FAQ Members Mark Forums Read Vbookie

cross breeding tagalog na manok sa inahen na teksas

  Lost password?

Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > cross breeding tagalog na manok sa inahen na teksas

Reply
 
Thread Tools Display Modes
Old August 11th, 2002, 02:48 AM   #1
bernzfowlfighter
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post cross breeding tagalog na manok sa inahen na teksas

mga igan baka anytime sa buwan na to mag pakasta na ang aking inahin na halos dalawang buwan ko ring pinagtyagaan na alagaan para sa aking palahi...impotante po ang inyong mga opinyon dahil lahat po ng aking mga plano at ginagawa ngayon ay ayon sa aking mga nababasa sa site na ito. sana po ay matulongan nyo ako sa aking agam agam...

ang aking inahen ay galing sa isang kilalang sabungero sa mindnao. ginastosan ko ng isang ticket sa barko para lang madala dito ng tao sa manila dahil malaki ang tiwala ko sa lahi nito. dapat kasi ay may partner ito na broodcock pero dahil sa walang magda2la at sa tagal na hindi ko nakuha(2 months) ay namatay, kaya inahen nalang ang natira ng may taong magdadala na.

ngayon ay kailangan ko ng broodcock. mayroon akong kapit bahay na nag offer ng 4x hackfight winner pero mestizohin o tagalogin, aminado naman sya. lahat ng anak ng brood cock na ito ay winners so far isa palang ang laglag na alam ko sa second genaration na anak nya. sa aking obserbasyon magaling lang talaga mag train at magalaga itong kapitbahay ko dahil wala sya inaatupag kundi manok, walang trabaho at maraming oras sa manok. may laro din ang mga lahi ng tagalogin o mestizo ng brood cock na ito...

base sa mga background na sinabi ko ito ang aking mga tanong na bumabagabag sa akin....dahil kahit papaano wiling akong gumastos ng oras at pera para lang sa breeding nitong inahen ko...kaya sana gusto ko maganda ang simula ko pagdating sa palahi...ito nga ngayon ang aking katanungan?????

1. Maganda bang mag cross ng tagalogin o mestiza sa texas na inahin?

2. Mahalaga ba ang winning line na tinatawag kaysa sa taas ng dugo o lahi ng manok.

Ang inyong opinyon at tulong ay mahalagang basihan ng aking disisyon kong tatanggapin ko o itu2loy ko ang pag palahi sa broodcock na ito...Kung mayroon pa kayong maipapayo na mapaganda pa ang simulang aking pagpa2lahi itoy aking tatanawin na malaking utang na loob...malay nyo balang araw...magkita tayo...

Maraming salamat...
bernz
  Reply With Quote
Old August 11th, 2002, 02:56 AM   #2
babc908
Member
 
Join Date: Jun 2002
Posts: 35
Posts: 35
vCash: 500
Thumbs up

pre,
hindi mo malalaman kung ok ang combination pag di mo sinubukan!!! ganyan lahat ang breeding trial and error.. makikita mo lang pag sinubukan. Gastos at panahon ang ibubuhos mo bago ma laman. Miski parehong winning line o mataas ang dugo pag di ok ang sangkap at combination wala rin. Subukan mo at keep us in touch.

[This message has been edited by babc908 (edited 08-10-2002).]
babc908 is offline   Reply With Quote
Old August 11th, 2002, 03:33 AM   #3
macgyver
Member
 
Join Date: Nov 2001
Posts: 34
Posts: 34
vCash: 500
Cool

pre sa aking palagay pwede mo palahi yang tandang na tagalogin sa inahen mong maganda ang lahi, pero sa kin, mas maganda kung winning line to winning line ang broodcock mo @ broodhen mo para may 80% ka na mga sisiw na maganda, para pag nilaban mo sa rueda confidente ka sa salpukan.-weng-
macgyver is offline   Reply With Quote
Old August 11th, 2002, 11:36 PM   #4
Gallos Locos
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Sa aking palagay naman. Kung iyong binigyan ng importansya ang inahin para ipadala dito, sayang kung sa mestiso lamang siya ipapares. Sa tindi ng labanan ngayon, sayang lamang ang oras sa pag aalaga ng mestisohin. Opinyon ko lang po.
  Reply With Quote
Old August 12th, 2002, 12:22 AM   #5
Clipgrey
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Thumbs up

