FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

tonydel, all chicken peddlers & chick millers

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > tonydel, all chicken peddlers & chick millers

Reply Page 1 of 3 1 2 3  >
 
Thread Tools Display Modes
Old March 12th, 2003, 11:57 AM   #1
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
tonydel, all chicken peddlers & chick millers

anu kaya kung magkarun ng derby ang lahat ng mga nagbebenta ng manok dito sa site? para malaman natin kung sinu ang peke at tunay na nagbibreed ng magagaling na manok. agree kaya lahat sila dun? maganda magkarun ng friendship fight nun as a form of advertisement sa mga nagbebenta dahil siguradong kikilalanin ng mga members ang kanilang mga manok.
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 12:09 PM   #2
Pitikpalo
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
gud idea, tutal marami rin ang nagbebenta
at may interest magbenta ng manoks, sisiw at iba pa.

siguro sa cockpit ni CF member Chili-sm
malaki rin ang following nito sa board, sana game ang
mga nagbebenta dito sa board at maging interesado,
dito natin makikilala kung lihitimo ang sinasabi nila
na ganito ganoon, yung mga bakyard breeder din dapat sumali.
malaking exposure ito sa mag chachampion.
sigurado ako na kaya ng manok nyo ito di sila namimili ng
laban. Yung may ari lang o si Breeder_? and takot sumali.
baka mapahiya o mabisto sila. wala lang hiraman ng manok.
o bibili si breeder kay bigtime Breeder para ilaban dito.
kailangan din ng preparasyon.

Kung may intension ako magbenta ng manok o sisiw
sasali ako. KUNG.

Sabong.Net derby o ano tawag natin.
GAME NA BA KAYO..........................
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 12:10 PM   #3
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,852
Posts: 8,852
vCash: 500
pards,

kung sino man ang mananalo sa mga peddlers ay hindi ibig sabihin na TOTOO ang manok na binebenta nila. tingin ko ang ibig sabihin nito ay MAGAGALING ang manok na binebenta nila. Sa tingin ko, iba ang ibig sabihin ng magaling na manok s totong linyada ng manok.

opinyon ko lang kaibigan.

Magandang Araw.
jlbs72 is online now   Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 12:34 PM   #4
vulture
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
tama si jibs.. performance ng manok ang lilitaw at hindi yung tama ang advertised na linyada. ang akin naman, maginoong sport ang sabong.. kung may claim na linyada, alamin na lang sa bibilhan kung paano siyang nagkaroon ng ganon. di maiwasan na may big market din ang backyard and small sized farms. kalat ang sabong sa Pilipinas at hindi pare-parehas ang antas ng buhay ng tao na nahihilig dito.. sa karaniwang mananabong punta ka lang sa batangas at sa halagang P750 may brownred ka na or may mukhang brownred ka na. alam ng bumibili na ang halaga ng pera niya ay katapat yung quality ng nabili niya. syempre di niya ito isasali sa derby. pero masaya na siya at mayroon siyang "brownred" at lalong sasaya pag nagpanalo ito. simple lang ang saya ng karaniwang sabungero.
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 02:23 PM   #5
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
jlbs at vulture

mas maigi na magkarun ng ganitong okasyon para magkarun ng idea ang mga namimili ng manok kung kanino bibili ng manok. sa paraang ito, nakikita ang quality ng mga manok ng bibilhan ng mag baguhan sa pagsasabong. hindi yung puro kuwento nila magaling ang manok ko, tinalo ko si ganito at si ganyan. dito ang mga manok na ang magsasabi kung talagang magaling ang breeder/peddler/chick miller na bibilhan mo. tsaka para magkarun na din ng grand kitakits ang buong sabong.net.ph members. ayaw nyo ba yun? mga kaibigan?
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 02:35 PM   #6
vulture
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
yan, ok yan! let somebody give an idea para sa friendly matches na yan. pero di necessary na testingan lang yan ng manok ng sellers.. pero pwede rin. hehe
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 03:01 PM   #7
Tibay
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Sabong.net sponsored DERBY

pasok ako dyan talahib na suggest na nuon ni CF GOODWING yan 2 coccks lang muna para marami maka entry. Tib$
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 03:29 PM   #8
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
c goodwings?? he!he!he! matatapang talaga kaming taga-bataan!!! taga-orani yang kababayan kong yan. sana matuloy para kitakits tayong lahat. alam ko sa san mateo cockpit libre ang pandesal at kape kaya palagay ko malalasing tayo sa kape at tinapay na pulutan, he!he!he!
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 03:44 PM   #9
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Hehehe, eto na naman, hamunan ng main para di na mapagusapan.

Kayo kayo na lamang na mga nagbebenta ang dapat magtayo ng derby na sasalihan ng mga nagbebenta ng sisiw dito sa sabong.com. Huwag ninyo na akong idamay diyan sa mga main na yan dahil kahit isang kiti ay wala akong for sale, at kahit na isang centimo ay wala akong tinatanggap galing sa mga manok dahil sa website na ito.

Pare, since na nagbebenta naman pala kayo, explain mo na lang kung saan nanggaling ang linyada mo para malaman ng mga kustomer mo kung ano ba talaga. Malalaman kasi nila dito kung ano ang habol ng mga nagbebenta.

Ang mga matinong farm kasi gaya ng mga nabanggit ko dati, bukas sa publiko kung ano ang mga linyada nila, tsaka ang mga W record ay mga nasa tropeo at published sa mga official magasin.

Paano kung walang linyada ang manok?

Paano kung wala namang published record ang mga W?

Kahit sino ay puede mag-imbento ng kung anu anong linyada at kung anu anong W record, lalu na kung nagbebenta nga ng mga manok? di ba?

Wala sa main yan eh. Nasa approach yan. Para ding sa aso. Iba ang layunin ay advancement para sa hobby, iba ay ginagawang hanap buhay ang mga aso at manok. Buti sana kung correct approach ang mga ginagawa, pero kung puros panloloko lamang ang ginagawa at tinatarget ang mga baguhan, eh ibang usapan na yan.

Ang daming mga tao dito sabong.com 2 taon na ang lumilipas, halos lahat para sa advancement ng sabong ang habol, yung iba nagdodonate sa charity, yung iba friendship, yung iba naman mga tips pang baguhan pero diretso sila sa mga linyada nila kahit na di sila commercially nagbebenta ng mga manok. Ngayon lamang dumami ang mga nagbebenta ng mga manok di pa mga transparent.

Kung gusto ninyong gumawa ng peddler's derby to showcase your fowl to the public, gumawa kayo pero huwag ninyo ako idamay diyan at di naman ako peddler ng mga manok.
  Reply With Quote
Old March 12th, 2003, 05:09 PM   #10
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
small time=peddler

At least unti unti ng lumiliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ni TD pag sinabing peddler. Akala ko okey na yung depinisyon ni Joey Bravo na ang mga peddler ay yung mga nagpaparami lang ng manok at nagbebenta para kumita ng pera ay peddler na. Marami namang small time ang nagpapanalo sa 4 at 5 cock. May mga magazine ba na intresado na i-feature sila? Maraming ring small time ang can afford na mag-import ng manok, pero once na nagbenta ka ng manok peddler ka. Kasi si TD backyard din daw pero hinde naman nagbebenta ng manok kaya hinde sya kasama dyan. Ang small time kapag may imported na broodcock at naipasapasa at ikaw ang nasa dulo, mahabang istorya na naman yaaan kasi hinde direkta dun sa american breeder. Same istori lang yan pag may bumile kay Sonny Lagon ng materiales at pang limang pasa na sa iyo, eh peke na yaaan. May mga kilala akong mga small time na bumile rin sa mga breeder na nabanggit at hinde nila naipapanalo yung mga manok nila, siguro peke nabile nila. Subukan mong bumile duon sa ang sabi eh "we sell the best, and fight the rest" at bangain mo sila sigurado talo ka. Kasi yung nabile mo ay best nga, yung itinitira nila at nakalaban mo eh very very best, talo ka nga. Kaya nga nagcha-champion pa nga sila eh. Ang small time nga naman walang karapatan na maging lehitimong breeder at magbenta ng mga manok dahil ito'y kwestionable. Kaya ako'y nagpapasalamat kay Emoy dahil binigyan nya ng pagkakataon na maipakita sa bayang sabungero ang isang Rolly Ramos na sumasalamin at nagbibigay inspirasyon sa aming maliit. Kaya kung mapapansin nyo ako'y nagre-react kapag ang katulad namin ay lalung minamaliit. Hinde ako naniniwala na ang isang TD ay gabay naming mga baguhan at malilit bagkus sya ay isang kritiko lamang.
Ito'y opinyon ko lamang at hinde nangangahulugan na iyong ibang maliliit ay sang ayon sa sinabi ko.
earan is offline   Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 11:58 AM   #11
swackle
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
ewan ko kung tama pagkakaintindi ko sa Chkn pedler
yung mga taong bumibili ng manok tapos ipagbibili rin
yung bimili ka Breeder A t tapos ibebenta ang mga anak
at sasabihing katulad ng kay Breder A.

siguro meron mas mabuting paliwanag sa pagiging Chicken Peddler.
  Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 12:09 PM   #12
BattleGear
CyberFriends
 
Join Date: Sep 2001
Posts: 338
Posts: 338
vCash: 500
Hindi naman siguro peddler ang tawag sa mga taong bumili ng manok kay breeder A tapos ibinenta ang mga anak.

E di lahat ng breeders sa Pinas peddler? Si Abello bumili ng manok kay Nesmith, ngayon binebenta mga anak...peddler ba?

Ang peddler siguro e kung bumili ka ng manok kay breeder X pero sasabihin mo na galing kay breeder A ang mga manok mo. O di kaya e kung ang mga manok mo e bloodline XYZ pero sasabihin mo na pure bloodline A.

Hirap ng definition ng peddler ano?



BattleGear is offline   Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 12:32 PM   #13
vulture
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
sa aking palagay mga kaibigan, gusto ni TonyDel na bumili ang baguhan sa mga kilalang breeder dahil may nagagawa ang mga ito na di kayang gawin ng backyard breeders.. ang Pit Testing ng linyada. inilalaban ang mga stags sa derbies para malaman kung winning line ito.. sampu ang pinaka-maliit na bilang na dapat ilaban. pag naka-anim na panalo 60% na siya at winning line na.. at least malaki ang pag-asa na winning line din ang mabibili mong trio kung yun nga ang linyadang ibebenta sayo..
  Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 12:47 PM   #14
swackle
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Pareng Battle Gear

ibig kung sabihin, yung purpose na bumili para ibenta ang mga anak at sabihing katulad ng nakuha nya. o bumili ng kabalahibo
at kabitan ng sikat na pangalan.
yung mga breeder na bumili sa kano,para i breed at ilaban
o para mapaganda ang lahi nila di yoon ang peddler

mahirap talaga dre, anyway ala naman tayo inaakusahan
bato bato sa langit, baka me tamaan magalit , sori lang.

Sana nga matuloy labanan ng mga nagbebenta para
alam natin kung saan tayo bibili.
  Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 12:48 PM   #15
vulture
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
dagdag.. hehe
pero di pa rin masasabing panloloko ang pagbebenta ng itlog at sisiw, basta walang claim na winning line yun na di naman pit-tested. sa presyo na nun magkakatalunan. pag bumili ka sa backyard breeder, may sweater ka nga pero baka di pa pit-tested. kung ang presyo ay tama, bibili pa rin ang karamihan. yun lang po.
  Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 01:01 PM   #16
Maning
CyberFriends
 
Maning's Avatar
 
Join Date: Feb 2001
Location: Sharina Heights, Bacolod City, Negros Occidental
Posts: 7,106
Posts: 7,106
vCash: 500
Wink

Ang pagkaintende ko ng chicken peddler eh yong mga taong breed lang ng breed at hindi lumalaban ng mga manok nila, advertise dito advertise doon para makabenta lang, ginagawa na nilang kabuhayan ang pagbebenta ng mga palahi nilang manok.karamihan sa mga tao na yan lahat ng sikat na lahi meron sila, siempre para madali mabenta o ang iba lahat ng lahi meron sila kaya pagtanong mo meron sila, yan ang tunay na chicken peddler.

maning
Maning is offline   Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 02:45 PM   #17
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
TAMA KA EARAN

parang sa pananalita ni td ay parang walang karapatang magbenta ang mga maliliit na breeder dahil di sya nakarekta sa mga big-time breeders. ang tanung ko naman? kung bibili ang mga baguhan sa mga bigtime breeder ng mahal na manok, lets say P12,000 ang isa. tapos ilalaban nila sa small time derby sa lugar nila. yung pusta nya dapat ay hindi bababa sa P15,000 para di sya malugi sa manok kung manalo at mamatay para makabili sya ulit ng manok sa pinagkunan nya. parang iniisip ni td na lahat ng baguhan ay may kakayahang bumili ng mahal na manok. it's unfair di ba?
to the fact na kapag bumibili ka ng bayong fowls ay kung minsan ay nananalo naman.
ang payo ko lang sa mga baguhan, di baleng bumili ka na sa small time breeders kaysa bumili ka sa magbabayong. mahal lang ng konti ang presyo pero kahit papano ay maganda ang lahi kaysa ng sa bayong.
libangan lang ang pagsasabong at hindi kailangang maging maluho dito, sino bang taong bibili ng manok sa halagang P12,000 kung ipupusta nya lang ay P1,100. matutututo ka pang magsugal at maging bisyo itong sabong kaysa ma-appreciate ang ating paboritong sport.

so sa mga baguhan na gustong sundan ang payo ni tonydel, subukan nyo yung sinabi nya na bumili kayo ng trio P35,000 at sigurado ako 2 years from now, magiging "gambler" na kayo at hindi "cocker" malamang pati pambili ng gatas ng anak mo ipupusta mo na din sa manok mo.

at sa mga sumasang-ayon sa akin. payo ko lang sa inyo, lumagay kayo dun sa kaya ng bulsa nyo lang sa pagsasabong at para hindi maapektuhan ang pamilya nyo sa ating favorite pastime.
  Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 05:00 PM   #18
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
toti

kung magkakaanak ba ang binili mong trio ng P35,000. pag inilaban mo ba yung mga anak ay pupustahan mo lang ng P3,300 bawat isa? get real man!! at kung ordinaryong mananabong ka lang na kumikita ng P10,000 isang buwan at may pamilya ka, makakabili ka ba ng P35,000/trio?
sa larangan ng sabong, lahat ng tao pantay-pantay. kayang talunin ng mahirap ang mayaman dahil ang sabong walang siguruhan.
  Reply With Quote
Old March 13th, 2003, 09:42 PM   #19
cockpit
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
breeder

I myself is also a backyard breeder.Bumibili ako ng brodstocks directly sa mga breeder sa states.Malaki ang gastos ko sa breeding at maintenance pero kung pumusta ako ay malaki na ang 5,500 kada fight.Im enjoying my hobby kahit maliit lang pusta,Makita ko lang na nanalo manok ko masaya na ako.minsan nga maliit na nga ang napanalunan nauubos pa sa balato.Dont get me wrong nataon lang na bago ko pinasok ang hobby na ito ay pinaghandaan ko na may mapagkukunan ako ng resources to maintain it.Ito naman ay ayon lang sa sarili kong karanasan.Ewan ko ba bakit kahit alam kong ang laki ng gastos sa breeding e tinutuloy ko parin.Siguro iba lang talaga ang tuwa na naibibigay sa breeder pag nakita niya na nanalo ang inalagaan at pinaghirapan niya ng matagal na panahon yun nga lang pag natalo nakakasama din ng loob.ngek!
  Reply With Quote
Old March 14th, 2003, 07:25 AM   #20
GoldenDragon
CyberFriends
 
Join Date: Mar 2000
Posts: 1,397
Posts: 1,397
vCash: 500
Kung may pera rin lang ako.....

tataya din naman ako ng malaki para naman mabawi ko din ang mga gastos ko at pagod sa mga manok. kaso nga dahil sa gusto kong ibigay ang tunay na pangangailagan ng mga manok ko, minsan nakakautang pa ako.

ang pera ko legal, pinaghirapan so kung pupusta naman ako ng malaki sa mga manok at natalo baka wala na akong pambili ng feeds at pambayad sa mga tauhan ko.

noon hindi pa ako nag brebreed tumataya ako ng malaki... ngayon hindi na. ganyan seguro lahat ng breeder, nagkakaroon ng daga sa dibdib.

wala pa akong nakitang tunay na breeder na believe na believe sa sarili nila... somewhere in their person eh may mga reservations sila.
may apprehensions na baka hindi umobra ang breed nila sa pit, kung mapapansin ninyo humble silang lahat. ito ay IYON MGA TUNAY NA BREEDER....hindi iyon mga bagong nagbrebreed.

seguro ito ang ibig sabihin ni tonydel.... ang bagong breeder ( hindi ko naman nilalahat ) eh makiyaw, maingay kasing ingay ng mga breed nilang baby stags. "Papansin" ang dating.

sa totoo lang kaya ganoon sila dahil hindi pa nila alam ang tunay na quality cocks, hindi pa mulat na mulat ang mga mata nila. later on lang nila maririalized ang lahat ng ito pagnagmature na sila sa breeding.

sa larangan ng sabong maski dalhin mo ng dalhin ang bangko mo, it is the public that decides kung OK o hindi ang breeding mo.

ang publiko ang magdedeclare na ikaw na ang bagong "HARI"...
maski ipaghiyawan mo sa buong mundo na ikaw ang hari, kung ayaw ng public bukya ka pa rin.

cheers and mabuhay sa inyong lahat.
GoldenDragon is offline   Reply With Quote
Old March 14th, 2003, 08:40 AM   #21
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,852
Posts: 8,852
vCash: 500
Well said GD.

Mga pards, alam ba ninyo na ang mga totoong breeder dito sa site na ito (yung bang 15 years or more na breeder na na may pangalan) ay bihira lang magsalita. bakit ??? hinahayaan na lang nilang ang manok nila ang magsalita, hehehe...

ito'y opinyon ko lang ha, kung sugarol ka, pag bumili ka ng manok na 8K ang presyo, tyak yon pinakamababa na ang 11K ang ipupusta mo. pero karamihan sa mga breeder, bumili man sila ng halagang 1K USD na trio, mataas na siguro ang 11K PHP ang ipupusta niyan sa mga offspring. bakit ??? lagi ka kasing may reservation sa mga manok mo. kadalasan ang pumupusta dito ng malaki ay yung mga nakabili at financier. pero sila, makita lang manalo ang manok kahit walang pusta, masaya na, hehehe...

Magandang Araw.
jlbs72 is online now   Reply With Quote
Old March 14th, 2003, 08:41 AM   #22
hatchclaret
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
hi gentleman maki share lang ako sa topic ninyo nice event derby para nagbebenta ng fighting cock sisiw hens itlog ang entry name pangalan ng farm nila okey to be sure they fight own bloodline mga idol madali mag recruit ng panlaban na manok , kahit may leeg band ma tamper ng iba kaya tuloy ang operation ng un honest breeder like bill morris of texas
  Reply With Quote
Old March 14th, 2003, 10:03 AM   #23
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
nawawala na tayo sa topic mga cockmates, as per experience ng lahat ng breeders. di ba almost lahat ng sabungero nagsisimula sa simpleng pagsasabong and then later on they decide to breed. karamihan sa atin ay dumaan sa malakasang pagsasabong then later on ay humina na sa pagpusta as per testimony ni mam gd sa dahilang kailangan natin ng pera pantustos sa gastos ng pagbibreed. i'd like to promote sabong as a pastime at gusto kong maging maganda ang image ng sabungero sa society. lahat tayo dito sa tread gustong makatulong sa mga baguhan and they all respect our opinion. so i-finalize na natin tung premise na to, salamat sa mga nagbigay ng opinion tungkol dito.
toti wala tayong masamang tinapay tungkol dito, nagkataon lang ng magkaiba tayo ng pananaw. i respect your opinion.

so mabalik na tayo sa topic, would you all like to have a grand kitakits sa lahat ng members ng sabong.net? lets make it a derby para sa kasiyahan ng lahat. tutal kaya tayo nandito sa tread ay dahil sa pagsasabong.

ok ba sa inyong lahat? :blush:
  Reply With Quote
Old March 14th, 2003, 07:54 PM   #24
Matt Dunne
Member
 
Matt Dunne's Avatar
 
Join Date: Jan 2003
Location: Valencia Neg OR / Australia
Posts: 337
Posts: 337
vCash: 500
now This is one time I wish my Tagalog was better as this seems a interesting read.
OhhWell More practice.
Cheers
Matt Dunne is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 04:15 PM   #25
leiper
Senior Member
 
leiper's Avatar
 
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,221
Posts: 1,221
vCash: 500
mga pre,

pag may tari na ang manok, paunahan na lang sila.
kung gusto ninyong subukan kung sinong breeder at linyada
ang mahusay, ang gamitin ninyo ay gaff 3/4 pulgada o kaya
ay maigsing tari. dito walang tsamba dahil hindi agad mama
matay ang manok. dito natin makikita ang gameness, stamina,
fighting style,ability at kung anuman ang gusto ninyong makita sa isang manok. ito lang ang masasabi ko.
leiper is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 07:02 PM   #26
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
hindi nga pedler si tony del kasi wala naman bibili ng manok nya dahil panay broiler ang alaga nya kaya lagi sa broiler na manok ang inihahalimbawa nya eh panay sabungero tayo dito. at yan din ang dahilan kung kaya hindi sya marunong magtari dahil after 45 days kutsilyo ang gamit nya panggilit sa mga manok nya malinaw yan tony del inamin mo kay earan na hindi ka marunong magtari eh incomplete ka pa pala eh basahin mo ang lo dyis tomo uno bilang 3,4,5 may article ako doon tungkol sa tari. pag-aralan mo ng may matutunan ka at palitan mo na rin ang mga broiler mo dahil iba sila sa texas. (rolly ramos)
  Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 08:17 PM   #27
patuzai
Member
 
Join Date: Jan 2003
Posts: 68
Posts: 68
vCash: 500
ang masasabi ko lang kay Mr. tony del ... kung talagang
hindi ka nagbebenta , bakit may presyo ang iyong mga
irlog , sisiw , stag at cocks ? ako nagsasabong nagbebenta
rin kung may gusto . pero ikaw napalabo ni landline number
mo wala nga yatang nakakaalam at ni minsan hindi ka nag-
imbita na pumunta sa mini farm mo . magpakita ka naman
kung totoong tao ka ..



patz
patuzai is offline   Reply With Quote
Old March 16th, 2003, 12:35 AM   #28
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
patuzai,

hinde talaga magpapakita or magpapakilala yan, tingin ko armchair cocker/breeder lang ang mamang yan. nagbre breed ng manok sa ballpen at papel. :lol:
earan is offline   Reply With Quote
Old March 16th, 2003, 01:13 AM   #29
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
cock mate ok yan friendly matches sali ko dyan backyard din ako (rr) tony del kaya ayaw mo sumali kasi broiler alaga mo . ano ba linyada white leghorn o kabir :lol: :lol: :lol: :lol: at dapat ngang wag kang idamay tulad ng sabi mo hindi ka peddler;dahil isa kang broiler man cockmeyt ang peddler ay yung bumibile ng manok kung saan saan at muling ibebenta (buy n sell) at hindi sya nagpapalahi .
  Reply With Quote
Old March 16th, 2003, 03:22 AM   #30
thundercock
Member
 
thundercock's Avatar
 
Join Date: Jan 2002
Posts: 366
Posts: 366
vCash: 500
Naga patoto na lang si Sir Tony,...Sir Tony you really know how to start a fire...he he he,...cge larga na...


Thundercock

" Life is Short...Enjoy ":lol:
thundercock is offline   Reply With Quote
Reply Page 1 of 3 1 2 3  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Chicken Peddlers in the U.S. ghetto_grappler Chicken Talk 25 August 11th, 2006 06:18 AM
Why did d chicken cross the road? banderado84 Chit-Chat 1 May 6th, 2004 05:46 PM
do you want some hardy breeds? Read on FREE chickens roundhead Chit-Chat 2 March 19th, 2004 10:00 PM


All times are GMT +8. The time now is 05:00 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy