FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

Bakuna

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > Bakuna

Reply Page 1 of 4 1 2 3 4  >
 
Thread Tools Display Modes
Old February 18th, 2003, 04:59 PM   #1
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,854
Posts: 8,854
vCash: 500
Bakuna

TANONG LANG PO...

1. May idea ba kayo kung ano epekto kung magbibigay tayo ng b1 la sota sa ating 1 week old na manok pero hindi ka pa nagbibigay ng b1b1 ?

2. pwede bang unahin ang fowl pox vaccine kahit hindi ka pa nagbibigay ng b1b1 at b1 la sota ?

3. what if b1b1 lang then fowl pox na bigay mo, ok lang ba yon ?

Many thanks.

God Bless.
jlbs72 is offline   Reply With Quote
Old February 18th, 2003, 05:21 PM   #2
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Puede ka actually gumawa ng sarili mong vacc program. Iba-ibang farm sa iba-ibang lugar ay iba-iba ng vacc program. Sa broiler farm ang bigay lang namin ay NCD B1B1 (intraocular) on the 10th day and NCD La Sota (given with milk) on the 21st day. Kung summer, ay di na kami nagbibigay ng La Sota vacc at B1b1 na lamang.

Ang La Sota ay isa ding "booster" ng B1b1 kaya pre-requisite ang B1b1 sa mga chicks bago bigyan ng La Sota. Sa aming nahalata, nagkakaroon ng matamlay na pag-uugali ang mga sisiw pagkatapos ng LaSota ng mga 24 hours. Tapos ay normal na sila.

Puede ka magbigay ng FP vacc even without NCD vacc but on the right age of applying FP.

Ok lang naman kung B1b1 NCD then FP lang ang ibigay mo.
  Reply With Quote
Old February 19th, 2003, 12:47 PM   #3
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500
fowl pox

meron bang overdose sa pagbibigay ng fowl pox at ncd vaccines?
maari bang dagdagan ang bakuna para sigurado ang resulta, lalo na ang FP?
jude is offline   Reply With Quote
Old February 19th, 2003, 12:59 PM   #4
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Jude, puede siguro ang dalawang patak sa mata. Pero sabi ng vet sa broiler farm ay sapat na ang isa. Mas magastos kung dalawang patak pa. Di ko pa naitanong kung may overdose ang NCD vaccines, pero siguro kung sobra ay makakasama din bukod sa gastos pa. Yung FP naman, sa wingweb, isang turok lang puede na sila.
  Reply With Quote
Old February 19th, 2003, 01:27 PM   #5
loko201
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
tonydel

pag di ba naubos yung isang maliit na bote ng la sota or any vacc, kailanag bang i despose na yun? di na ba pwede gamitin yun ulit? kasi sabi daw one use lang daw yun? tama ba yun? thanks!
  Reply With Quote
Old February 19th, 2003, 01:44 PM   #6
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500
td,

meron kasi akong nabasa na minsan nagmimintis din ang fowl pox at kailangan pa ulitin ang vaccination kung walang langib yung area sa wing web na tinurukan ng needle after mga ilang days na binakunahan ito.
jude is offline   Reply With Quote
Old February 19th, 2003, 01:45 PM   #7
solraya
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
loko201

once nabuksan yun, kailangan magamit w/in 3 hrs. ang normal na nabibili ay pang 1000 dose, pero mayroon na lumabas na 100 dose pang mga backyard users.
  Reply With Quote
Old February 19th, 2003, 04:24 PM   #8
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
loko 201, Yung vaccine vial na nabuksan na ay minsan mo lang magagamit yon dahil mamatay na ang live viruses sa vaccine. Kaya dapat ay iyong sususnugin ang vial pagkatapos gamitin dahil dito magsisimula ang mga outbreaks ng mga diseases.

Jude, basta nagmantsa yung kulay blue doon sa balat (wing-web) ilang raw pagkatapos mong bakunahan ay umepekto na ito. Pero nakaexperience na ako ng Fowl Pox outbreaks kahit na nabakunahan na sila. Dahil dito ay di na ako naglalagay ng FP vaccine at NCD na lamang.

Sol, maganda pala at may 100 dosage na vaccine na ngayon.
  Reply With Quote
Old February 19th, 2003, 06:30 PM   #9
solraya
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
TonyDel,

sad to say the cost difference bet the 1000dose and the 100dose is very minimal. It may be the reason why some poultry supply stores don't carry the small packagings. In this regard, we advise the buyer to get the 1000dose and share with the neighbors. That way, he helps to curb the disease in the area.

