FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

Standard Compensation of a Good Handler

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > Standard Compensation of a Good Handler

Reply Page 1 of 2 1 2  >
 
Thread Tools Display Modes
Old December 8th, 2002, 05:51 PM   #1
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post Standard Compensation of a Good Handler

Mga katanungan ko lang kabayan na Backyard , Small time and Bigtime breeders .

1 ) Meron ba tayong parehas at the best na paraan kung paano natin maalagaan ang tapat at masipag na handler.
2))Ano ba ang talagang dapat o standard na komisyon para sa kanila lalo na kapag nag-champion tayo sa derby?

Maraming salamat at maligayang pasko.
  Reply With Quote
Old December 8th, 2002, 09:41 PM   #2
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Quote:
Originally posted by Red&Grey:
Mga katanungan ko lang kabayan na Backyard , Small time and Bigtime breeders .
1 ) Meron ba tayong parehas at the best na paraan kung paano natin maalagaan ang tapat at masipag na handler.
2))Ano ba ang talagang dapat o standard na komisyon para sa kanila lalo na kapag nag-champion tayo sa derby?

Kung stay-in, puede na free meals, free sleeping quarters plus basic salary. Bonuses on every win whether hacks or derbies. Kung champion sa derby, puede na ang 10% na komisyon para sa pot.

Eto naman ang experience ko sa mga human resources... kung minsan talagang may matino, kung minsan talagang may mga loko. Ang mga benefits only applies to result oriented workers, kung mga loko, wala tayong magagawa sa kanila kahit na 50% pa ang mga komisyon, kung mga loko sila talagang lolokohin pa din ang mga amo nila.

Tiyempuhan at suwertehan sa pagpili at pagkuha ng mga handlers.
  Reply With Quote
Old December 9th, 2002, 12:28 AM   #3
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
TD,
Small time breeder lang ako pero occasional din ang laban ko ng manok kumbaga once a year lang kapag family vacation.Kaya lang talagang gusto ko ng handler na matino para masulit ang bakasyon ko kaya lang occasional din ang kontrata ko sa kanya.
Heto ang mga offer ko sa kanila as part time handling,
1)P3,000 monthly allowance
2)Free food and everything
3)25 % sa derby kung mag-champion
4)P500 per win
5)Two way plane,bus or boat ticket.
At lahat ng goodtime na ginagawa ng nanalo sa derby he-he-he.
Agrabyado pa ba ang handler sa ganitong deal kahit na part time kumbaga.

"" Meri krismas ""

  Reply With Quote
Old December 9th, 2002, 08:36 AM   #4
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 683
Posts: 683
vCash: 500
Post

[quote]O

puede nyo ba i-explain kung ano ang mga gawain o trabaho ng isang handler?
jude is online now   Reply With Quote
Old December 9th, 2002, 10:24 AM   #5
Oplod
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

marami nang papayag sa iyo n'yan mga class A na handler galing Iloilo at Bacolod. just contact the right person.

-Oplod-
  Reply With Quote
Old December 9th, 2002, 01:06 PM   #6
morila abe
Senior Member
 
Join Date: Sep 2001
Posts: 2,512
Posts: 2,512
vCash: 500
Post

Red&Gray,

Maganda na ang offer mo.Dahil may siguradong Monthly allowance na pampamilia.
Iyong isang kasamahan ko sa Pampanga free food and lodging with 1500 per month allowance. Pero sa kanya ang premyo pag nagalaban sa hackfight +/- 1500 per win. Sana dedicated & honest ang makuha mong handler!

Masanting yang offer yan kabalen!

abe
morila abe is offline   Reply With Quote
Old December 9th, 2002, 03:16 PM   #7
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Quote:
Originally posted by jude:
puede nyo ba i-explain kung ano ang mga gawain o trabaho ng isang handler?[/b]

Jude,
Usually ang handler ay in-charge siya sa mga manok na pini-prepare sa derby at mga pre fight and post fight care ng mga manok. Mahirap hanapin ang ganyan kahit na sabihin nilang maraming pumapasok ng handler.Maraming puro bibig lang at kapag natalo ang manok na kinondisyon niya ay marami siyang excuses.

Abe,
Usually ang premyo rin sa hackfight ay kanya na rin.
Before ay ako ang gumagawa ng conditioning kaya lang nandito ako sa ibang lugar kaya naghahanap na rin ng
mapapagkatiwalaan.

meri kristmas
  Reply With Quote
Old December 9th, 2002, 11:21 PM   #8
roundhead
Senior Member
 
Join Date: May 2002
Posts: 797
Posts: 797
vCash: 500
Cool

mga kaigan ang masasabi ko lang ay kung hindi ka sigurado sa katauhan ng iyong gustong handler ay kailangan ipakuha niyo siya ng "NBI Clearance", siyempre hindi mo naman kakilala yung tao at kung kakilala mo man, nag-iiba din yan. tandaan ninyo na ang pagsasabong sa mga mata ng maraming kata-uhan ay sugal! wag na tayong mag malinis pa at itago ito sa pagiging "hobby" lamang dahil kahit na "hobby" mo ito, gusto mo rin makabawi kahit papaano. at siyempre para sa mga handler kailangan makakabawi din sila kahit papaano, hindi naman "career" ang pagiging handler, siguro ngayon ikaw amo mananalo pero bukas superstar ka pa rin ba? gaanong katagal ang iyong operasyon? pagmaikli lang ang iyong operasyon ay mag arkila ka na lang diba? mas mura pa. wala ka pang tinali. wala pang natukso.
roundhead is offline   Reply With Quote
Old December 12th, 2002, 07:04 AM   #9
roosterman
CyberFriends
 
Join Date: Aug 2002
Posts: 250
Posts: 250
vCash: 500
Post

Red&Grey,

Maganda sana ang offer mo, pero what about the rest of the year ano ang gagawin ng handler mo, saan siya pupunta?
Ano ba ang premyo sa hackfight?

TTFN
roosterman
roosterman is offline   Reply With Quote
Old December 12th, 2002, 07:09 AM   #10
roosterman
CyberFriends
 
Join Date: Aug 2002
Posts: 250
Posts: 250
vCash: 500
Post

Red&Grey.

Maganda sana ang offer mo, pero ano ang gagawin ng handler mo for the rest of the year, saan siya pupunta?
Ano ba ang premyo sa hackfight?

TTFN
roosterman
roosterman is offline   Reply With Quote
Old December 12th, 2002, 07:27 AM   #11
roosterman
CyberFriends
 
Join Date: Aug 2002
Posts: 250
Posts: 250
vCash: 500
Post


Red&Grey,

Maganda sana anng offer mo, pero ano ang gagawin ng handler mo for the rest of the year, saan siya pupunta?
Ano ba ang premyo sa hackfight?

TTFN
roosterman
roosterman is offline   Reply With Quote
Old December 12th, 2002, 06:52 PM   #12
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Wink

roosterman,
Ang madalas na hackfight premyo sa amin ay P1,000 kaya iyon ay kanya na plus siyempre ang pangakong P500/win sa akin.
Kaya part time handler lang ang kinukuha ko kasi nga tuwing uuwi lang ako for sabong vacation.
Meri kristmas
  Reply With Quote
Old December 13th, 2002, 09:25 AM   #13
roosterman
CyberFriends
 
Join Date: Aug 2002
Posts: 250
Posts: 250
vCash: 500
Post


Red&Grey,

"HAPPY YULETIDE!!!"

roosterman
roosterman is offline   Reply With Quote
Old December 14th, 2002, 05:40 AM   #14
balian
Senior Member
 
balian's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Kuala Lumpur
Posts: 1,562
Posts: 1,562
vCash: 500
sa kaso ko naman, yung handler ko ay may ilang manok din na sarili niya bukod sa mga manok ko. bale kapag bumibili kami ng mga pakain at gamot ng manok ay isinasabay ko na pati yung manok niya. yun na bale ang bayad ko sa pag-aalaga niya ng mga manok ko. pero siempre tinitingnan ko ring mabuti tuwing weekend ang kundisyon ng mga manok ko. kapag napapalaban ang manok niya ay ako ang pumupusta dahil wala siyang pera at kapag nanalo ay binabalatuhan ko ng 20% ng pusta ko. with my own birds, 10% naman ang balato ko sa kanya. so far, for the past 6 months ay ganon ang set-up namin at wala naman kaming nagiging problema.

sa palagay po ba ninyo liyamado or dehado ako sa ganitong set-up? hanggang 30 fowls lang po naman ang capacity ng area namin.