Ganito na lang ang gawin mo, subukan mo yang mestisohin, kahit hiramin mo muna sa kapitbahay mo, just for one breeding. Hindi naman masakit kung hindi mag click o pangit yung resulta dahil konti pa lang naman...Assess mo yung result, tapos kung OK talaga ang resulta, saka mo na lang bilhin yung Mestisohing broodcock...At mas ok na rin na kumuha ka ng mataas na klase na broodcock na may magandang winning line, gamitin mo ito sa pangalawang setting sa breeding mo...Ito ay para makumpara mo kung anong breed(mestisohin o texas) ang mas OK o compatible na pares sa iyong inahin at para malaman mo kung ano ang itutuloy mo sa pag breeding...
Sa kaso mo ito ang ma-ipapayo ko, pero kung para sa akin ito, kukuha na lang ako ng puro mataas na klase na manok para broodcock, magkakaroon pa ako ng kumpiyansa sa breeding at sa magiging manok ko...
Sana nakatulong ito sa 'yo...


Clip


[This message has been edited by Clipgrey (edited 08-11-2002).]

[This message has been edited by Clipgrey (edited 08-11-2002).]
  Reply With Quote
Old August 12th, 2002, 03:36 AM   #6
roundhead
Senior Member
 
Join Date: May 2002
Posts: 797
Posts: 797
vCash: 500
Cool

pareng bern:

basta nasubukan mo na ang pumapatong na native. at saan nanggaling ang native? eh baka mitra pala yang tinatawag mo na native ala eh di naka dyakpat ka pa! tulad ng sabi ni late senator mitra, wala siyang pakelam kung ang mga manok niya ay tumatakbo basta pinapatay ang kalaban! mayroon ka nganang mga teksas na ubod ng tapang pero puro tapang lang, pag lagay mo ng kutsilyo walang direksyon ang palo. kung nakakanood ka ng mga big time derby may mga kilala at mga malalaking sabongero na tuwing naglalaban lagi na lang nasa "drag". ayun ang senyales na hindi na nakakaputol o nakakhiwa. kailangan pag nag bribreed ka sineseleksyon mo ang mga magulang, sa tapang sa pag putol at etc. tandaan mo ang mga magandang native malayo ang mga paa lagi at ulo ng kalaban ang tinitira. pag katawan ang tinitira ng mga ito, makikipag sabayan yan at baka mapuruhan ng mga purong teksas at shapulin ng walang hinto. tama ang mga sinabi ng mga katoto natin dito rin sa thread, dahil kung magpaitlog ka ng mga mestiso, baka lumarong parang teksas yan pero pitik native ala eh baka mapabayad ka kaagad. ang mga native kasi chambahan yan, sa 10 baka isa ang saksakan ng galing. alam mo hindi na rin kamahalan ang mga magagandang manok, makabili ka sa mga backyard breeder o sa aranque o sa arnaiz sa harap ng sabongan sa pasay. adbays ko lang pre.
roundhead is offline   Reply With Quote
Old August 12th, 2002, 03:23 PM   #7
BattleGear
CyberFriends
 
Join Date: Sep 2001
Posts: 338
Posts: 338
vCash: 500
Post

Baka hindi magkaintindihan ang Tagalog na ganador at Teksas na inahin during the ligawan period. hehehehe....Isang nananagalog at isang spokening dollar. LOL

Seriously, sa aking palagay, mas mainam na ang teksas sa teksas. Kung balak mong makapag-produce ng derby quality fowls, ay teksas sa teksas na ang gamitin mo.