Loko201,

Also, it is important that it be transported w/ ice. Ask the store to pack some ice to last your trip.
  Reply With Quote
Old February 20th, 2003, 06:52 AM   #10
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500
yun bang mga manok na naka-recover mula sa sakit na fow pox at lalo na sa ncd ay pwede pa rin maging competitive sa laban?
jude is offline   Reply With Quote
Old February 20th, 2003, 08:41 AM   #11
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,854
Posts: 8,854
vCash: 500
kung 1 week pa lang ba yung mga chicks pwede na bigyan ng B1B1 ? at least 4 months ba dapat bago bigyan ng fowl pox ang chicks ? ano mangyayari kung bibigyan ang mga chicks kung 2 or 3 weeks old pa lang sila ?

salamat.

God Bless.
jlbs72 is offline   Reply With Quote
Old February 20th, 2003, 11:16 AM   #12
TonyDel
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Normal lang ang makarecover ang manok sa Dry Fowl Pox. Halos 100% nabubuhay ng normal basta walang secondary infections. Kung Wet Fowl Pox, ay namamatay ang mga manok dahil sa lessions sa lalamunan, di na sila makakain. Nakaranas na ako ng magkaroon ng mga Fowl Pox kahit na nabakunahan na sila ng FP at nakaranas na din ako ng Wet Fowl Pox outbreak na nagmula mismo sa vaccine.

Kung NCD naman, ang mortality rate ng NCD ay mga nasa 90's at mabilis nitong nililimas ang mga manok sa buong flock. Ngunit mula ng maging grower kami noong 1993, ay di pa ako nakadinig or nakaranas ng kahit isang outbreak nito sa area namin at ganoon din sa mga gamefowls.

Puede magbigay ng NCD ng mula 7 days pero mas maganda kung mas matanda ng kaunti para mas malakas na ang katawan nila na absorbin ang NCD live vaccine. Nasubukan ko na din magbigay ng NCD vaccine ng 1-3 days old at mayroon mga sisiw na naging matamlay kumain at tuluyang nahuli sa mga ibang kasabay nila. Ang FP vaccine ay aabsorbin ng katawan ng manok sa edad na 12-15 weeks old. Kung mas bata ay baka may masamang effect or di maabsorb ng manok ang vaccine.
  Reply With Quote
Old February 20th, 2003, 12:10 PM   #13
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500
totoong malupit ang ncd. malilimas talaga ang manukan nyo.
jude is offline   Reply With Quote
Old March 14th, 2003, 10:51 PM   #14
bonz
CyberFriends
 
bonz's Avatar
 
Join Date: Mar 2002
Location: Taiwan/Pangasinan
Posts: 281
Posts: 281
vCash: 500
Saan po tamang pinapatak ang NCD B1B1 at NCD LA SOTA? Sa mata po ba o sa ilong?

Kailangan po bang bakunahan ang malalaki ng mga manok kada taon?
bonz is online now   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 02:12 AM   #15
majestic
Member
 
Join Date: Sep 2000
Posts: 32
Posts: 32
vCash: 500
Bakuna

bonz,

Ok sa ilong or patak sa mata mag apply ng B1B1 at B1 Lasota.
Eto ang praktis namin sa pag babakuna ng mga sisiw na "Teksas"
Iba kasi ang praktis sa mga broilers.

Day 1 to 3- B1B1, basic yan pang "priming" para sa future na pag apply ng B1 Lasota.

Day 11 to 14- apply na booster shot na BI lasota

Day 21- Fowl Pox Vaccine. apply sa wing web. Mag ingat na huwag tamaan ang wing muscles. Check mo kung nag "type" or kung nag karoon ng langib sa wing web after 3 to 5 days. Kung walang langib after a week, ulitin mo fowl pox vaccine. Baka kasi hindi mabisa ang FP VACCINE due to improper storage or paso na.
Medyo maaga kami ng konti mag apply ng Fp Vaccine dahil sa lugar namin, minsan wala pa isang buwan tinatamaan na ng "bulutong"

Day 45 & 60-apply coryza vaccine - as prevention to infectious COryza.

Notes:1. Kapag nag bibigay ka ng Bakuna, mag halo sa tubig na inumin ng mga sisiw ng multi vitamin water soluble to avoid stress or pananamlay one day before up to 3 days.

2. Mas maganda mag bakuna sa gabi dahil lesser ang stress sa mga sisiw dahil mas tahimik at malamig kaysa sa araw.
majestic is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 02:28 AM   #16
majestic
Member
 
Join Date: Sep 2000
Posts: 32
Posts: 32
vCash: 500
Re: Bakuna part 2

KUlang ang space kanina,

Mareks Vaccine- Kung ang mga palahi mo na sisiw ay "imported"
ang ginamit mo na brud stocks, suggest ko mag apply ka ng Mareks Vaccine on Day One or unang araw ng pag pisa. Adjust mo na lang another week yung Vaccination program na nasabi ko. Nangyari na sa akin at ibang kilala ko na pag hindi nag apply ng Mareks Vaccine sa mga palahing sisiw from imported stocks, ay ito ay tianatamaan ng Mareks disease- symptomas yung biglang mamimilay na naka bukaka ang paa kahit na 9 months na sila.

Maganda rin consult mo local vet dyan on other needs sa vaccine like Gumboro. Sa amin pag hindi prevalent ang ganyang klsaeng disease ay hindi namin ina-apply. Maari pang ang pag introduce ng ganyang bakuna ang magkalat dyan ng ganitong uri ng sakit.

Good luck, remember iba ang Vaccination program ng Broilers. ok lang na sundan ito kung after 45 days iluluto mo na ang palahi mo. Hehehe.
majestic is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 08:04 AM   #17
Edong
Member
 
Edong's Avatar
 
Join Date: Jun 2001
Posts: 417
Posts: 417
vCash: 500
Coryza Vaccine

Pwede bang magbigay ng Coryza Vaccine sa mga isang buwan pa lang na sisiw? Pwede rin ba magbigay sa mga malalaki na?

Salamat po,
Edong
Edong is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 03:45 PM   #18
majestic
Member
 
Join Date: Sep 2000
Posts: 32
Posts: 32
vCash: 500
Re: Coryza Vaccine

Edong,

Nagbigay kami dati ng Coryza Vaccine thru "subcutaneous route"
sa mga 5 weeks old na chicks. pero na stress sila ng husto. Meron din naman na Coryza Vaccine na "intra muscular route". Depende na lang sa instructions ng bawat vet pharma company.

Mas nakakaya nila nung 6 weeks na sila. Dapat sundan uli ng booster shot after another 2 weeks. Pero, pag prevalent ang coryza sa lugar nyo, mas ok mag apply ng 3rd shot after another 2 weeks.

At least 90% nang mga palahi mo ay safe na sa Coryza. Para sa breeding stocks nagbibigay uli kami 30 days bago mag breeding season sa mga inahin at brud cocks para prevention lang and the hen "seems" to be able to transfer some of these antibodies to the chicks.

Good luck. Pag medyo may kulang pa sa aking explanation puede ka tawag sa akin- 941-24-62
majestic is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 06:25 PM   #19
JEVVERAY
Member
 
JEVVERAY's Avatar
 
Join Date: Jul 2002
Location: DAPITAN CITY, ZANORTE
Posts: 261
Posts: 261
vCash: 500
BAKUNA

Hi,

Hindi porke may coryza vac. yun mga babystags mo. tatamaan pa rin ito ng sipon.... ingat lang pero madali lang silang gamotin.

price range ng coryza vac. 2,800 to 3,800 depende sa brandname almost imported ito... eh!!! MAHAL....

Keep sorrounding clean time na lang...


Jev
JEVVERAY is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 06:34 PM   #20
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
cockmate
ingat lang kayo sa mga payo ni tony del .dahil ang kaalaman at karanasan nya ay batay sa aso ;isda;halaman;at kakataying manok {broiler}
ako si rolly ramos
  Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 06:45 PM   #21
rolly_rolly216
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
jude pare
kung sakin di na maige ilaban na ncd mahina na baga }lungs{ at pag binulutong lalo sa tuhod . nadadale ang litid nagiging maigsi ang palo short cutter
  Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 10:55 PM   #22
earan
Senior Member
 
earan's Avatar
 
Join Date: Jun 2002
Location: Calamba, Laguna
Posts: 840
Posts: 840
vCash: 500
magastos na hobby

majestic & rolly

mabuti naman at yang experiensiya nyo eh sa gamefowl at hinde sa broiler. magastos na hobby yan...
earan is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 11:19 PM   #23
majestic
Member
 
Join Date: Sep 2000
Posts: 32
Posts: 32
vCash: 500
Re: BAKUNA

Jeverray.,

Meron mura na at imported pa na Coryza Vaccine from Italy na about half the price that you mentioned. Hindi ko lang masabi ang source dahil dito run kumukuha ang mga malalaking poultry supply.

But I could tell you on the phone na lang where you could buy it.
Good also for 1,000 doses din . Mas maganda kung magkaroon kayo ng grupo nyo ng parang "cooperative" para share sa gamit at gastos.
majestic is offline   Reply With Quote
Old March 15th, 2003, 11:30 PM   #24
JEVVERAY
Member
 
JEVVERAY's Avatar
 
Join Date: Jul 2002
Location: DAPITAN CITY, ZANORTE
Posts: 261
Posts: 261
vCash: 500
CORYZA VAC.

Hello Majestic,


Salamat sa advice ninyo......


Jev
JEVVERAY is offline   Reply With Quote
Old March 17th, 2003, 12:34 AM   #25
honda
Member
 
Join Date: Mar 2003
Posts: 59
Posts: 59
vCash: 500
to mr. neri

hello sir. ako ho ay nakabili na sa inyo ng 3 one month old na sisiw nung June, kelso x hulsey, doc (bilog) x hulsey at 3/4ylh x kelso.

Wala ho akong problema dun sa k/h at doc/h, dahil at 9mos winner na ho yung huli at yung una naman po pinapagulang pa namin bago ilaban.
kaso po ,iyun 3/4 ylhx kelso ay lumaking mayahin. iti-next ko ho sa inyo ito at sinagot po naman ninyo ako na ito ay rubble. nagkroon lang ng problem sa marking. naunawaan ko po iyon, tutal naman po healthy yung sisiw nung makuha ko. dissapointed lamang po ako dahil umaasa po ako sa 3/4 na yellow legged hatch na gagawin ko sana po na broodcock. natalo na ho sa hack fight yun rubble.
honda is offline   Reply With Quote
Old March 28th, 2003, 08:05 AM   #26
P_U_L_A
Senior Member
 
P_U_L_A's Avatar
 
Join Date: Oct 2002
Posts: 1,190
Posts: 1,190
vCash: 13278471606818
Post fowlfox

Kakmyts,

Papano ba iturok yong fowlfox vaccine sa wingweb ng manok???
kasi first time kolang gagamit nito, diba manipis yong wingweb ng manok? kong meron kayong picture paano ginawa mas maganda.Baka kasi masayang lang ang vaccine, diba dalawang needle yong fowlfox?

maraming salamat at sana masagot nyo ang mga katanungan ko....



P_U_L_A is offline   Reply With Quote
Old March 28th, 2003, 09:09 AM   #27
Gallos Locos
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Ihalo lamang ang distillied water sa bakuna, pagtapos ay ibabad ang dalawang karayom. Iturok ito sa wing web ny manok (tagusan), at dahang-dahan bunutin. Ulitin ang proseso sa susunod na babakunahan.
  Reply With Quote
Old March 28th, 2003, 09:43 AM   #28
loko201
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
saan ba ang WING WEB ng manok?
  Reply With Quote
Old March 28th, 2003, 09:55 AM   #29
lemonut
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
kakmeyts

nakapag-bakuna ako ng mga sisiw namin two weeks ago, nag-check ako last week para tignan kung may langib yung wingweb pero ang nakita ko ay maliit na bukol sa area na pinasukan ng pricker. tanda ba ito na okay yung bakuna at tama yung pagkabakuna?
lemonut
  Reply With Quote
Old March 28th, 2003, 01:20 PM   #30
jude
Senior Member
 
jude's Avatar
 
Join Date: Nov 2002
Location: Tanay,Rizal
Posts: 684
Posts: 684
vCash: 500
loko 201,

ang wing web ay yung kinakabitan ng wing band.
jude is offline   Reply With Quote
Reply Page 1 of 4 1 2 3 4  >


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
N.E.C.C. - Nueva Ecija Cyber Cockers thammie Hot Topics 24618 May 13th, 2008 08:51 PM
Alternative sa bakuna... stoichion Usapang Manok 20 December 10th, 2007 08:57 PM
Pag Unawa Sa Sakit At Bakuna jlbs72 Usapang Manok 3 September 17th, 2007 04:31 PM
Lumang bakuna? joel ramos Usapang Manok 1 March 3rd, 2005 06:55 PM
bakuna 101 loreto rico Chicken Talk 1 October 29th, 2004 12:08 PM


All times are GMT +8. The time now is 10:23 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy