![]() |
BALAGTASAN-Sabong |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > BALAGTASAN-Sabong
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Dito naman tayo sa Balagtasan Corner: Katuwa-an lang naman
Sabungero'ng Makata Sabong ako bundok dala ako marami manok Manok ko ubod galing Pag kalaban ay pepitsugin Pero pak ako malasin tulok manok ko at wala na gising dukot bulsa para mag bayad na Sunod sultada babawi sana ngunit dating pulis sila akin inis takbo ko hagibis wala'ng kasing bilis tayo manalangin patakaran dapat baguhin masunod lang ang ating mithi-in sa bansa na hindi atin kung manok mo patalon-talon wala ito sa kondition kung mahina siya at walang ibuga bigyan mo marami vitamina kung siya ay hindi masigla malungkot at hindi masaya Sabi ni Indian nga pala viagra ay mabisa ang epecto nito ay lintik pala masiwal at pumapalag na labanan mo kahit sino man siya dibdib mo ay walang kaba Indian, panalo ka na siguro naman kontino ka panalo mo taksang-taksang na pera huwag lang kalimutan sana ibigay lahat sa iyong asawa laking tuwa pag natangap niya pa talon-talon at pakanta-kanta pa maliligo at mag bibihis na dahil heherit din para maka pag mahjong na uwi niya hating gabi na ako naman nasa derbyhan pa uwi ko madaling araw na nag aapura at mag ta tatrabaho pa ganito pala ang buhay sa america subsub sa trabaho para kumita Kung sa sugal walang control ka may utang sa banko at credit card pa kaya kaibigan dapat mong tanda-an sugal 't sabong ay debersion lang kung walang control at pababaya-an devorcio ang magiging hantungan kung ikaw ay mahatulan sueldo mo'y babawasan pang sustento bawat buwan wa'ay kana pamuhunan sa sabungan. agoy..patay na si visaya Oplod, Maning, Felesa bulig dira. Kidd, Indian tulong naman. Wala na ako pera pang puhunan. ------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 07-31-2001).] |
|
|
|
|
|
#2 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Sonny, Ang galing naman...bilib ako talaga...inubos mo na yata, ano pang mai-po-post namin nito.
let me try: Ako'y isang sabungero mula nang mamulat sa mundo manok ko'y ari ko lang sa una nuong lumao'y dumami sila Mula sa pagkasisiw sila'y aking tanging aliw at ng mga manok na dulot ay purong ligaya Tuwing laban sa hackfight feelings ko'y alright pero tuwing nasisilat pawis ko'y sumasambulat Pag naman sa derby isip ko'y laging ready pag bitaw ng ace kuno dumadagundong ang dibdib ko Pag syapol ng manok ko lumalakas ang sigaw ko pag manok ko naman tinamaan bigla akong napipigilan Masarap talagang pumusta kung napapalaban ka Minsan talo, minsan panalo minsan ubos, minsan paldo Kaya tandaan, ipusta'y yung kaya lang Ang sabong kaibigan, walang sigurado diyan Meron akong nakilala laging talo pag-uwi niya yun pala kahit panalo natutungo lahat sa GRO sabong ang dahilan; kay brandy nakikilampungan Kaya nuong nahuli ni misis bisyo niya ay na-dismiss maraming bukol ang inabot kinalbo at kinalmot mata lang ang walang peklat nguso niya'y warat-warat baw, huuu, hirap naman netong thread mo...hehehe Kidd |
|
|
|
|
|
#3 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Si Kidd ay numiro uno sa corner na ito
Tula niya ay clarong-claro Sino kaya ang susunod dito Hintay na lang sa susunod na issue Sa corner ni Abu Balagtas Maraming dapat ipalabas Ibigkas mo ng malakas Sa pamamagitan ng patalastas Kaun'ting kuento ay OK na rin Asahan mo at may makaka pansin din Wag mo lang isipin Na ikaw ang pinakamagaling Sa ka Visaya-an wika nila Bata pa lang nag sasabong na Pag minalas mag ready ka Bog-bog sarado ang aabutin kay Papa. ------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 07-31-2001).] |
|
|
|
|
|
#4 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Sabong ako sa Guam
iba pala ang patakaran kursunada mo'y pinag sisigawan side-side-side ang tawagan Pera mo'y hahawakan ng iyong kapustahan pag hindi mo nasundan tangay si panalo pati puhunan kamalasan aking sinapit panalo na sana pero biglang sumabit Kapustahan ko'y biglang pumuslit gutom tuloy pati kabit Bato-bato sa langit ako'y galit na galit sa hirap kong sinapit ubod dami ang sabit Isipin mo na lamang pera mong pinag paguran kung hindi mo iingatan tuwang-tuwa ang kalaban Payong kapatid kaibigan kung ikaw ay may kapustahan dapat lang subaybayan para ikaw ay di niya iwan ------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 08-01-2001).] |
|
|
|
|
|
#5 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Salamat Sonny,
dadalawa pa lang tayo dine pero kahit na ako pa rin ay masaya subalit datapuwat ang usapan na chat si kalboka lang ang tanging naka-satsat Kami'y inindiyan ng mga kaibigan ewan ko kung anong nangyari sana nama'y lahat mabuti Kidd |
|
|
|
|
|
#6 |
|
CyberFriends
Join Date: Feb 2001
Location: Sharina Heights, Bacolod City, Negros Occidental
Posts: 7,106
Posts: 7,106
vCash: 500 |
Pareng Kidd,
Ako'y mabuti pa kahit nakapikit na. ewan ko sa ibang kasama kung pwede pa. |
|
|
|
|
|
#7 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Kidd, nagpunta ako sa chat room wala kana 12:30 yata iyon, naka chat ko sandali sina pennie at galapong at maverick(si bukol o kalbo siya) sayang wala ka na.
whooper |
|
|
|
#8 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
pareng Whooper, pareng Maning
that is very flattering di bale meron pa naman ibang panahon para mag-chikahan kagabi dito ng biyernes inumpisahan namin ang cheers! kaya nuong alas 3 ng umaga si Kidd ay antok-antok pa weekend na sa kapaligiran pwede na uling mag-inuman merong party ang aking kumpare na ako mamaya'y makikipag-happi Kidd |
|
|
|
|
|
#9 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Sa Cyberfriends mga pare ko
Ito'y samahan ng mga sabongero Si Kidd Sentencia ang Pangulo Si GD at Edwin naman ang kahira't kahiro. Kahit sino ay pueding mag membro Bastat ta-os puso ang pakay mo Kailangan sundin mo lang ang by-law Tanggap ka na ng walang reklamo. ------------------ Sonny |
|
|
|
|
|
#10 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Maraming projects itong samahan
pumili ka na kayo ng sasalihan lahat ay pinag-iisipan kaya malabo ang kapalpakan Sali na kayong mga baguhan ang pinto sa inyo'y bubuksan CyberFriends ang pangalan garantisado ang kasiyahan T'wing balagtas ni Sonny Si Kidd ay laging very hapi kaya't di ko mapigilan na hindi siya matumbasan Baka akalain ng iba luma ang tono netong mga tula para sa kanilang kaalaman ito'y tonong rap music lang naman hehehe, da Kidd |
|
|
|
|
|
#11 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Ang dapat nating gawin
pumili ng abugadong magaling para tayo'y hindi apihin sa layuning ipinag lalaban natin Si Tony Del ang gusto ko dahil siya'y maraming alam dito sa kaso ng mga sabongero siguradong lahat tayo'y mananalo. Tony Del hu'ag kang magagalit sa monkahi kong iginigi-it dahil laki ang tiwala ko sa mga katangi-ang ipinadama mo. Kung ako naman ang tatanongin n'yo si Kidd Sentencia pa rin ang paborito ko siy'ay walang reklamo sa mga sigalot na idinodolot ko. Kaya Oplod, Maning hu'ag kayong mainis sa mga binanggit kong hindi matamis dahil kayo pa rin ang idolo ko sa karamihan ng mga membro Indian pakiusap lang hu'ag mo sanang kaligta-an giniling na viagra ang kailangan lumigaya lang ang mga membrong gurang ------------------ Sonny [This message has been edited by Sundowner (edited 08-01-2001).] |
|
|
|
|
|
#12 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Dalawang derby and ating uuwian next year
tatlo sana kasama ang world slasher pero sino nga naman ang kaya lahat yan si pennie lang ang walang atrasan diyan Marami ang ating nasasabi sa usapang viagra at SMB Huwag lang sana nating masobrahan baka sarap ay di na malasahan Alam nating lahat mga kaibigan medyo may panahon pa naman tayo diyan pwede bang pansin nati'y itungo para 6-stag derby ni Blackwing at mabuo Kidd |
|
|
|
|
|
#13 |
|
CyberFriends
Join Date: Nov 2000
Posts: 1,689
Posts: 1,689
vCash: 500 |
Para bang yuong kumpare ko...nag gawa siya nang listahan nag mga dahilan nang misis niya para huwag mag lambingan sila. Kaya pag sumabra ang dahilan ay sasabihin niya, oy yuong dahilan na yan ay tatlong beses mo nang sinabi ngayong linggo, hindi puede yan. Kaya tawanan na lang sila at pumayag na rin si misis.
Ano ba yuong mga dahilan ni misis? 1- masakit ang ulo ko 2- mayroon ako 3- masakit ang katawan ko 4- masama ang loob ko 5- may may may..ay naku puro excuse O bakit dito lumabas ang post ko. Itong post ay para sa mga dahilan pag natalo. [This message has been edited by EAA Indians (edited 08-01-2001).] |
|
|
|
|
|
#14 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
hahaha!
ako'y iyong pinatawa pero kahit na nagkamali ka si sonny ay di magwawala Yamang nandito ka na rin lang EAA Indian, iyong subukan para ang talento sa balagtasan ay mailabas at masubukan Kidd |
|
|
|
|
|
#15 |
|
CyberFriends
Join Date: Dec 2000
Posts: 3,218
Posts: 3,218
vCash: 700 |
Ngek EAA walang rhme yan ah..O Noy Sonny ikaw naman..Kidd tagay pa, Gin Pomelo (uso sa amin na inumin)tayo ngayon..okei makinig este magbasa sa inyong dalawa..
Keep em game and fighting Galapong |
|
|
|
|
|
#16 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
Mula noong simula pa
Ako’y bumabasa Nito’ng balagsan Na inyo’ng na nasimulan Kahanga-hangan ang inyog pagka-makata Kaya ako’y napilitan, na kayo’y mapakitaan, At pilit iparinig sa balagtasa’ng wika Kahit sanga-sanga at pilipit ang aking dila Oko’y isang Sabungero Sa kandungan ng mundo Dito sa gubat na mabato Ang aki’ng napili’ng puesto Pakay ko’y maging ganador Kaya breeding ko’y Senador Kung lumipad parang itinitirador Ngunit Lo-dyes, kono sabi ng kasador Ako’y titigil na Baka maubosan pa Wala na’ng pang-umaga Kaya ako’y uuwi na muna ------------------ Abu Ahas |
|
|
|
#17 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Mahal naming Rattlesnake
Yan ang mabuti di ka tahimik Meron ka palang katangiang makata Sa una'y ayaw mo pang ipakita Sa dream farm na ating balak Na pilit naming itinutulak Kontribusyon mo'y malaking tulong Sa mithiin nating hindi umuurong Galapong ako'y tumagay na sino uli ang sesegunda? Masarap ang Gin at Pomelo huwag lang sobra ang tagay mo SB345 na malaking problema pwedeng talunin kung tayo'y sama-sama sulat sa mga senador at presidente ay huwag nating ihele-hele Kidd |
|
|
|
|
|
#18 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Anong gagawin natin ngayon mga kasama ko
ang bill es tree poor fyeb (S345) pumasa na sa sinado Kailangan natin ay malaking melagro para ito ay ma e-veto ng pangulo. Ang walang hiyang senador Wayne Allard taga Colorado at utak ng bill na ito ina akusahan pa ang mga sabongero money laundering, assault, gambling at mamatay ta-o Ito naman si Wayne Pacelle Vise presidente ng Humane Society dapat siya ang ating e entry sa Roligon derby sa January ------------------ Sonny |
|
|
|
|
|
#19 |
|
Senior Member
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 18,660
Posts: 18,660
vCash: 4964890488 |
Hindi pa naman tapos ang labanan
Na kay Rep Combest pa lang na chairman Kaya tayo'y magsikilos mga kaibigan upang hindi maranasan ang kabiguan Email ko'y na-post ko na para aking aksiyon ay maipakita una't partial pa lang yan siguradong aking dudugtungan Si Juan Lundag este tamad ay huwag tularan Umpisahan na ang email at sulatan Dito natin maipapakita sa mga hayupaks Kaya rin nating magkaisa to the max Kidd |
|
|
|
|
|
#20 |
|
CyberFriends
Join Date: Mar 2000
Posts: 1,397
Posts: 1,397
vCash: 500 |
dios ko ano itong aking napasukan
balagtasan pala ang labanan... akala ko usapan ay sabong, ako sana ay sasali sa usapan lalake. ako'y isang sabungera na puno ng dangal, kaya huwag haharahara sa akin daraanan. ako'y di umuurong sa ano man labanan dahil kalahi ko ay si gabriela silang. aray ko !!! galapong rhyme na iyan ha !!! sus talaga naman... tapos na akong magpacheck kaya eto na naman post ng post namiss ko kasi kayong lahat. mabuhay !!! |
|
|
|
|
|
#21 |
|
Posts: n/a
Posts: n/a
vCash: |
...
:lol:
|
|
|
|
#22 |
|
Member
Join Date: Apr 2003
Posts: 376
Posts: 376
vCash: 500 |
Hinahon mga kasama
Ang usapan ay Sabong! di ano mang gyera Baka ang kalabasan natin ay tinola at hindi ruweda. Sabong, Sabong, Sabong Isang gawang tayo lamang ang nakakatarok, Kung ano ang larangang ito Kadalasay inaakusahang isang bisyo, Sugal at di pang maginoo. Suma total hindi pang totoong tao (sabi nila) Bata pa ako nang aking subaybayan Mga ankan ko sa larangang aking nakagisnan Pati na si Amang na ang tanging alam ay maghanap buhay Ngayo'y kasa-kasama na rin at pumapago Sabi ni Ama si Tatay na kanyang byenan ang nagdala sa kanya Nagturo at nagpalawak ng kanyang kaisipan sa larangan Sari saring dahilan kay Inang ay kanyang tinuran Makalusot lamang at makapag laban Narito ako ngayon, ewan ko, ewan ko Sumasali na rin sa larangang ito Heto't pati balagtasan ay pinapatulan ko Makisabay lamang sa mga kabaro ni Amang sa larangan Ikaw saan ka, sama ka na, maranasan mo naman Ang maging maginoo, paminsan, minsan Hwag ka lang tatango pag nasa harap ka ng ruweda, At pagnatalo nang di mo alam tyak bugbog ka. Sa mga kasama sa larangan, tayo'y magkaisa, magtulungan at magkaunawaan Nang sa gayon sino man ang maging Presidente ng ating bayan Mairaraos yaring Mamayan. mahirap, Mayaman dito ay pantay-pantay Sana'y dyan din sa iyong kinauupuan. Sa mga lupon ng site na ito, Mabuhay kayo Salamat! Salamat!, Magsasabong na din ako... |
|
|
|
|
|
#23 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,221
Posts: 1,221
vCash: 500 |
tinola ang ulam...
ang manok kong bulik sa tupada ko linaban sa taas ng lipad ang kalaban nag pa-iwan angat/sarado daw kung iyon ay tagurian. sa lakas ng pagaspas nya natinag puno ng paminta. pag dating sa baba panay syapol ang ginawa laking gulat ko ni isa'y walang tumama. sa lakas ng syapol na panay namang sala nadukal ang lupa na may tanim na luya. sa kanyang pagbwelta nag panitig sila di kara-karakay agad sumugod siya. ngunit nakailag angat na kalaban nya at ang tinamaan puno ng papaya. muling nag pangharap at sabay na lumipad oh! manok kong bulik kisay ng bumagsak. matapos mag bayad may natirang kusing tamang tama lang pambili ng asin. ngunit ako'y uuwi na may ngiti sa labi dahil ang sasalubong mga tsikiting na munti. at sa kanilang kamay na iwinawagayway hawak nila doon dahon ng malungay. ito na si tatay may dalang talunan mamayang hapunan tinola ang ating ulam. :rbounce: |
|
|
|
|
|
#24 |
|
Senior Member
Join Date: Jan 2003
Location: Sequestered
Posts: 2,313
Posts: 2,313
vCash: 900 |
....
:lol: :lol:
|
|
|
|
|
|
#25 |
|
CyberFriends
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,481
Posts: 1,481
vCash: 500 |
Ok lang mga kaibigan kung sa ulutan ay gulangan ang laban
kahit malaki, bata, at dugong Balulang ang aking kalaban Siguradong ako'y nakaka lamang. huwag lang sumama ang manok ko sa unang liparan. Manok ko ay matagal ko ng inalaga-an Matinding pumalo kahit hindi na tari-an. Lalo na pag Balulang ang makakalaban Siguradong pintu-an ang hanap pag ito'y tinama-an Talonang Balulang paboritong pulutan Kaunting kolo lang ay lambot na ang laman Maging tinola man o pinaupu-an. Ito'y isang ulam na dapat mong matikman. Datapwa't huwag la-itin ang manok Balulang Pag itoy dumanda ng pitong taong gulang Siguradong lalaban ito hangang kamatayan. Ito'y marunong at puedi mong utusan Bumili ng Beer sa isang tindahan Problima lang nito mga kaibigan Pag ito'y natalo at naging bali talunan Pitong araw mo rin ito'y papakulu-an Para sumarap at lumambot ang laman |
|
|
|
|
|
#26 |
|
Senior Member
Join Date: Jan 2003
Location: Sequestered
Posts: 2,313
Posts: 2,313
vCash: 900 |
bump
patalastas muna heheh.:lol:
|
|
|
|
|
|
#27 |
|
Senior Member
Join Date: Jan 2003
Location: Sequestered
Posts: 2,313
Posts: 2,313
vCash: 900 |
...
HOY bubae,
hintay muna ikay huwag magmadali sa daigdig ng ulutan ay huwag munang patatari...... :lol: baka sa bilis ng pagpili ang bagsak mo ay sa piki.(hehe hirap tarian) buti pa ay mag madre wala ka pang inintindi.(hehe lagi talo pag uwi) |
|
|
|
|
|
#28 |
|
Banned
Join Date: Sep 2003
Posts: 923
Posts: 923
vCash: 500 |
ako'y may alaga
panabong na maganda madalas ko siyang himasin para umamo sa akin siya'y pinapatuka ko lagi para mabilis siyang lumaki matigas na matigas na sya pwede na kaya ating subukan sa bakbakan kung siya'y may laban sino ang matapang? kakasa ka ba dyan? shoooooooooot! *** kalabaw lang tumatanda pero aking alaga lumalaban pa. :lol: |
|
|
|
|
|
#29 |
|
Senior Member
Join Date: Jul 2002
Posts: 1,048
Posts: 1,048
vCash: 100 |
pasali po!
Ako’y bago lang sa larangang ito.
Na kung tawagin ay laro ng maginoo. Kahit na sabihin maraming nanggagantso Pero sige pa rin kahit buhay mag kaloko loko… Kaya nangarap humanap ng imported sa kano Akalaing mahusay ang kanyang palo. Ngunit ako’y nanlumo, sa manok tagalog akoy nabigo Kaya kung ako’y maglalaro, gusto ko yung aking sariling pambato… Naaalala ko pa sabi ng aking lola Sa sabong daw lolo koy nabola Naubos pati kalabaw gamit sa pagsaka, Kaya ako hinay hinay lang baka ako’y magaya Bakit ganon sabong ay mahirap iwasan Paggising pa lang sa kinabukasan, Manok na agad ang pinupuntahan, Baka kasi ako’y naisahan ( nanakawan ako,,,huhuhu) Buti na lang kahit papano Sabong sa internet meron na tayo. Marami kang matututunan dito Hindi ka pa matatalo. Salamat sa mga expert dito Sa baguhan aming iniidolo Kahit medyo nakakalito Ako’y wiling wili,salamat sa inyo… |
|
|
|
|
|
#30 |
|
Member
Join Date: Jan 2003
Posts: 338
Posts: 338
vCash: 25903417268827 |
baw!!!!!!!:lol:
|
|
|
|
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Similar Threads
|
||||
| Thread | Thread Starter | Forum | Replies | Last Post |
| Quo Vadis Sabong ? | Rigolleto | Chicken Talk | 1 | June 25th, 2007 12:39 PM |
| Balidasyon! | yenbehold | Chit-Chat | 9 | April 11th, 2007 08:29 PM |
| Re: Sabong CD/DVD Sabong Video | LOBAQ | Chit-Chat | 1 | March 5th, 2007 09:18 AM |
| Hari ng Sabong | arneld | Usapang Manok | 80 | October 20th, 2006 10:38 AM |
| arnis at sabong | leila | Usapang Manok | 10 | February 24th, 2005 03:23 PM |
Powered by vBulletin Version 3.5.5
Copyright ©2000 - 2009, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media