-BG
BattleGear is offline   Reply With Quote
Old August 13th, 2002, 04:02 AM   #8
jlbs72
CyberFriends
 
jlbs72's Avatar
 
Join Date: Aug 2000
Posts: 8,854
Posts: 8,854
vCash: 500
Post

Bernz,

Sa akin naman, bago ka magsimula mag breed ay alamin mo muna ang fighting style na gusto mo sa manok.ano ba gusto mo, grounder, flyer, angat-sarado, salto, patalon-talon lang. head, hitter, body hitter, etc. kumbaga sa sopas e alamin mo muna o imaginin mo muna kung anong lasa ang gusto mo. pag-alam mo na ito saka ka maghanap ng manok na dapat mong ipares diyan sa inahin mo. kung gusto mo ng patalon-talon, awkward maglaro pwede mong ibreed iyan mestiso na tandang diyan sa inahin mo. pero kung gusto mo ng makikig, malakas pumalo, mabilis, etc. maghanap ka ng teksas na ganito ang laro. halimbawa, gusto mo ng magaling mag shuffle, kumuha ka ng sweater o hatch. gusto mo ng angat, kuha ka ng kelso, gusto mo ng matalino, kuha ng roundhead, etc.

sana nakatulong ako sa iyo.

God Bless.
jlbs72 is online now   Reply With Quote
Old August 13th, 2002, 07:35 AM   #9
bernzfowlfighter
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

[quote]Originally posted by bernzfowlfighter:

Mga igan,

maraming salamat sa inyong payo...malaking tulong talaga...kung ano man ang kahihinatnan ng dsisyon k maka2asa kayong ilalathala ko dito....

Pareng roundhead,

magkano ang mga rate ng broodcock dyan sa pasay na sinasabi mo? (prices range). reliable ba ang mga ito????hindi pa ako nakapunta kasi...d2 ako sa taguig (pateros @ hagonoy ako nagsa2bong...

thks
  Reply With Quote
Old August 14th, 2002, 07:03 AM   #10
talahib747
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

SA KIN LANG BERNZ, TOTAL DI PA NAMAN BREEDING SEASON. KUNG AKO SA IYO MAGHANAP KA PA NG TEKSAS NA BROODCOCK. ANG MANOK NA NATIVE NA YAN AY MAGBABATO NG MABUTING KATANGIAN SA KANYANG MGA ANAK NGUNIT MAGBABATO DIN YAN NG MASAMANG KATANGIAN. mahirap magpatsamba tsamba sa pagpapalahi ng native na manok. masasayang lang ang oras at pera mo dyan dahil pareho lang ang kinakain ng teksas na manok at native na manok. imbes na magkakaroon ng upgrade ang palahi mo ay nada-downgrade dahil dyan sa native na broodcock mo.
  Reply With Quote
Old August 15th, 2002, 07:56 AM   #11
VBalu
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Friends,

Totoo ang mga payo dito sa thread na ito, kaya lang madalas ang bulsa ang tinitingnan or yung possible source ng breeding materials and problema.
Best talaga ang teksas sa teksas na combination.. ang tanong din ay kanino dapat kumuha ? Ang daming nagadvertise ng palahi nila pero wika nga, exhorbitant ang presyo, sa karaniwang sabungero ay kayamanan na ito.

So ang nangyayari ay settle na lang for second or third choice.. Well, fate will dictate kung nagtagumpay o hindi.. Pampalakas ng loob na magkaroon ng materiales mula sa magandang farm.

Basta try na lang ng try .. ang mahalaga yung ipupusta ay pang dibersiyon talaga at hindi laan sa pagkain ng pamilya..

rgds
VBalu
  Reply With Quote
Old August 17th, 2002, 11:43 AM   #12
Oplod
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Bern,

Sa breeding walang nakakasiguro talaga kung alin ang mag "nick" sa iyo- malay mo...baka mag nick ang first mating na ito (texas over sa native). Pero ang tanong ko-halimbawa magkaroon ka ng "nick" sa line na ito,ma maintain mo kaya na i-preserve ang ganitong crosses? halimbawa-ginastahan mo ng limang taon na trial and error hanggang makuha mo ang tamang combination ng crosses mo at biglang namatay ang "breeding materials" mo
ma i-pabalik mo pa kaya ang "right cross" mo?
o balik ka sa square one?

...in my opinion-kailangan kang kumuha ng "authetic"/line bred/pedegree fowl galing sa prominenting breeder na puede mong gamitin na base line "over" sa inahen mo ngayon.
Tama ang mga honest na suggestion ng mga kasamahan natin dito- hanapin mo muna ang gusto mong tipo ng manok (sa estillo at physical conformation) at saka hanapin ang "breeding materials" na magamit.
Sa breeding pinakamura ang "breeding materials" kung ikumpara sa "labor,feeds,building and maintenance,at time" mo na igagasta sa mga ito. Kailangan kang magsimula sa tamang materiales...good luck!


-Oplod-
  Reply With Quote
Old August 17th, 2002, 03:29 PM   #13
VBalu
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
Post

Oplod,

Very well said. Kaya lang sa mga nagsisimulang kagaya ko, problema ang pagkuha sa refutable breeders, minsan gusto ng isip pero di kaya ng bulsa. Minsan naman ang layo ng sources na pagkukuhanan and then sa destinasyon ng farm. Well not all can be had at the same time.

Salamat sa mga payo,

VBalu
  Reply With Quote
Old September 14th, 2004, 06:24 PM   #14
sonferd
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
ok yan

nsubukan ko yn eh

ang lumabas sa sisiw ko eh parang lahi ng asil grabe ang gagaling basaan talaga kung basaan pero magulang kung sa magulang. kya lang yan ay kung swerte ka!!!
  Reply With Quote
Old September 14th, 2004, 07:10 PM   #15
ryan72_2000
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
ano na kaya ang nangyari

sa tanong niya since 2002 pa ito. sana reply siya kung ano na ang kinahinatnan.

kung personal na gamit lang eh okey sa akin ang cross sa mestisuhin sa texas. meron ako niyan, na pag-dating sa sabungan ay parang matamis na bao. pangit ang hitsura kaya laging lamang sa laki sa labanan - 6x at 4x winner ang kinalabasan ng mga produkto.
  Reply With Quote
Old September 14th, 2004, 09:09 PM   #16
sonny_padilla
Senior Member
 
Join Date: Jan 2004
Posts: 1,545
Posts: 1,545
vCash: 500
kaibigan,
hindi nangangahulugan na winner + winner ay ang lalabas na mga anak ay lahat mananalo . ayon ako sa payo ni kaibigang babc 908 bakit di mo subukan. ang breeding ay talagang TRIAL and ERROR na process. GOOD LUCK !
sonny_padilla is offline   Reply With Quote
Old September 14th, 2004, 11:00 PM   #17
toneboy
Senior Member
 
toneboy's Avatar
 
Join Date: Jan 2003
Posts: 3,043
Posts: 3,043
vCash: 500
1. Maganda bang mag cross ng tagalogin o mestiza sa texas na inahin?

2. Mahalaga ba ang winning line na tinatawag kaysa sa taas ng dugo o lahi ng manok.

opinion ko lang po.

1. hwag kang mag breed ng tagalogin o mestizo sayang lang panahon mo. high breed ang pinaka da best. paano ka sasali sa derby kung tagalogin manok mo, pag basahan todas ka na. walang gameness iyon. kahit pa anong galing basta tagalogin pang hackfight lang iyon puede kasi pili ka nang kalaban.

2. mahalaga talaga ang winning line pero mas da best high breed pa ang manok mo. kasi pansarili mo iyon eh. hanap ka nalang ng broodcock na highbreed at winning line.

good luck sa breeding mo...
toneboy is offline   Reply With Quote
Old September 15th, 2004, 02:14 AM   #18
k meleon
Member
 
k meleon's Avatar
 
Join Date: May 2004
Posts: 209
Posts: 209
vCash: 500
dahil kahit papaano wiling akong gumastos ng oras at pera para lang sa breeding nitong inahen ko...kaya sana gusto ko maganda ang simula ko pagdating sa palahi

bumili ka na lang ng manok na teksas, may pera ka naman para hindi maubos ang oras mo. Teksas yan o tagalog, pareho din ang gastos, sa pagpapakain at pag- alaga.
k meleon is offline   Reply With Quote
Old September 15th, 2004, 05:53 PM   #19
TOLITS ROSALES
Senior Member
 
TOLITS ROSALES's Avatar
 
Join Date: Mar 2004
Posts: 784
Posts: 784
vCash: 500
Pre,

Kung willing ka gumastos jst like what you have said & to satisfy your intention of trying the winning blood line of "tagalog cock with ur texas hen" & also considering the suggestions ng mga kasama "to use the same high caliber cock & hen", this is my advise:

Save your time, purchase another texas pair. Breed your existing texas vs. tagalog cock at the same time your newly purchased texas pair. Wait for the generation & see the results. I think this will answer your question, hopefully....GUD LUCK..
TOLITS ROSALES is offline   Reply With Quote
Old September 15th, 2004, 09:44 PM   #20
Inekem
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
tama si ryan72

Ano na kaya ang nanyari sa breeding niya? Binuksan ang thread na ito two years ago pa.
  Reply With Quote
Old September 17th, 2004, 02:23 PM   #21
chickenpeddler
Member
 
Join Date: Dec 2003
Posts: 53
Posts: 53
vCash: 500
partner,

Do not mix white with red, sabi nga nila, pwede i balik sa ama or ina, para tumaas ang dugo? kalokohan yun! Kapag pinaghalo mo na ang Red sa white, pink na yun, and kahit ano pa dagdag mo, you will not get the same results. The mistizo chickens are the results of mixing other bloods that are not compatible, thats why they are not "Solid", somewhere along the way, you will encounter their defects.

Hindi ako nagsasalita ng tapos, some breeders have created strains by doing this, pero, It took them alot of time and money, before they came up with good results.

So, saan ka lalagay? kung gusto mo mag create ng sarili mo na strain, then you go ahead with your Texas-Native combo, and let me know after 10 years, if you get consistent results with your experiment.
Regards,
Chicken Peddler
chickenpeddler is offline   Reply With Quote
Old September 18th, 2004, 01:56 PM   #22
witchblade
 
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash:
hello,

i grew up in the province so i actually know the fighting style of a tagalog or cantonese fowl, it's a defensive style single stroker at patalon talon, body hitters and most often patulak o nde pinapakapit ang kalaban, meron sidestepping o mautak na movement at kung papansinin mong mabuti ang fighting style ay parang asil at whitehackle cross na sa ngaun ay makikita sa mga laro ng Roundhead at Claret.

Ang Cantonese ay duwag pero kung nabigyan ng 70% teksas at 30% tagalog (3/4 teksas x 1/4 tagalog) ay maglalaro e2 ng maganda nde basta basta tumatakbo.

Kung ganito ang blood composition ng mestizo o tagalogin mong broodcock at ima mate mo sa purong teksas na inahin ay magkakaroon ang mga anak ng 7/8 teksas at 1/8 na lang ang tagalog ang kalalabasan ng mga itsura ng 1st generation spring ay nde makikita sa balahibo ang pagiging tagalogin pero makikita e2 sa kulay ng mata, hugis ng tuka at hugis ng katawan at tanggkad ng mga paa.
  Reply With Quote
Reply


Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

vB code is On
Smilies are On
[IMG] code is Off
HTML code is Off
Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Leverage: 2 taon na manok vs. Less than 2yrs old na manok ParaTex70 Usapang Manok 15 April 11th, 2009 03:09 PM
mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong? cocker122563 Usapang Manok 93 November 18th, 2007 04:54 PM
Mga Baguhan Dito Naman Tayo loukirsten Chit-Chat 1079 September 5th, 2007 04:48 AM
F1 blood composition? entengbulik English Discussions 10 July 31st, 2007 02:35 AM
Ano ang pinakamagandang cross breeding ng manok panabong! albert Usapang Manok 6 January 11th, 2004 02:33 PM


All times are GMT +8. The time now is 08:53 PM.



Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.

Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media

About Sabong | Legal | Privacy Policy