FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

pagpili sa pagbili

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > pagpili sa pagbili

Reply Page 1 of 2 1 2  >
 
Thread Tools Display Modes
Old March 18th, 2003, 12:43 PM   #1
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500
pagpili sa pagbili

mga kaibigan, papaano ba kayo kung pumili sa inyong manok na binibili? ano ba ang una ninyong tinitingnan sa itsura ng manok? paano ninyo malalaman na maganda ang hipo ng manok? ano ba yun tinatawag nila na "maganda ang buto"?
jude is offline   Reply With Quote
Old March 18th, 2003, 07:36 PM   #2
honda
Member
 
Join Date: Mar 2003
Posts: 59
Posts: 59
vCash: 500
pinipili ko ang cock ayon sa bloodline, then tingin ko station. i-spar ko para makita ang gameness nung manok.
honda is offline   Reply With Quote
Old March 18th, 2003, 08:49 PM   #3
macgyver
Member
 
Join Date: Nov 2001
Posts: 34
Posts: 34
vCash: 500
first winnigline, tapos d ko na sya inispar dahil tinitignan ko lang kung pogi yung manok, na merong makapal na mahaba yung buntot tapos hinde short hinde rin long stationed ang taas, tapos bilog ang katawan parang balls &yellow legs.
macgyver is offline   Reply With Quote
Old March 18th, 2003, 11:48 PM   #4
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
PERPORMANS ang una kailangan magaling maglaro ---- malakas pumalo ---- mabilis gumalaw ,umikot o pumihit. maraming pumalo at tukoy sa kalaban ang mga paa. nasa iyo na kung gusto mo ng manlilipad o manlulupa. sa buto dapat dikit ang sipit sipitan at buto sa pitso .indikasyon ito ng lakas at tibay. ang tapang ay makikita lang sa basaan o drag fight. d ito nakikita sa bitaw . wala sa kulay. blood line . hitsura . presyo ang ikapapanalo ng manok kundi nasa magandang linyada winning line ,maayos na pag aalaga at pagpile ng mainam lumaro .. hindi mag mimilagro ang bulok na manok sa laban upang manalo sa magaling na manok . tyamba lang ang pag asa. RR
  Reply With Quote
Old March 19th, 2003, 02:30 AM   #5
agell757757
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Thumbs up pagpili sa pagbili

hi!para sa akin kailangan meron kang espesyal na abilidad o positive instinct at swerte sa pagpili mo ng biling panabong.karamihan na napapansin ko lalo na sa mga bigtime derbyists bumibili lang sila ng panlaban nilang manok sa derby ,sila na lang ang nagkokondisyon ng mga ito bago sila magpasok ng mga sinasalihan nila sa derby.merong successful na sabungero sa pagbili-bili ng panabong see them in bigtime derbys in roligon araneta,pasay,mandaluyong cockpits,para malaman mo ang resulta ng mga nabibili nilang panlaban na manok.minsan nga talo pa ng biling manok ang well known breeders sa labanan eh.yan talaga ang sabong sports di ka nakakasiguro hanggang di nasisitensyahan ng ref. dalawang tuka plus tatlong bagsak ng talunan...tapos...keep on cockfighting fellow sabungeros.... :lol: :lol
  Reply With Quote
Old March 19th, 2003, 09:43 AM   #6
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
sa pagpili ng bibilhing manok, kung panlaban ay dapat ibitaw mo muna para makita mo ang trabaho nya. tama si rolly hindi nakikita ang tapang ng manok sa bitaw kundi sa basaan o drag fight lang. gumawa ka ng sarili mong standard para sa criteria ng pagpili ng manok. kung kailangan ba ay napakalakas pumalo, napakabilis, mailag, angat, abang, rusher o offbeat. kung anung fighting style ang gusto mo, yun ang hanapin mo sa bibilhin mong manok.

gud luck sa iyong pagbili na manok.
  Reply With Quote
Old March 19th, 2003, 04:32 PM   #7
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran na mismong pinag aalagaan ng mga manok ang nagbibigay sa aki ng unang impresyon kung anong kalibre ng manok ang naroroon.itoy may kahulugan sa uri ng kalusugan maging physical at mental man ng mga manok.ang isang logbook o isang listahan ng pag papalahi ay isang patunay ng maayos na pagpapalahi.markado ang bawat nakatulos na mga manok.sa pagpili naman ay maipapayo kong gawin bago pagsikat ng araw,bago magpakain.pinipili ko ang maagang bumababa sa lupa,ayoko ng mga antukin sa taas ng teepee na parang napuyat.pinipili ko ang mga sinasabing "tip toe" ang tayo sa mga oras na ito.sa oras naman ng pakain ay pinipili ko ang mga mabibilis at maganang kumain.kung sakaling napahapon ang mga pagpili mo ng manok ay piliin mo ang mabilis magtunaw ng mga pagkain.salatin mo ang butsi.ang mga mabagal magtunaw ay hindi ko pinipili.personally hirap akong ikondisyon ang mga ito dahil sa adjustment sa feeding.siguro yuong iba kayang remedyohan ito.
  Reply With Quote
Old March 19th, 2003, 04:45 PM   #8
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
sa aking sariling panlasa ay gusto ko ng mga manok na may malalapad na pangangatawan at medyo may kagaanan ang hipo.ang mabigat na hipo ay para bang matubig ang katawan ng manok,wala sa tamang fighting weight.malabsang kumilos ,mabagal pumihit at parating huli sa palitan ng palo.ang pagitan ng tuka at mata ang siya kong pinagmamasdan.sa akin ay dapat maumbok ang parteng ito,gayon na rin sa pisngi o bandang ilalim ng mata.ayoko ng mga zoombies na mga sunken eyes.ang liig hindi mahaba at hini naman maigsi,proportion sa haba ng katawan.siyempre mga high headed.ang mga paa ay medyo nakaposisyon sa harapan ng katawan,hindi sobrang naka atras.45 degrees ang tindig ng buntot,ayoko ng squirrel type.siyempre iba iba tayo ng panlasa.:lol: :lol:
  Reply With Quote
Old March 19th, 2003, 05:33 PM   #9
majestic
Member
 
Join Date: Sep 2000
Posts: 32
Posts: 32
vCash: 500
Mayroon akong buyer na matalas ang mata sa pagpili ng manok. Nakakuha sya sa akin ng 25 manok. Nagtala sya ng 22 wins,2 losses and 1 draw.

Tinanong ko sya kung ano ang pamantayan nya sa pagpili ng manok. Ito mga sinabi nya sa akin:

!. Dapt una hanggang pangalawang buckle malinis na sya ang nakapatamang palo. Mahirap na kasi ang manok na gumaganti lang. Napakatalas ng tari ngayon. Kaya mas gusto nya ang single powerful strokes. Ok lang daw na magbigay ng mahabang shuffle pag naipit lamang.

2. Dapat ay masigla ang manok, makikita mo kung healthy, pag bright anD clear ang mga mata wether red or other color. Dapat din siempre, na mapula at parang may langis ang mukha ng manok.

3. Dapat medyo "hard boned" ang manok. Gaya ng ulat ni RR, mas maagnda kung masikip ang sipit sipitan.

4. Dapat kumuha ka sa bloodline na consistent sa panalo or winning line. Tanong mo sa breeder kung ano ang winning line nila.

5.Itong ika- limang tip ay personal ko nang opinyon. Humanap ka na medyo "PITSUHIN". Sa aming line, consitent itong MAPITSO sa mga Hulsey, Kelso at Batchoy lines namin. These are also the lines that "KILL QUICK" with us.

Sana kung makakuha ka ng lumang issue ng Sabong Star, nandun yung article na "CUTTING fOWLS". Baka, may konti kang mapulot sa sulatin na yan.
majestic is offline   Reply With Quote
Old March 20th, 2003, 11:25 AM   #10
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
cutting ability

sa pagpili ng panlaban

1. pisikal na kaanyuan
magandang basehan yung mga sinabi si Tsampoy. gusto ko maganda ang station o yung tindig at proportion ng katawan (medium to medium high station) dahil tingin nandirito yung mga magagaling. cheerful at maliliksi kumilos, sila yung mga madali lang ikondisyon, at pwede mong ilaban direct from the cord. sa hipo gusto ko hugis puso, malapad ang balikat at medyo pronounced ang pitso na malaman kagaya nung sinasabi ni majestic. medyo mahaba yung hipo sa likod, at yung tatlong buto ay medyo magkakadikit. preferred ko rin yung dikit na sipitsipitan na medyo rounded ang dulo kaysa duon sa patulis. ang paa gusto ko diretso (hindi piki or sakang), mas gusto ko yung tinatawag na maluwag ang silong or yung medyo malayo ang pagitan ng mga paa. kailangan pumasa muna sa overall na kaanyuan at pisikal na pangangatawan bago ko ibitaw. kasi pag hinde pumasa sa pisikal na kaanyuan at magaling sa bitaw ay hinde ko rin gusto. lalabas hinde ko na kailangan pang hipuin ang mga manok at aantayin ko na lang kung sino ang magaling sa bitaw. lalabas din na kapag magaling sa bitaw ay kukumbinsihin ko na lang sarili ko na okey na ito kasi magaling kahit medyo may shortcomings duon sa pisikal na kaanyuan at hipo na gusto ko.
2. fighting style
gusto ko yung angat sarado, sila yung palaging nasa ibabaw tuwing magbre-break sila ng kalaban. unat ang mga paa kung pumalo at may diin. pumapalo ng hinde nagbi-billhod at may timing. klarado at offensive ang mga palo, ika nga eh "they mean business".
overall ito ang aking mga basehan sa pagpili ng mga panlaban na manokis. gusto ko 3-4 buckles lang ay tapos ang laba este ang laban win or lose man ako. ang gusto kong i-emphasize dito at sa selection ko ay "cutting ability". dahil sa style of fighting natin na "long knife" ang unang makapagpatama ay malamang nang manalo. ika nga eh "kayang ring tumilaok ng duwag na manok sa harap ng "game" at patay ng manok. sa aking paniniwala, yung mga tinatawag na losing line ay yung mga matagal or mabagal pumatay at tinatalo sila ng mga mabibilis pumatay na tinatawag na wining line.
ang gameness ay binabase ko na lang sa attitutude nyang manakit ng kalaban during bitaw. malakas kumahig at tayung tayo ang mga pulok pag kinakahig. ang red bright eyes na medyo luwa ay isa ring basehan ko ng gameness. kung mayroon man akong mga pasibol ay pinaglalaban ko rin ang mga klass B na mga tandang using 1 inch knife to test gameness.
sa aking pananaw, ang susi sa matagumpay na pagma manok ay nasa wasto at mainam na pagpili ng manokis.
earan is offline   Reply With Quote
Old March 20th, 2003, 07:57 PM   #11
tsampoy
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
dumako naman tayo sa porma ng mga paa kapag ating hawak sa ating mga kamay ang isang manok na nakaharap sa atin.pagmasdan nyong mabuti ang mga paa.ito bay nakalaylay o medyo nakaunat o mga paang pirmes na naka flex o nakabaluktot malapit sa katawan.ang matandang tom murphy ay minsan nagsaad ng kanyang opinyon sa mga katangiang ito.ayon sa matanda ay may epektibong cutting ang naunang nabanggit.datapwat ayaw nya ang ito dahil masagwa sa paningin at panlasa nya sa pagpili ng mga manok.mukhang may medyo katotohanan ang sinabi ng matanda dahil relax nga naman ang mga leg muscles.mas relax mas epektibo anf flexion at extension ng mga paa sa paluan.ngunit may mga nananalo rin na dikit ang paa sa katawan kapag itoy ating hawak.ayon sa inyong mga experyensiya ano ang masasabi nyo?
  Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 02:29 AM   #12
silver2dmoon
Senior Member
 
silver2dmoon's Avatar
 
Join Date: Feb 2005
Posts: 3,894
Posts: 3,894
vCash: 500
earan...tanong lang po...

ano ang advantage ng sipit sipitan na rounded ang dulo kaysa sa tulis.... ???

ganito kasi kung pumili itong kaibigan ko kapag namimili...pero hindi niya ma explain dahil tip lang sa kanya ng old time breeder na ngayon ay retired na.... ano ba ang ibig sabihin ng rounded ang dulo ng sipit sipitan ???

salamat...

p.s.
kung mayron sa inyo na makakapag bahagi ng kaalaman tungkol dito .... maraming salamat din po.

posted 03-19-2003 10:25 PM
--------------------------------------------------------------------------------
cutting ability
sa pagpili ng panlaban

1. pisikal na kaanyuan
magandang basehan yung mga sinabi si Tsampoy. gusto ko maganda ang station o yung tindig at proportion ng katawan (medium to medium high station) dahil tingin nandirito yung mga magagaling. cheerful at maliliksi kumilos, sila yung mga madali lang ikondisyon, at pwede mong ilaban direct from the cord. sa hipo gusto ko hugis puso, malapad ang balikat at medyo pronounced ang pitso na malaman kagaya nung sinasabi ni majestic. medyo mahaba yung hipo sa likod, at yung tatlong buto ay medyo magkakadikit. preferred ko rin yung dikit na sipitsipitan na medyo rounded ang dulo kaysa duon sa patulis.
silver2dmoon is offline   Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 03:11 AM   #13
thatch
Senior Member
 
Join Date: Jul 2005
Posts: 813
Posts: 813
vCash: 500
Nasabi na yata nila lahat ang tamang pagpili sa bibilhing panlabang manok.....

Nasubukan nyo na bang mabentahan ng bulok na manok...na pumasa naman sa bitaw...maganda sa bitaw...? nang maiuwi ko yung binili...binugbog lang ng regular kong manok....Bakit kaya? sa tingin ko...mas bulok yung binitaw sa kanya ng tinesting namin...

Mas maganda sana magdala ka ng sarili mong pambitaw o pantesting...but farms dont allow it....baka magdala ka ng peste sa kanila...

obserbasyon lang po.....
thatch is offline   Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 03:29 AM   #14
buhawi
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
hand sparring lang ako.........

itaas ko lang sa harapan ng manok ng hanggang baywang.......
gusto ko papanik ng mabilis kaagad ang manok ng paitaas at saka papaluin ang hawak kong manok na pang hand spar.

dito nagkakatalo.may manok na malakas ang baywang,kung baga nagha hang sa ere kung kayat unat na unat ang paa nya sa pagpalo sa tangan kong hand spar cock.sa pag panik nya pataas ay papalo na siya......tapos bubomba pa ng kaunti pataas para sa follow up na palo.

ang mahina ang baywang na manok,isang panik isang palo.......wala yung hanging ability ,hindi kayang bumomba pa ng pataas
  Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 09:53 AM   #15
etwin
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Tunay na magagaling!

Tol Hey Dude,

Saludo ako kay Champoy, at earan tungkol sa pag kilatis
nila sa mga pang laban manokis,pero sa sobra ng daming pag pipilian naka kalito din kung minsan diba?...alam ng mga handler
kung alin mga manok ang na dapat nilang pag bitawin sa harap ng mga buyer! so'...may kahirapan pag dumating tayo sa ganoong punto diba?...maliban lang kung tagang magaling kang
pumili ng mga fighting style nila! iyon ay isang malaking advantage muna sapag pili mo ng mga manokis!... kung hindi naman eh'...mahirap sisihin yung farm na ating nabilihan....kaya kung marunong kang bumulong umpisahan mona!....hulaan
mo kung anoyon!!!.... Hey jude don't make it bad.....nananana
nanananananana!....

cheers Etwin....

  Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 11:05 AM   #16
beakheel
Senior Member
 
beakheel's Avatar
 
Join Date: May 2005
Location: guam,cavite
Posts: 2,437
Posts: 2,437
vCash: 500
pagpili / pagbili

kung kayo ay bibili sa farm.....
1) pumunta ng biglaan o di scheduled, kung maari sa oras na napakain na ang manok. bakit? kapag gutom ang manok maliliksi sila at gutom din sila sa laban at kung sila naman ay busog sila ay tamad kaya mas madaling mamili dahil iilan lang ang siguradong gagalaw ng maganda at ang mga ito ay likas na magaling na.... mag abot ng tip sa mga caretaker para makakuha ka ng mga sarili nilang pili o rekomenda...... alamin ang mga winning line sa isang manukan at ang mga marking nila........ higit sa lahat may USAPAN na pwede magsauli o palit kung meron lalabas na diperensya sa manok pagdating sa iyong farm o yard....:hombre:
beakheel is offline   Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 12:35 PM   #17
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
silver2dmoon,

yung rounded ang dulo ng sipit-sipitan denotes "power" sabi ng mga experienced cockers which na pro-prove ko namang tama. pero para sa akin optional criteria na lang yan.

ang "MUST" criteria ko ay cutting ability with attitude/style.
gameness secondary criteria lang sa akin yan. WHY??? sino ba nag bre-breed ng dunghill o duwag na manok. kaya lang naman sila nagiging duwag dahil sa upbringing sa kanila or related sa health ng mga ito.
gameness is totally different compared to dead game.
para sa akin eh 75% cutting+attitude, 25% gameness
or 3/4 cutting+attitude, 1/4 gameness lang ako. others preferred it at 50/50.
earan is offline   Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 03:40 PM   #18
hammertime
Senior Member
 
hammertime's Avatar
 
Join Date: Jun 2001
Location: PIPINDAN
Posts: 1,046
Posts: 1,046
vCash: 500
Mas saludo po ako kay Buhawi kaysa kay tsampoy.....:lol:
hammertime is offline   Reply With Quote
Old September 1st, 2005, 10:33 PM   #19
CYMRU
Senior Member
 
CYMRU's Avatar
 
Join Date: Jan 2003
Posts: 648
Posts: 648
vCash: 500
Matanong nga, saan na ba si Dakilang Tsampoy ngayon? Sana OK lang siya.

Pero agree po ako kay hammertime
CYMRU is offline   Reply With Quote
Old September 2nd, 2005, 07:46 AM   #20
etwin
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Saludo!

Mga tol,

Nagpa patilaglag laglag lang yon sa pagka kadikit!
T'sampoy nga eh!...teka nasan nanga ba yon?...:rbounce: :rbounce:
  Reply With Quote
Old September 3rd, 2005, 04:06 PM   #21
jason_slay
Senior Member
 
jason_slay's Avatar
 
Join Date: Jun 2005
Posts: 1,215
Posts: 1,215
vCash: 500
slam n yan

spar mo muna bago k tumingin sa itsura ng manok! pero kong buy n sell k itsura muna bago ang laro. hehehe!
jason_slay is offline   Reply With Quote
Old September 4th, 2005, 08:18 PM   #22
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500
Salamat nga pala sa mga nag reply . Mahigit 2 years na pala ang topic na ito.
jude is offline   Reply With Quote
Old September 5th, 2005, 11:21 AM   #23
trojan
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
MAGANDA NGA ANG IDEA NI BUHAWI

makikita din ang mabilis na reflexes o reaction ng manok sa ganitong paraan.


ang sabi ng lolo ko naman tungkuol sa paa ng manok habang hawak mo ay kailangan nakatikom ang kamao/paa. mas mabilis at malakas daw pumalo ang mga ito:evil:
  Reply With Quote
Old September 5th, 2005, 12:31 PM   #24
rctmagnum
Senior Member
 
rctmagnum's Avatar
 
Join Date: Jul 2005
Location: Sampaloc,Manila / Tanauan, Batangas
Posts: 2,095
Posts: 2,095
vCash: 500
sa pagpili ng manok na bibilhin, para sa akin, ito ang mga kailangang taglay:

kailangang pag hawak o hipo ang manok, mas gusto ko yong magalaw na para bang ayaw magpahawak... senyales ito ng isang kabilisan...

pag binubuka ang mga pakpak ay mabilis na ibinabalik...

buo ang katawan na bilugan at malambot/madulas ang hipo....

ang "index finger" dapat ay hindi maipapasok sa pagitan ng sipit-sipitan at pitso...


sa pysical appearance... taglay nya dapat ang mga sumusunod:

hindi lubog ang mga pisngi at mga mata ay dilat...

malago ang balahibo...

mga daliri ng paa ay hindi gaano kahabaan o sobrang laki... tama lang yong average size kung baga sa paa ng tao...

mapula ang pisngi at mga mata...

ayaw ko na mahaba ang binti kesa sa mga hita...


kung bitaw ang pagbabasehan, gusto ko ang sumusunod:

not necessarily na laging angat, pero dapat yong paa ay laging nakaunat papunta sa kalaban... ito'y siguradong tatama sa kalaban.

pag nagkadikitan e may shuffle na ibinibigay... kailangan ito during ground battle at drag fight.

marunong umilag... hindi yong palo ng palo na wala sa tiyempo.
rctmagnum is offline   Reply With Quote
Old September 5th, 2005, 12:43 PM   #25
RedMiner
Senior Member
 
RedMiner's Avatar
 
Join Date: Nov 2004
Posts: 1,307
Posts: 1,307
vCash: 500
Agree ako ki tsampoy at ki Sir Majestic....


cheers!!!
RedMiner is offline   Reply With Quote
Old September 6th, 2005, 09:30 PM   #26
jason_slay
Senior Member
 
jason_slay's Avatar
 
Join Date: Jun 2005
Posts: 1,215
Posts: 1,215
vCash: 500
ok n ok un ah

naunahan mo ko pre! ero ok lng at least may natutunan n naman ang mga katulad naming bago sa industriya!
jason_slay is offline   Reply With Quote
Old November 2nd, 2007, 02:08 PM   #27
lybamba
Member
 
Join Date: Jun 2005
Posts: 379
Posts: 379
vCash: 500
Re: pagpili sa pagbili

paano po ikaklasify ang pagpili ng panlaban at pang breed?

sabi po kasi ng iba kung pang breed bibilhin mo iba ang pagpili ng characteristics kaysa sa

panlaban.
lybamba is offline   Reply With Quote
Old November 2nd, 2007, 02:54 PM   #28
jack_kie
Senior Member
 
jack_kie's Avatar
 
Join Date: Mar 2007
Location: Hell
Posts: 1,081
Posts: 1,081
vCash: 480
Re: pagpili sa pagbili

Up ko lang! para mapansin Nahukay sa baul
jack_kie is offline   Reply With Quote
Old November 2nd, 2007, 04:26 PM   #29
vnc
Senior Member
 
vnc's Avatar
 
Join Date: Apr 2007
Location: California
Posts: 1,159
Posts: 1,159
vCash: 500
Re: pagpili sa pagbili

Criteria ko po sa pagbili ng manok is:
1st is TRUST sa Breeder
2nd is Physical aspects
3rd is Performance
4th is Bloodline.
vnc is offline   Reply With Quote
Old November 2nd, 2007, 07:16 PM   #30
honeyroyce
Member
 
Join Date: Nov 2005
Posts: 154
Posts: 154
vCash: 500
Re: pagpili sa pagbili

Para sa akin naman, dapat pumunta ka kung kailan sila pinapakain. Yun mga mabilis kumain, sabi ng karamihan, ay mabilis daw pumatay. Sa isang banda, senyales rin na malusog ang manok.
honeyroyce is offline   Reply With Quote
Reply Page 1 of 2 1 2  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
"Body Conformation", sa pagpili ng Breeding Materials MOYZKI Usapang Manok 74 March 19th, 2009 04:25 PM
tulong po sa pagpili at pagbili ng magandang bloodlines rbmicro Usapang Manok 120 December 29th, 2006 06:36 PM
Experience nyo sa Pagbili ng Itlog. namputah Usapang Manok 2 May 12th, 2006 10:04 AM
pagpili at pagbili ng sweater tsampoy Usapang Manok 37 April 29th, 2005 09:33 PM
Tamang pagpili ng panabong ayon sa ating Palahi... MuLaWiN Usapang Manok 6 November 5th, 2004 05:19 PM


All times are GMT +8. The time now is 07:22 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy