindi ako natatalunan ng puti sa first fight lalo na at ako ang nagpalaki, pero ayaw ko naman ang kulay, sa babae gusto ko eheheeh.
DD |
|
|
|
|
|
#14 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Nagiging honest lang ako. Ano ba ang ibig sabihin ng mga term na ito?
1. Sahod 2. Regla 3. Parada 4. Hackfight 5. Dragfight Maraming salamat! |
|
|
|
#15 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Napaka interesting kasi ng diskusyon nyo kaya lang di ko mahabol ang mga term na gamit nyo. Bagohan lang kasi ako. I hope you don't mind. Thnx again guys!
|
|
|
|
#16 |
|
Senior Member
Join Date: Dec 2002
Location: LINANG
Posts: 717
Posts: 717
vCash: 500 |
ka rolly,
tama ka roon, ginagawa ko iyan sa beto- beto tuwing may fiesta sa bayan namin. kailangan lang malaki ang capital, panalo ka nga dyan.hehe cesario |
|
|
|
|
|
#17 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
goldengalf
sahod,..... ito yung pag pusta sa dehado,ang llamado kasi ang tumatawag o lomologro, yung sumisigaw ng lo-dyis at iba pa.pag tinawag mo ito at isinenyas mo pusta mo ,ibig sabihin sahod ka at sa dehado ka napapusta,......REGLA, ito yung daloy ng trabisya o laban gaya ng isat-isa or lahat ng nasa wala nananalo or lahat ng nasa meron nananalo, or lahat ng puti paa nananalo or natatalo.or madehado o mallamado. ibig sabihin parang agos di mapigil na pangyayari sa laban at ng yayari ito, minsan ni isang talisain walang nanalo o natalo...........PARADA, ito yung amount ng pusta mo at pusta ng kalaban, may sabungan na kinukuha agad ang parada bago umakyat ng gradas at meron din sisingilin ka nalang pag natalo manok mo.........HACKFIGHT.......ito yung karaniwang ulutan o pintakasi...........DRAGFIGHT, ITO YUNG PATIKTIKAN ANG NAG LALABAN,patibayan,patapangan walang ayawan hanggang humihinga tumutuka,mga deadgame ang manok na umabot sa dragfight ,na halos mamamatay na di parin sumusuko.:hippie:
|
|
|
|
#18 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
Ka Rolly
Okay ang mga paliwanag mo kaibigan. Para sa mga baguhang sabongero, nakakatulong iyan. Eka nga iyan ang basics kaibigan. Maidagdag ko lang ang sinasabing "BALIKTARAN." Ang BALIKTARAN ay llamado ang tawag sa meron tapos biglang nawawala ang logro at tinatawag naman ay sa wala. Sa wala napunta ang logro. Nagkakabaliktaran ang tawag. Ang mahirap dyan ay pag nagbaliktaran ng mahigit isang beses, mapapansin nyong tumutulo ang pawis ng tagapusta dahil nakakalito. Pwede natinsabihin parehas llamado ang Meron at ang Wala. Pero ang huling tawag ang llamado. |
|
|
|
|
|
#19 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2002
Posts: 1,190
Posts: 1,190
vCash: 13278471606818 |
Sir Rolly may plugging kapa " LO-DYES " :lol: :lol:
|
|
|
|
|
|
#20 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
llamado o dehado
diskarte ko sa sabong, pag malaki kapital ko llamadista tayo pero
pag konti lang dehadista. Pag kontra barata dehado na lang ako, ibig sabihin parehas lang manok, sayang lang boses mo, sakit pa sa lalamunan. |
|
|
|
#21 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Pusta sa dehado. talo sa unang syam panalo sa pangsampung laban
Maraming salamat RR.
Ngayon naintindihan ko na ang iyong istilo katunayan gumawa ako ng table sa MS Excel ng pagpusta sa dehado lang. mahilig kasi akong magforecast Tutuong 100% mananalo ka dito kaya lang me kaliitan. Sa sampung laban na P200 ang iyong unang pusta, halimbawang talo ka sa unang syam heto ang mangyayari: Sa pangalawang pusta ay dodoblehen mo ang P200, P400 na pusta mo. Sa pangatlong laban doble na namen pusta, P800 na. Sa pang-apat doble na naman P1,600. Pang lima P3,200. Pang anim P6,400. pang pito P12,800. Pang walo P25,600. At pang syam P51,200. Hanggang sa ika syam na pusta mo na panay talo, aba'y malaki na talo mo P102,200 NA! Para mabawi mo yan halimbawang mananalo ka sa ika-sampung laban kelangan doblehen mo na naman pusta mo nung ika-syam (na P51,200) gawin mong P102,400. Sa "lo-dyes", ang P102,400 mo ay mananalo ng P128,000. Sa puntong yan, meron kang total na kakabigin na P230,400, (P128,000 panalo plus P102,400 na pusta). Laki no? Kasi laki din natalo sa yo. Sa example ko dapat meron kang P204,600 para makakabig ng P230,400 or net panalo na P25,800. Ibawas ang mga gastos, matitira a more or less 10% tubo ng pera mo in one cocking day! TAMA BA KO?!? |
|
|
|
#22 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Llamado
Sir Rolly;
meron ba tayong ganitong sistema sa Llamado? Thnaks |
|
|
|
#23 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
Kaibigan joekool okay yang system mo kaibigan. Kailangan ang boses sa kantahan sa kareoke pagkatapos maglaban. Bagamat baka naman naubusan ng boses ay pwede naman ang pullet ang kumanta sa kareoke. Kaya lang baka maubos ang panalo kaibigan.
Kaibigan goldengalf Martingale system yan sa casino ang sinasabi mong system. Bagamat minsanan lang magdikit ng sampu ang llamado sa sabungan, kadalasan nagdidikit din. Atsaka kaibigan meron akong kaklase dati sa Laloma at sa Caloocan, ginawa yang sinabi mo. Pagkatapos ng isang linggo, ubos 200k pesos kaibigan. Ang Martingale system ay mainam lang basta mayron kang maximum losing bet. Ingat lang sa pusta sa ganyang bagay. Mas maganda pang mag desisyon kang pupusta ng dalawang laban. Ilagay na lang natin na yung unang laban at ang pang sampung sultada. Pag panalo sa una. Tapos na. Uwi ka na o kaya manood ka na lang. Pag talo doble pusta sa pangsampu. Pili ka ulit kung dehado o llamado. bahala ka. Okay next time na lang ulit. |
|
|
|
|
|
#24 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
mrpayperview:
maraming salamat sa paalala. naniniwala ako sa sinsabi mo. bagaman malaki ang porsyento ng panalo sa sistemang Martingale e, sugal pa rin yan. walang nakakaalam kung hanggang saan posibleng magdikitdikit ang llamado. Mahirap na rin. Kung susugal ka na rin lang wag nang palalimin ang chances. Mas maagang natalo, mas magaan at mas madaling umatras. |
|
|
|
#25 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
llamado o dehado
paalala lang cockmates, huwag kalimutang bumili ng apple o lechon para sa mga misis. talo man o panalo.
|
|
|
|
#26 |
|
Senior Member
Join Date: Feb 2003
Posts: 2,713
Posts: 2,713
vCash: 100 |
Joekool parang yung utol ko
Kahit olat pag tinanong ng esmi nya parating panalo ang sagot sabay kagat labi:lol:
|
|
|
|
|
|
#27 |
|
Member
Join Date: Jul 2001
Posts: 194
Posts: 194
vCash: 500 |
goldencalf walang anuman.
joekool okay yan. Bty tama kailangan laging panalo sa harap ni misis para 'di umangal ang misis tungkol sa sabong. |
|
|
|
|
|
#28 |
|
Member
Join Date: Jan 2003
Posts: 68
Posts: 68
vCash: 500 |
mga bossing ang ganda ng inyong mga koro-koro maraming matutunan ang mga baguhan d2 pagdating sa pustahan . pero may isa lang akong sasabihin dapat din natin ang regla ng sabungan . halimbawa ay estret 7 ang dahado or estret 7 ang llamado kasi may mga sabungan na ganito lalo na sa kaybega pag december 23, 24 at 25 halos ganito lagi sa obserbasyon ko lang .
patz:rbounce: |
|
|
|
|
|
#29 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
pag sariling manok ang ilalaban...sadista ete DEHADISTA ako..pag pusta-pusta lang, my lucky feelings dictate,,sabi nga nila,,,.either of the two will dooo!
|
|
|
|
#30 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
reglista
sa laht ng mananabong dito masasabi kong lamang ako sa llamado dahil tinitingnan ko talaga ang manok at yung tao pero sumasahod pa rin... magulang ako sumugal konti dala ko kaya ko magboljak at magpalago... mahirap maging sarado llamado o dehado. pag nagdehado o nagllamado go with the flow pero pag malas talaga ako, hindi ako natama kahit san lumagay tigil na ko... pero mas tatagal ang dehadista dahil gusto malalim logrohan pero mas marami pera ang llamadista...
|
|
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| Metro Manila Derby Updates | jlbs72 | Sabong News | 377 | December 11th, 2007 02:02 PM |
| saan ka sa LLAMADO o sa DEHADO???? | eggnog_54 | Usapang Manok | 17 | December 18th, 2006 11:14 PM |
| Bakbakan Semi-Finals sa San Juan Coliseum | kahig | Sabong News | 113 | November 30th, 2006 10:05 PM |
| Llamado o Dehado | blackstone | Usapang Manok | 29 | September 14th, 2006 01:37 PM |
| regla dehado o regla llamado | rixsuabe | Usapang Manok | 2 | May 14th, 2004 12:17 AM |
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media