------------------
regards,
balian
balian is offline   Reply With Quote
Old December 14th, 2002, 01:12 PM   #15
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Balian,
Sa hirap humanap ng tunay at trusted handler ay palagay ko give and take na kayo ng handler mo ngayon.Basta swerte siya sa iyo at walang masyadong negatibong resulta ay okey na iyan.
Ako ay may talagang handler pero ang gusto ko ay may extrang tulong ang mga tauhan ko sa farm kaya gusto ko ng extra handler lalo na uuwi ako for my sabong vacation.

meri kristmas
  Reply With Quote
Old December 14th, 2002, 02:32 PM   #16
RARAVEZ
Member
 
Join Date: Oct 2000
Posts: 245
Posts: 245
vCash: 500
Balian, maganda ang pinagkasunduan ninyo ng Handler mo, kahit na ito ay nagsimula sa pakiramdamang bigay na porsiyento.

maraming Handler na naibigay na sa kanila ang dapat o ang napag usapan, kinukuwenta pa nila (Handler) ang panalo ng kanilang pinagtratrabaho-an na nagiging simula ng hindi magandang samahan.

sa larangan ng trabaho, may pagitan ang nagpapatrabaho at trabahador, maraming trabahador ang lumalabis sa kanilang katungkulang ginagampanan sapagka't walang kasulatan na nagpapahayag ng kanilang tungkulin, siguro noon mas matatag ang salita ng isang tao, sa panahon ngayon alin sa dalawa ang mas matatag. siguro mas matatag ang Pera, kasi ang daming mga bossing na nasa tabi na lamang ng sabongan hindi nila malaman kung sa panahon ng kanilang pagsasabong ang kanilang mga mahal na manok ay natalo ng parehas o natalo na may mahalagang dahilan. hanggang sa muli, siguro ang mga Handler ang magiging may pera kaysa sa kanilang mga bossing, pagdating ng panahon...cheers..

P. S.
Ang Handler ng kaibigan ko ang sabi niya kay Bossing, "TILL DEATH DO US PART".
RARAVEZ is offline   Reply With Quote
Old December 14th, 2002, 11:31 PM   #17
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Unhappy

Mang Ben,
Kung talagang bibigyan mo ng pansin ang handler at bossing sa larangan ng sabong minsan o baka madalas ang bossing ang nasa loosing side.Kaya minsan mas maganda ang handler na hindi nagtatare para may 50/50 chance ang bossing sa anomalya.Gaano kadami ang bossing na nasa side na lang ng gradas at ang handler ang bumabandera sa ibabaw ng gradas?At gaano rin kadami and handler na palit na ng palit ng bossing?

"meri kristmas"
  Reply With Quote
Old December 15th, 2002, 01:37 AM   #18
KALBO-KA
Member
 
KALBO-KA's Avatar
 
Join Date: Sep 2000
Posts: 277
Posts: 277
vCash: 500
Red&Grey,,,


Ganda ng offer mo Pre Kumpara mo sa Iba kung pwede lang ako apply ako sayo kaya lang laki ng payments ko sa bahay ehhh....Pero kung ako sayo hayaan mona yung Ayaw lumalaki ang ulo, Akala nya dimo kaya kung wala siya, Kaya nyo yan Pre...Stick with your Old handlers....Ingat Pre Gudluck sayo....

Top-gone

KALBO-KA is offline   Reply With Quote
Old December 16th, 2002, 06:49 AM   #19
angel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Thumbs up

sa akin ay libre lahat sigarilyo.pag kain,tirahan.kompleto ang bahy sa mga appliances.10% sa hackfigth at derby.small time derby nga lang kasi nag-uumpisa pa lang ako.sa mga gawain sa farm grass cutter o pag lilinis ng farm binibigyan ko sila ng 150 a day yun ay extra.may christmas bunus at birthay bunus din kung magkano ang sweldo iyon ang bunus.ok naman kung may magkasakit sa pamilya may tulong din.kaya kahit papaano ok naman. kami ng tao ko sa farm.
sana makatulong...
angel"h-manokis"
  Reply With Quote
Old December 16th, 2002, 07:33 AM   #20
astro
Senior Member
 
astro's Avatar
 
Join Date: Jul 2001
Posts: 1,018
Posts: 1,018
vCash: 500
Cool

Hello mga Kapatid sa Sabong,

Masuerte siguro ang Handler ko, 6,000pesos per month, free food and lodging plus balato lang kung nanalo. Kung malaki panalo, malaki rin ang balato, kung maliit lang panalo tsibog, san mig at pulutan.

Inisip ko nga na bawasan at bigyan na lang fixed percentage sa panalo, kaya lang baka magkuenta gaya na sinabi ni CF Raravez. Ano kaya? Isip si Astro.

Astro
astro is offline   Reply With Quote
Old December 17th, 2002, 07:35 AM   #21
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,851
Posts: 8,851
vCash: 500
Post

What if kung may kamag-anak ka na nag-alaga ng mga manok mo na hindi simisingil sa iyo ng monthly allowance then siya na rin ang bahala sa lahat, including pagpapalaki ng sisiw hanggang sa ilaban ang mga manok mo basta sagutin mo lang ang pagkain ng mga manok. Magkano naman kaya ang ideal na dapat mong ibigay kung nanalo ang iyong mga manok sa hackfight? ilan percent kung derby champion kayo ?

Thanks.

God Bless.
jlbs72 is online now   Reply With Quote
Old December 17th, 2002, 12:46 PM   #22
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Smile

Jlbs,
Pare ang swerte mo sa kamaganak bihira ang ganyan.
Palagay ko depende na rin sa perang napanalunan mo kasi ako nung mag champion ako sa derby at nakita kong kaunti lang ang jackpot ay binigay ko na lahat sa handler ang share ko.
Ang 20-25 % ay okey na siguro anyway mabait naman ang kamaganak mo.

"meri kristmas"
  Reply With Quote
Old December 17th, 2002, 03:01 PM   #23
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Swerte nga si Jlbs, madami na ako nadinig at naexperiensa na kapag kamaganak ang hahawak ng mga manok, lagi-lagi daw nananakaw, namamatay at basta na lang nawawala ng di nila alam. Pagkatapos ay makakadinig ka na nanalo daw ang mga manok mo sa ganitong sabungan ng di ka naman naglalaban doon.
  Reply With Quote
Old December 17th, 2002, 03:05 PM   #24
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Swerte nga si Jlbs, madami na ako nadinig at naexperiensa na kapag kamaganak ang hahawak ng mga manok, lagi-lagi daw nananakaw, namamatay at basta na lang nawawala ng di nila alam. Pagkatapos ay makakadinig ka na nanalo daw ang mga manok mo sa ganitong sabungan ng di ka naman naglalaban doon.
  Reply With Quote
Old December 17th, 2002, 03:14 PM   #25
RARAVEZ
Member
 
Join Date: Oct 2000
Posts: 245
Posts: 245
vCash: 500
God Bless,

Ang sarap matulog kung ako ang may pinsan na tulad mo, sa palagay ko kung magkano ang maluwag sa iyong puso at maligayang tinatanggap ng pinsan mo iyon ang may pinakamagandang pamamaraan ng bigayan, sa aking palagay lamang.
at parang na sa lugar din ang halaga ng binibigay na pera sa mga katulong, tulad dito sa probi isang pamilya na ang bubuhayin ng mga binibigay ng ating mga kasama sa isang tao lamang at mabubuhay na sila ng masagana sa mga halagang nabanggit. maligayang pasko sa lahat.
RARAVEZ is offline   Reply With Quote
Old December 17th, 2002, 04:52 PM   #26
Red&Grey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Speaking of kamaganak ay meron akong kilala na pauwi na siya ng pauwi ng manok from U.S at tuwing uuwi sa Philippines ay walang natitira sa manok kasi daw nauubos sa avian ,CRD at lahat na ata ng peste.So minsan ay may nagbalita sa kanya na meron na palang backyard farm ang kamaganak niya sa kabilang ibayo he-he-he.
Kaya swerte talaga si Jlbs.

"hapi niyo yir"
  Reply With Quote
Old December 17th, 2002, 11:14 PM   #27
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,851
Posts: 8,851
vCash: 500
Post

Natapat lang na mabait itong pinsan ko na nag-aalaga ng manok. So far ay wala pa naman akong major problem sa kanya. kaya kung may hininging pabor kung kaya ko rin lang ay ibinibigay ko. Give and take lang kami. mahirap lang minsan nasisira ang diskarte mo dahil may desisyon siya na hindi sinasabi sa iyo tulad sa breeding. Hindi ko naman magawang pagalitan dahil baka magalit o magtampo at iwan ang mga manok, hehehe... kaya papalagpasin ko na lang at sasabihan ulit sa mahinahon na paraan. Pero kung titignan mo naman ang ginawa niya, May katwiran siya sa kanyang desisyon. In short, TAMA siya, hehehe...

whew... hirap talaga ng malayo ka sa manok mo, hehehe...

God BLess.
jlbs72 is online now   Reply With Quote
Old December 18th, 2002, 09:01 AM   #28
angel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
sangayon ako dyan .pag tumawag ka iba na ang broodcock.kailangan kong sabihin at ipaliwanag ng maayos.para di mag tampo.
mahirap talaga ang malayo sa manok.....




angel"h-manokis"
  Reply With Quote
Old December 19th, 2002, 01:27 AM   #29
Pinolim
CyberFriends
 
Pinolim's Avatar
 
Join Date: Sep 2001
Posts: 3,598
Posts: 3,598
vCash: 500
Post

Sa maliit kong farm, brother in law ko ang nagha-handle, lahat nang gastos all accounted for, tinatanong ko ang dalawang tagapag-alaga kung kamusta ang kanilang sitwasyon, maligaya naman sila, masigasig mag-trabaho, malinis ang paligid maski marami pa ang i-improve kasi kaumpisa pa lang namin. Mag-t-testing kami sa 3 cocks nang aming 9 months old sa linggo at mapagkatiwala-an naman ang aking bayaw. Pinadala ko ang pot money at siya na ang bahala. May picture lahat ang naka-cord, may lista nang wingbband #, lista nang mga sisiw,
na kung tuto-usin busy rin siya sa kanyang negosyo, minamanage at supervise lang ang aming farm araw-araw. Excited na siya na mag-bitaw nang aming entry, nagpa-practice daw siya Candelaria tape na pinadala ko.
Bwenas lang ba ako?

------------------
4got10cocker
Pinolim is offline   Reply With Quote
Old December 19th, 2002, 02:01 AM   #30
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,851
Posts: 8,851
vCash: 500
Post

Mabait ka kasi kaya mabait din sa iyo relatives mo.
jlbs72 is online now   Reply With Quote
Reply Page 1 of 2 1 2  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Ano bang katangian ng handler na hinahanap ninyo? ROYhatchkelso Usapang Manok 48 September 10th, 2009 02:59 PM
Sweaters and Showtime Kelso heel_to_kill Chicken Talk 7 December 31st, 2008 11:32 AM
Carol Nesmith Sweater´s, His Version florencioangulo Chicken Talk 201 November 7th, 2006 12:17 AM
Bottom Line - Winning Your Matches Due to Excellent Handlers mrpayperview Chicken Talk 20 April 1st, 2006 04:44 AM
who is right the Handler or Breeder? mariorefer39 Chicken Talk 54 December 5th, 2005 03:21 AM


All times are GMT +8. The time now is 12:40 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy