FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

TARI - Slasher Long Knife

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > TARI - Slasher Long Knife

Reply
 
Thread Tools Display Modes
Old April 18th, 2003, 07:35 PM   #1
vcampoo
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
TARI - Slasher Long Knife

Sa mga kakmates na marunong sa pagtatari o may alam sa klase, design o uri ng tari.

ano ang pinaka epektibong style at asinta ng pagtatari.

dahil marami ngayon dito sa atin na nagsasabi na mas maganda ang kanyang gawa na tari. lahat ng gumagawa ng tari ay sinasabi ito. nakakalito na kung ano ba talaga ang epektibo sa kanila.
ano ang masasabi ninyo sa tari na ang talim ay parang pak-pak langaw, malaysian at traditional na filipino long knife.
  Reply With Quote
Old April 19th, 2003, 05:01 AM   #2
Sundowner
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500
Pare ko...maraming importanting bagay ang dapat nating malaman tungkol sa pag gamit o pag kabit ng tari: (1). Style ng laro ng manok (manlilipad o grounder/shufller, (2) Hubog ng pa-a (Piki o sakang), (3) Pattern ng tari (high o medium point), (4) Configuration ng tari (manipis o malapad), (5) Tamang haba na ikakabit, at (6) tamang sipat. Para sa akin, walang pinaka magandang tari kundi yong tamang haba, tamang labad, tamang, kapal at tamanng asinta. Ngunit ang pinaka importanti sa lahat ay dapat ipalo..he he... May post akon'g sinulat dito tunkol sa subject for the past three years or more. Para sa akin hindi ko gamitin ang malapad na tari sa batang manok unless malakas itong pumalo... Kasi ang malapad na tari pag tumama sa likod ay hindi masyadong baba-on. Medyo maiksi na medium point lang ikinakabit ko sa mga shullfer o makikig para hugot ka agad. Tamang haba naman na hight point sa mga manlilipad. Basta asinta ay puit (huwag sa babae ha)? ha ha ha... at mapurol lang ang kailangan dito. he he he, he he he....:rbounce:
Sundowner is offline   Reply With Quote
Old April 19th, 2003, 09:32 PM   #3
vcampoo
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Sonny

maraming salamat sa info mo...
  Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 04:08 PM   #4
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
pakpak langaw

sa aking personal na opinyon ako ay hinde sang ayon sa disenyong ito. para sa akin ang dulo dapat ay maliit at matulis lang para sa easy penetration.
yung ipinakita ni mang Carding na hiwa ng pakpak langaw ay tama yun kung ang pag hiwa ng manok ay kagaya ng ginagawa nya na "palabas". para sa akin ang disenyong ito ay nangangailangan din ng mas malakas na pwersa or penetrating force.
sa aking personal na pag aaral nakikita ko na ang paghiwa ng manok o yung tinatawag na slashing action ay pahila or pahatak. kaya naniniwala ako na kahit yung disenyo ng gaff ay lagyan mo lang ng talim ay pwede na (exaggaration just to show my point).
agree din ako dun sa sinabi ni Sundowner na kapag medyo bata pa or stag pa lang dapat mas maikse at makitid at kabaliktaran naman duon sa cock.
dapat talaga na ang bawat isa ay personal ring nag aaral para maintindihan ang tamang disenyo, kurba, haba, lapad, at uri ng bakal na gagamitin. dahil ang tari at pagtatari ay isang napakahalagang aspeto ng pagsasabong.
earan is offline   Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 10:46 PM   #5
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
pak pak langaw

pak pak langaw, para sa akin mas gusto kong ikabit ang matulis ang dulo, yung parang karayom ang tulis, mas mabilis itong pumasok.ang pak pak langaw ayon sa nag turo sa akin mag tari ay ginawa para safety ng upahang mananari, kasi noon ang tari ay di pa gaanong mainam ang bakal tulad ngayon kaya sa ilang pang yayari natitiras o napuputol ang dulo ng tari at napapagalitan ang may ari ng tari o nagtari. ang pak pak langaw ang sulusyon medyo malapad ang dulo, di matitiras ang dulo.kung gusto mong malaki ang damage ng kalaban gumamit ka ng highpoint,malapad na tari,at medyo may bigat para sa impak, pero siguraduhin mo na malakas ang manok at kaya nyang buhatin ang tari, subukan mo ito, ipahawak mo sa bata ang mabigat na panaga o kutsilyo,sayo yung magaan, kahit mas malakas ka sa bata mas malalim pag kakataga ng bata,(MEDYO MAY BIGAT HINDI NAPAKABIGAT NA TARI):hippie: ASINTA,,,SA PAGITAN NG 1 o"clock kung flyer, at 2 o'clock kung shuffler medyo maigse gamitin.:hippie: depende parin sa gustong asinta pero madalas nag lalaro sa 1 o'clock at 2 o'clock.. palala uli magaan na tari sa stag o mahinang pumalo.
  Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 10:56 PM   #6
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
pak pak langaw

pak pak langaw, para sa akin mas gusto kong ikabit ang matulis ang dulo, yung parang karayom ang tulis, mas mabilis itong pumasok.ang pak pak langaw ayon sa nag turo sa akin mag tari ay ginawa para safety ng upahang mananari, kasi noon ang tari ay di pa gaanong mainam ang bakal tulad ngayon kaya sa ilang pang yayari natitiras o napuputol ang dulo ng tari at napapagalitan ang may ari ng tari o nagtari. ang pak pak langaw ang sulusyon medyo malapad ang dulo, di matitiras ang dulo.kung gusto mong malaki ang damage ng kalaban gumamit ka ng highpoint,malapad na tari,at medyo may bigat para sa impak, pero siguraduhin mo na malakas ang manok at kaya nyang buhatin ang tari, subukan mo ito, ipahawak mo sa bata ang mabigat na panaga o kutsilyo,sayo yung magaan, kahit mas malakas ka sa bata mas malalim pag kakataga ng bata,(MEDYO MAY BIGAT HINDI NAPAKABIGAT NA TARI):hippie: ASINTA,,,SA PAGITAN NG 1 o"clock kung flyer, at 2 o'clock kung shuffler medyo maigse gamitin.:hippie: depende parin sa gustong asinta pero madalas nag lalaro sa 1 o'clock at 2 o'clock.. palala uli magaan na tari sa stag o mahinang pumalo.para mabuhat ang tari.
  Reply With Quote
Old April 21st, 2003, 11:44 PM   #7
vcampoo
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Earan, Rolly

Maraming salamat sa mga advice kasi sa aming mga baguhan eh kailangan malaman naming kung ano talaga ang epektib na klase ng tari at pagasinta nito para ng sa ganun ay di kami maloko ng mga magtatari. Dahil hindi lahat ng mananari ay tapat sa kanilang ginagawa. Maaaring kakutsaba sila ng iyong makakalaban ay yari ka na…

Salamat uli sa inyo ng marami…
  Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 07:55 AM   #8
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
mainam din kung mag aaral ka na magtari para sa sarili mong manok. pero kung hinde ka pa handa na mag aral, obserbahan mo muna yung mga mananari kung alin yung maganda mag asinta dahil ayaw nila na tuturuan mo sila ng asinta (insulto sa kanila yun). ako kadalasan pag nagpapatari ako sa mga sabungan, pinipili ko yung mga medyo matatandang mananari kesa sa batang mananari dahil alam ko straightforward na yang mga iyan at hinde ako ihuhulog/lolokohin sa laban lalu na't kung ako ay dayo.
earan is offline   Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 09:41 AM   #9
Draven51501
CyberFriends
 
Draven51501's Avatar
 
Join Date: Aug 2001
Posts: 1,284
Posts: 1,284
vCash: 102604400
Wink

eeran,

di ba nagbebenta ka ng tari?!:wow:
Draven51501 is offline   Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 11:34 AM   #10
sabit singson
Member
 
sabit singson's Avatar
 
Join Date: Sep 2002
Location: Adelitas, Tijuana
Posts: 237
Posts: 237
vCash: 500
di naman ibig sabihin na mas mahusay na design ang matulis na dulo kaysa sa pakpak langaw o buntis kung tawagin nila..

bakit yung iba pakpak langaw ang gamit nila pero epektib naman sa kanila.. kailangan lang alamin ang laro ng manok mo at ikabit ang nababagay sa kanila..

meron isang mananari sa amin na pinalitan ang kanyang tari sa tradisyunal na design at kinabitan ang mga manok na kanyang tinatarian ng pakpak langaw na tari..

simula nung ikabit nya ang pakpak langaw, bumaba ang kanyang record at halos wala ng gustong magpatari sa kanya..

kaya bumalik sya sa tradisyunal na design at gumanda ulit ang kanyang percentage..

di naman ibig sabihin nito na superior ang tradisyunal kesa sa pekpek langaw.. kaya lang siya ay propesyonal na mananari, alam naman natin na sa hackfight di kalakasan ang manok dyan.

ngayon, kung kilala mo ang laro ng manok mo, nasasaiyo na yan kung anong nababagay na ikabit.
sabit singson is offline   Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 10:29 PM   #11
Rigolleto
CyberFriends
 
Rigolleto's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: sydney, auckland, angeles city
Posts: 933
Posts: 933
vCash: 500
May katuwiran si RR at si Earan, dalawa kasi ang katangian na nais nating makamit sa isang tare, madaling ibaon at nagbibigay malaking sugat pero mahirap gawin ito kasi magkasulangat ang dalawang ito. Para madaling ibaon, kailangan matulis na parang karayom pero maliit ang sugat na dulot nito, para lumaki ang sugat, kailangan malapad ang talim gaya ng palakol pero mahirap naman itong ibaon. Sa disenyo ng tare, pwede nating subukang pagsamahin ang dalawang ito bagamat mababawasan ang isat isa.

Ako naman, mas gusto ko ang buntis o pakpak langaw at kobra o kris na korte dahil hindi naman lahat ganitong tare ay may malapad na dulo, madaling gumawa ng korteng buntis na tare pero matulis ang dulo. Bawasan lang ang likod o ilalim ng tare sa may dulo hanggang sa maabot ang kitid na gusto mo, lalabas na parang payuko ang tulis. Ang importante, panatiliin ang korteng binanat na letrang "S" ng talim. Para sa akin, lamang ang ganitong korte dahil sa mas mahaba kung sumugat, wakwak talaga. Unang halimbawa kung bakit mas epektibo ang paghiwa o slashing effect ng buntis o pakpak langaw, sa dalawang letrang ito, "S" (korte ng buntis o pakpak langaw) at "C" (karaniwang tare), makikita natin na kahit pareho sila ng taas o haba, kung itutuwid nating ang linya nila, mas mahaba ang linyada ng "S" kesa sa "C", ibig sabihin, mas matagal na konekatado sa sugat ang talim ng korteng "S" na tare kesa sa korteng "C", resulta, mas mahabang sugat. Pangalawa, habang ito ay papalabas, anuman ang bagay na nakasayad sa talim nito mula sa may garol ay naiipon sa parteng pataas na umbok o tiyan nito kaya lalong lumalakas ang puwersa nito sa paghiwa. Pangatlo, papasok pa lang, malaki na agad ang sugat na dulot nito. Opinion ko lang ito base sa nakikita ko at karanasan sa pagtatare.
Rigolleto is offline   Reply With Quote
Old April 22nd, 2003, 11:28 PM   #12
vcampoo
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Rigolleto…

Maraming salamat sa paliwanag mo…sanay maturuan mo akong magtali ng tari para ng sa ganun ay ako na lang ang magtatari ng annking mga manok.
  Reply With Quote
Old April 23rd, 2003, 04:17 AM   #13
sabit singson
Member
 
sabit singson's Avatar
 
Join Date: Sep 2002
Location: Adelitas, Tijuana
Posts: 237
Posts: 237
vCash: 500
rigoletto,

paano itsura ng tari mo..

yan ba yung itsurang parang cold steel nogales?

o yung parang kukri?

malamang parang yung nogales vaquero yung sa iyo kasi matulis dulo nito..
sabit singson is offline   Reply With Quote
Old April 23rd, 2003, 05:32 PM   #14
Rigolleto
CyberFriends
 
Rigolleto's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: sydney, auckland, angeles city
Posts: 933
Posts: 933
vCash: 500
Sabit S,

Iba ibang style, mahilig kasi akong mag experimento, may kukri, nogales clip point at ang latest, modified tanto made from CPM S30V, susubukan ko pa lang pag uwi ko. Iba ang garol ng mga tare ko, hindi ako kumagamit ng paunan, tatlo o apat na ikot ng sapin lang ang kailangan o kaya leather boot. Parang combined Malaysian at adjustable socket knife. Ang puno ng talim ay wala sentro sa garol, ito ay nasa bottom extension ng right fork at ang talim ay leaning to the left, duling yata ang tawag doon.
Rigolleto is offline   Reply With Quote
Old April 23rd, 2003, 10:23 PM   #15
august_moon
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Thumbs up Pakpak langaw!!!

Vcampoo,

ito yong tama ng pakpak langaw na tari ko!


Mar
Attached Images
File Type: jpg fighting_cock.jpg (47.2 KB, 309 views)
File Type: jpg fighting_cock.jpg (47.2 KB, 292 views)
  Reply With Quote
Old April 24th, 2003, 04:48 AM   #16
sabit singson
Member
 
sabit singson's Avatar
 
Join Date: Sep 2002
Location: Adelitas, Tijuana
Posts: 237
Posts: 237
vCash: 500
sa aking obserbasyon,

karamihan sa nagkakabit ng tari na pakpak langaw ang disenyo, libat o duling ang sipat nito.. kung minsan ang tawag ay malaysian set..
bihira lang ang gumagamit ng "regular set" pag pakpak langaw ang tari nila, si D.A. ang isa nito..

pag tradisyunal naman ang tari, regular filipino set.. mas marami ang gumagamit nito..

may kinalaman ba ang disenyo ng tari sa pag asinta ng tari?
sabit singson is offline   Reply With Quote
Old December 9th, 2003, 05:28 AM   #17
peatree
Member
 
Join Date: Mar 2003
Posts: 373
Posts: 373
vCash: 500
Hindi nyu kailangan ng kung anu anong desenyo pa. kung saan design kayo gamay/sanay duon na lang kayo manatili at kung gusto ninyong ma improve pa ang winning nyu, maghanap na lang kayo ng magaling na manghahasa. Ang paa at mga uri ng palo ng manok ay isang science na experience lang ang makapagturo, kaya kung anu yung nagamayan ninyo yun na!

Ako natuturere na na sa kadedesign ng kung anu anu, ang basis ko lang ngayun ay kung anu ang nakapagbigay saken ng maraming panalo, ang pinakawinningest ko na tari ay natalo na (expected) . naikabit ito ng 28 times, tabla sa 23rd, talo sa 28th. samakatuwid, hanggang 26 straight wins lang ito.

napakaintricate ng paggawa ng tari na very user friendly, lahat ng sinasabi ng mga experto ay halos kalahati lang d2 sa taring ito, ang garol design ang pinakamahirap na parte, simpleng garol lang at tradisyunal pero dito nakasalalay ang "bandwidth" ng pag se set at pagaasinta ng mananari. pag sinabi ng expertong mananari na madaling ikabit at i asinta at nagpapanalo ang tari, yun na yun ang taring gusto mong gamitin.

Hindi nakukuha sa board ang experience ng pagtatari, hands-on experience ito with very open mind (walang ego o yabang na involve just facts)

Isa nga sa mga feature ng winningest tari ko na sha ko ng pattern sa lahat ng personal na gawa ko more or less part nito ay disgrasya lang ang nangyari.

One, isang araw habang naghahasa ako at as usual, malalim ang konsentrasyon ko ni walng tawag na makakapagpalingon saken, medyo me dumating na bisita at tinawag ang pangalan kow, as usual nde c me lumingon at nakatutuk ang mata sa hinahasang blade, kaya lang talagang napapalingon c me nung binangit niya nag magic word, sigaw nya Guapo! ngiiiii! lingon c me , nasira ang blade malapit sa dulo at naging pakpak langaw naging low point na pakpak langaw ang hinasa kow " Gi-atay na! " sabi ko. Pero at this time 17 time winner na ang tari na ito, kay nagpatuloy ang panalo ng tari na ito pero this time lalong naging gory ang mga patama. version ito ng pakpak langaw pero yung langaw na BANTAM :lol:

haba noh?
peatree is offline   Reply With Quote
Old December 9th, 2003, 10:47 AM   #18
sabit singson
Member
 
sabit singson's Avatar
 
Join Date: Sep 2002
Location: Adelitas, Tijuana
Posts: 237
Posts: 237
vCash: 500
sino sa inyo ang marunong mag brazing?

pwede na bang gamitin ang propane gaya ng bernzomatic?
sabit singson is offline   Reply With Quote
Old December 9th, 2003, 10:43 PM   #19
Sundowner
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500
Sabit,
Pueding puedi ang regular na propane pang brazing. Yan lang ang ginagamit ko pero yong small tip ang gamitin mo para ring regular wielding tip at applyan mo rin ng flux. Ang magandang pang brazing ay yong #5 silver na kasing laki ng tooth pick. Hope naka tulong ako.
Sundowner is offline   Reply With Quote
Old December 12th, 2003, 05:56 PM   #20
panter
Senior Member
 
panter's Avatar
 
Join Date: Dec 2002
Posts: 863
Posts: 863
vCash: 500
Sir earan,
Di ba nagbebenta o gumagawa po ba kayo ng tari....paki e mail nyo lang po ako kong may info....
Panter.
panter is offline   Reply With Quote
Old December 13th, 2003, 02:54 AM   #21
Sundowner
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500
Peatree,
Ang analysis ko sa hinasa mong tare na naging Pak-Pak Langaw at buenas ay dahil sa pag tawag sa iyo na "GUAPO". Kasi hindi dapat nangyari ito kung walang tumawag sa iyo, d ba? Pero naniniwala rin ako sa mga buenas na tare..Kasi dati rin akong guma gawa ng cobalt blade at Villadulid din ang mga garol ko. Tama ka, kung sa-an ka comportable sa tare mo ay stick with it. Mas masakit sa bulsa ang puro expermento. Maligayang Pasko At Manigong Bagong Taon.
Sundowner is offline   Reply With Quote
Old December 17th, 2003, 06:44 PM   #22
peatree
Member
 
Join Date: Mar 2003
Posts: 373
Posts: 373
vCash: 500
Sundowner:

Ang buenas na tari ay may katangiang wala sa malas na tari

Tapos na ako sa pag e-experemento at sa awa naman ni San Pedro, medyo bawi ang gastos at may napapasaya pa akong mga taong salat.

Pigil na pigil ang mga experementong ginawa ko sa "buenas na tari na ito. kahit hindi ako kumporme sa pagseset at pag aasinta ng sinumang mananari, Ang 26 series of win ng isa kung tari ay kinakabit ng ibatbang mananari na kapwa malas at buenas na mananari para naman may repeatability ang tari na iniexperemento. gaya ng sabi ko tagilid karamihan ng matching ng mga 26 wins na ito.

Sa ngayon, hindi na ako nag eexperemento, ginagaya at ginagawa ko na lang modelo ang taring ito. noong nakaraang 3 cock ulutan sa aming lugar, walo ang ikinakabit na tari na "clone" sa buenas na tari na ito na ako rin ang gumawa. Dalawa ang nagchampion, dalawang "ligaw na nagpapatare ang panalo, samakatuwid, 8wins, zero loss at isang mananari lang ang nagkakabit nito at sa walong panalo na yun, limang tari (knife) lang ang nagagamit, tatlo ang ikinakabit uli ng hindi nahahasa ng grinder machine.

Ang gusto ko lang iparating, ang buenas na tari at may katangiang wala sa malas na tari o kung sa manok, ang buenas na bloodlines ay may katangiang wala sa malas na bloodlines:lol:
peatree is offline   Reply With Quote
Reply


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Pagkatapos ng Sabong, may inuman, at kapag may inuman, may kantahan coolchico Chit-Chat 159 January 22nd, 2008 06:09 PM
long knife and short knife rickyboy Usapang Manok 1 August 29th, 2006 02:32 AM
OFW Long Knife Cup Dragon Aces Sabong News 73 July 2nd, 2005 10:53 AM
Dvd Or Cd For Slasher Knife elbertrc Chicken Talk 1 June 27th, 2005 01:48 PM
qustion for long knife fighters joeybigtime Chicken Talk 15 April 18th, 2005 04:18 PM


All times are GMT +8. The time now is 02:59 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy